Nathalie pov
Pinaupo ako ng professor namin sa tabi ng isang babae
Sa tingin ko naman ay mabait siya
Nginitian niya pa nga ako eh
Nung nakaupo na ako ay saka naman pinakilala ng professor si Shayne.
The moment na sinabi ng professor na fiancée siya ni Steven ay hindi ako makapag salita
Steven?
Isn’t he the one na sumundo sa amin ni Shayne kanina?
As far as I know , si Steven Smith ay ang anak ng may ari nitong school
He’s also known in the school as one of the hunk.
So , siya pala yung tinutukoy ni Shayne na lalaking gustong-gusto niya
Wait
Parang may kilala pa akong Steven
Hmmm
Ahh
Steven!
Siya yung friend ni Callan
Ehh….
Ano ba naman yan
Naalala ko na naman yung past
Hayst
Ano bang past ang pinag sasabi ko
Nagkita na nga kami ni Callan kanina eh
Para na akong tanga dahil pinag pupukpok ko ng kamay ko yung ulo ko.
Sa dinami dami ng school, bakit ba kasi dito pa ako napunta
Sinong mag aakala na dito kami magkikita ulit ni Callan
Its been a couple of years
Wala pa din siyang pinagbago
Gwapo pa din siya just like before
Shit
Ano bang sinasabi ko
Bigla naman akong natigilan sa pag-iisip nang matinig ko ang seatmate ko na nagsalita
Hi,ako nga pala si Jamie Monteverde
Pagpapakilala niya
Inilahad niya naman ang kamay niya sa akin kaya nakipag shake hands na ako
Ang swerte ko naman
Kakapasok ko pa lang ay may bago na agad akong mga kaibigan.
Ngapala, bakit may coat na nakapalibot sa baywang mo?
Panlalaki iyan,hindi ba?
Sa pagkaka-alam ko ay mahal iyang brand na yan
Mayaman ka ba?
Sunod – sunod niyang tanong sa akin
Ahhh
Hahaha
Ito ba?
Tanong ko sabay turo sa coat na nasa baywang ko
Pasensiya na pero hindi ko kasi ma-explain eh
Masyadong mahaba yung story,sabi ko sabay kamot sa ulo ko
Ahh,sorry sa pagtatanong
Hehe
Na-curious lang ako
Sabi niya sa akin
Naalala ko tuloy yung nangyari kanina
Throwback
Natalie’s pov
6:00 am
Beep beep
Tunog ng kotse sa labas
Sinabi sa akin ni Shayne na may mag susundo daw sa amin ngayon papuntang school
Hayst
Nakakahiya, late pa ako nagising
Sobrang traffic kasi kagabi eh
Hindi din naman ako makatulog sa kotse dahil napaka uncomfortable
Hating gabi na yata kami nakauwi
Kainis
Hindi nalang sana ako nagpasundo
Paninisi ko sa sarili ko
Nakakahiya naman kasi talaga
First day of school pero late na agad ako
Kinuha ko ang mini skirt na nasa drawer
Yun kasi ang una kong nakita sa drawer kaya iyon nalang ang kinuha ko
Sinuot ko na din ang stilettos ko
Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi pa pala ako nakakakain
Hayaan mo na
Nagmamadali na akong bumaba
Muntik na nga akong Matisod sa hagdan eh
Mabuti nalang at nakahawak pa ako sa gilid
Pagkababa ko ay naalala ko na nakalimutan ko pala yung sandals ko
Hay
Epekto siguro ito ng kakulangan ko sa tulog
Umakyat ako sa itaas at kinuha yung sandals ko
Dali-dali ko naman itong sinuot
Ouch!!!
Sigaw ko
Napatid kasi ako sa kumot ko
Hindi ko pa pala naligpit ito
Tumayo na ako agad dahil wala na talagang time
Kanina pa tumutunog yung kotse sa labas
Nakisabay pa sa tunog yung tiyan ko
Kumikirot yung tuhod ko kaya tiningnan ko ito
Nakita ko naman na namamaga na
Wala na talaga akong time para gamutin ito
Binagalan ko na ang pagbaba ko sa hagdan
Kanina pa kasi ako nagmamadali pero lalo lang akong bumabagal.
Paglabas ko sa villa ay naabutan ko pa yung kotse
Mabuti nalang talaga
Mayroon naman lalake na nagbukas ng pinto ng sasakyan para sa akin.
Siya siguro yung driver
Pumasok na ako sa sasakyan at umupo sa tabi ni Shayne
Sorry, na late ako
Sabi ko kay Shayne at sa lalake na kasama namin
Ayos lang iyon
Alam ko naman na late ka na nakatulog kagabi
Sabi ni Shayne sa akin
Hiss!
Hindi ko mapigilan na gumawa ng tunog
Kumikirot na naman kasi yung tuhod ko
Itutulog ko nalang ito
Inaantok na din kasi ako
Ipinikit ko ang mata ko
Maya-maya pa ay nakatulog na ako
Nathalie! Nathalie!
Hmmm
Inaantok pa ako
Psst Nathalie
Gumising ka na
Nandito na tayo sa school
Dahan dahan ko namang iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Shayne
Bumangon na ako at tumayo
Hindi ko na nakita yung driver at lalake na kasama namin kanina
Dahan dahan lang akong naglakad palabas ng sasakyan dahil baka lalong kumirot yung tuhod ko
May sumalubong naman sa amin na mag asawa
Sila yata yung may ari nitong school
Tinawag naman nila si Shayne
Nag antay lang ako na matapos ang usapan nila
Malayo naman ako sa kanila kaya hindi ko din marinig yung pinag-uusapan nila
Maya-maya pa ay lumapit sa akin si Shayne
Nathalie, pasensya na pero mag uusap lang kami sa loob
Kailangan muna kitang iwanan dito
Ayos lang ba sa iyo?
Tanong niya
Tumango naman ako
Hindi naman pwedeng hindi sila makapag usap ng dahil sa akin
Pag-alis ni Shayne ay nagsimula na akong maglakad
Wala naman akong magawa
Hindi ko din naman kabisado itong school lalo na at first time ko dito
Pumunta nalang ako sa court
May nakita naman akong babae na mag isang nakaupo sa mesa kaya nilapitan ko siya
Napaka lively niya
Naging magkaibigan na kami agad
Nagkwentuhan kami,sinabi niya sa akin na ipapakilala niya daw ako sa best friend niya.
Rich Mendoza yata yung pangalan niya
Sa kalagitnaan ng pag uusap namin ay may dumating na lalake
May mga babae naman na umaaligid sa kanya
Siguro isa siya sa mga hunk
Sabi ko sa isip ko
Lumapit siya sa mesa namin ni Rich
Kilala mo ba siya?
Tanong ko kay Rich
Boyfriend niya ako
Sagot ng lalake
Ahh, ganon ba
Ok sige , Maiwan ko muna kayo
Sabi ko sa kanila
Tumayo na ako at naglakad paalis ng court
May nakasalubong naman ako na lalake
Nabangga niya ako pero nag sorry naman siya kay hinayaan ko na
Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko
Habang naglalakad ako ay napansin ko na pinagtitinginan ako ng ibang mga students.
Naramdaman ko naman na may bumuhat sa akin
Nagpumiglas agad ako dahil baka makidnap pa ako.
Hindi pa din ako binababa ng bumuhat sa akin kaya kinagat ko nalang yung leeg niya
Hindi ko nga alam kung bakit sa dinami dami ng pwedeng kagatin ay iyong leeg pa niya ang naisipan kong kagatin
Binaba niya na ako sabay sabi na …
“Na miss mo ata ako ng sobra para kagatin mo ang leeg ko”
Gusto mo ba akong lagan ng chikinini?
Tanong niya
The f*uck
Sabi ko dahil gulat na gulat ako sinabi niya
Sino ba naman ang gustong lagyan ng chikinini sa leeg ang kidnapper
Napatingala nalang ako
Sira ulong kidnapper to
Sisigaw na sana ako para humingi ng tulong pero nakita ko yung mukha niya
Ca… Cal….Callan?
Hindi ako makapagsalita ng maayos
Bakit nagkita pa kami?
Tanong ko sa sarili ko
Miss me?
Tanong niya sabay tanggal ng coat na suot niya
Tinulungan niya naman akong tumayo at itinali niya sa baywang ko yung coat na hawak hawak niya sabay bulong sa tenga ko na “butas yung stilletos mo"
Napatingin naman ako sa legs ko at nakita kong may butas nga.
Hayst
Siguro kagagawan ito nung lalaking nakabangga sa akin kanina
Bigla namang kumirot yung tuhod ko
Hiss!
Ayos ka lang ba?
Tanong ni Callan
Hindi pa nga ako nakakasagot ay binuhat niya na ako at dinala sa infirmary
Binaba niya ako sa kama at tinawag ang doktor
Nung dumating na ang doktor ay umalis na si Callan
Nakita ko naman na nilabas niya ang phone niya
May tatawagan siguro siya
Ginamot naman ng doktor yung sugat ko at umalis na pagkatapos sabihin sa akin kung anong dapat kong gawin
Napatingin naman ako sa relos ko at nakita na labing limang minute nalang ay magsisimula na ang afternoon class
Ilang oras na din kasi akong nakahiga dito
Lumabas na ako ng infirmary
Nakasalubong ko naman si Shayne sa daan
Sabay na kami na pumunta sa classroom.
Naramdaman ko naman na ang cold ni Shayne sa akin