Chapter 13

1011 Words
Callan’s pov   Tinext ako ni Steven kaninang umaga na kasama niya daw si Nathalie. Sinabi niya na dito na din siya mag aaral kasama si Shayne. Agad ko namag tinawag ang driver Nagmamadali akong nagpunta sa school Nung makarating na ako ay hinanap ko siya Nakita ko naman siya sa court na kausap si Rich Hinayaan ko nalang muna Wala pa din kasi siyang kakilala dito kaya tiningnan ko nalang siya mula sa malayo kaso lang,hindi talaga ako makapag tiis Gustong gusto ko na siyang makausap kaya tinawagan ko si Marvin at sinabi sa kanya kung nasaan si Rich Kanina pa kasi hinahanap ni Marvin si Rich Siguro dahil sa mga pictures na nakita niya   Matagal ko nang hinahanap si Nathalie Iniwan niya nalang ako bigla without knowing kung anong totoong nangyari at kung anong nararamdaman ko para sa kanya Hindi ko din malaman kung nasaan siya Lahat ng mga dating katulong at driver sa villa ay sinisante ko na Ayaw kasi nilang sabihin sa akin kung nasaan si Nathalie Alam ko naman na alam nila kung saan siya nagpunta Nakiusap si Nathalie sa kanila na huwag sabihin sa akin kung saan siya pupunta. At ginawa naman nila kahit na ang kapalit ay ang mga trabaho nila dahil ang akala nila ay sinaktan ko siya.   Nakilala ko siya nung mga panahong nalulungkot ako Ayun yung araw na nag confess ako kay Rich Akala ko ay sasagutin niya na ako dahil wala na sila ng kuya ko pero akala ko lang pala iyon. Sobra akong nasaktan nung hindi niya tinanggap ang confession ko para sa kanya Pumunta ako sa sementeryo kung saan nakalibing si mom at doon ko nakilala si Nathalie Nakaupo siya sa ilalim ng puno Nilapitan ko siya at tinanong kung bakit siya nandito She’s only fourteen years old at that time habang ako naman ay fifteen Sinabi niya sa akin na naglayas siya pero wala manlang siyang dalang kahit isang gamit. Lumapit ako sa kanya para hawakan ang noo niya dahil mukang nilalagnat siya Tama nga ako Sabi ko sa sarili ko Paghawak ko sa noo niya ay sobrang init nito Namumula na din ang mga pisngi niya Siguro dahil malamig ang panahon ngayon Nilabas ko ang phone ko at tinawagan ang driver ko para magpa-sundo Maya-maya pa ay dumating na yung sasakyan Ako na ang bumuhat sa kanya papunta sa sasakyan Napaka gaan niya at napaka payat Dinala ko siya sa kwarto ko at tumawag ako ng doktor Sabi ng doktor ay pahinga lang daw ang kailangan niya at kumain sa tamang oras Kinabukasan ay ako na mismo ang nagdala ng pagkain niya para masiguro na kakainin niya nga iyon Matagal din siyang namalagi sa villa Ginawa ko siyang katulong dahil iyon ang gusto niya Gusto niya daw na mabayaran ang mga ginawa ko para sa kanya kahit sa ganung paraan lang Sa bawat araw na magkasama kami ay lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Pinagtapat ko sa kanya ang nararamdaman ko Laking tuwa ko nung malaman ko na gusto niya din ako Kahit na kami na ay tumutulong pa din siya sa mga gawain sa bahay Not until narinig niya sa mga katulong na ginagawa ko lang daw siyang panakip butas Narinig niya na binusted ako ni Rich kaya inakala niya na ginagamit ko lang siya para makapag move on ako Nalaman ko nalang na umalis na siya sa villa Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko siya makita Hindi niya manlang ako tinanong o kinumpronta Umalis nalang siya agad ng hindi sinasabi sa akin Hindi nga din siya nakipag break ng maayos sa akin Nag-iwan lang siya ng papel at sinulatan niya na break na kami Thank you and sorry Araw araw ay iniisip ko kung ayos lang ba siya Nag-aalala ako dahil baka may nangyari nang masama sa kanya Nalaman ko nalang na siya ang anak ng mga Ramirez Mayaman ang pamilya niya pero naglayas siya dahil nag asawa ulit ang tatay niya Nabalitaan ko nalang sa pinag-aral daw nila si Nathalie abroad   Nakita ko naman si Marvin na dumating at lumapit kay Rich Tumayo na si Nathalie at naglakad May nakabunggo naman sa kanya na lalaki Susundan ko sana yung lalaki pero nakita ko yung mga nakaka salubong ko na tumatawa Narinig ko naman ang pinag uusapan nila Nakita mo ba yung babae kanina? Tanong ng isang babae Yung nabangga ng lalaki? Oo,hindi mo ba nakita? Butas yung suot niyang stilletos Hahaha Sabay silang tumawa   Shit Ang kapal ng mukha nilang pagtawanan siya Nilapitan ko si Nathalie at binuhat pero kinagat niya ako sa leeg Tinulungan ko nalang siyang tumayo at tinali sa baywang niya yung coat ko Nakita ko yung mukha niya na parang nasasaktan Nasugatan siguro siya kaya binuhat ko siya papunta sa infirmary Nung dumating na ang doktor ay lumabas na ako dahil tinawagan ko pa si Steven Sinabi ko sa kanya na i-check lahat ng cctv sa school pero maling timing yata ako Napaka init ng ulo niya Nakausap niya siguro si Shayne Kailangan kong malaman kung sino yung lalaking nakabangga sa kanya kanina kaya si tito nalang ang pinuntahan ko Tito ang tawag ko sa tatay ni Steven Nung malaman ko kung sino iyon ay sinabi ko kay tito na hindi na siya pwedeng mag aral dito Ayos lang naman kay tito ang sinabi ko dahil hindi pa din siya nakakabayad ng tuition Pinahanap ko naman kung sino yung mga students na tumawa kay Nathalie Kinausap ko sila at sinabi na mag sorry sila kay Nathalie o hindi na sila makakapag aral sa kahit saang school Hindi ako papayag na ma-bully siya o masaktan Gagawin ko ang lahat maprutektahan lang siya kahit hindi niya alam. Alam ko kasi na hanggang ngayon ay galit pa din siya sa akin Hindi ko naman alam kung makikinig ba siya sa akin kapag sinubukan kong mag explain sa kanya Ang hirap talagang malaman ang nararamdaman ng mga babae Kung hindi lang galit sa akin si Debbie ay pwede sana akong magtanong sa kanya kung anong dapat kong gawin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD