Third person’s pov
Ito ang araw na madi-discharge na si Marvin sa ospital.
Naalala niya naman na hindi niya pa nakaka-usap si Steven tungkol kay Shayne kaya dumiretso siya sa ward ni Jamie.
Palagi kasing nandirito si Steven.
Pagdating niya sa ward ni Jamie ay walang tao doon.
Tinawag niya ang nurse at nagtanong kung nasaan ang patient sa ward.
“Kahapon pa po nadischarge ang patient , sir"
Sagot ng nurse
Dali – dali niya namang tinawagan ang driver niya para sunduin siya sa ospital at pumunta sa villa na tinutuluyan ni Steven.
Pagkatapos ng isang oras na biyahe ay nakarating din siya sa wakas sa villa ni Steven.
Dumiretso na siya sa loob dahil kilala na din naman siya ng mga katulong dito.
Madalas kasi siyang pumupunta dito
Nakita niya naman si Steven na nakaupo sa sofa sa may living room.
Naglakad siya at umupo sa sofa na nakaharap kay Steven
Base sa mukha ni Steven ay wala siyang balak na makinig sa sasabihin ni ko
Sabi ni Marvin sa isip niya kapag napag desisyonan niya na makiusap kay Steven na pakinggan siya kahit saglit lang
Saka niya sinabi ang dapat niyang sabihin.
Nung narinig palang ni Steven na binanggit ni Marvin ang pangalan ni Shayne ay tumayo na agad siya.
Wala siyang balak na makinig sa kung ano mang sasabihin ni Marvin , lalo na at tungkol ito kay Shayne
Wala nang nagawa si Marvin dahil umakyat na si Steven.
Matagal na niyang kilala si Steven,alam niya din ang ugali nito at temperament.
Hindi niyo na mababago ang isip niya kapag nakapag desisyon na siya.
Lumabas na si Marvin sa villa at pumunta sa university.
Steven’s pov
Kakagaling ko lang sa ospital
Nakita ko naman na wala na si Jamie sa ward niya
Ang tigas talaga ng ulo niya
Sinabihan ko na siya na hintayin ako
Pumunta ako sa dorm niya
Nakita ko naman na nakauwi siya ng maayos kaya bumalik na ako sa villa.
Umupo muna ako sa sofa sa may living room
Maya-maya pa ay nakita ko si Marvin na pumasok
Wala akong balak na makipag kwentuhan sa kanya dahil alam ko na walang kwenta lang naman ang mga sasabihin niya pero nakiusap siya sa akin na makinig muna ako.
Sigh
Wala na akong nagawa pa
Nakinig ako sa sinabi niya pero nung marinig ko ang pangalang Shayne ay tumayo na ako.
Sabi ko na nga ba
Walang kwenta ang sabihin niya
Pagkapasok ko sa kwarto ay tumunog naman ang cell phone ko.
Alam ko na agad na si mom ang tumatawag dahil naka special ring tone ito.
Wala talaga akong balak na sagutin ang tawag niya dahil alam ko na tungkol kay Shayne na naman ang sasabihin niya pero wala din akong magagawa dahil siya parin ang nanay ko.
Pagka pindot ko palang ng answer key ay nagsalita na agad si mom
Hindi niya manlang ako binati muna
Steven,pumasok ka ng maaga bukas dahil kailangan mong sunduin si Shayne
Simula bukas ay mag aaral na din siya sa school natin
Ngapala , may kaibigan pa siya na mag aaral na din dito
Ano nga ba ang pangalan non?
Na… Naomi?
Nath… Nathalie ?
Hindi ko sigurdo dahil hindi ko din naman kilala
Ikaw na ang bahalang magsundo sa kanila bukas
Pagkatapos sabihin iyon ay nag hung up na si mom.
Napaisip tuloy ako
Nathalie?
Hindi ba iyon din ang pangalan ng ex ni Callan?
Gusto ko sanang sabihin kay Callan pero paano kung hindi naman pala siya yung ex niya.
Baka umasa lang siya sa wala
Pero….
Kung yung Nathalie na tinutukoy ni mom na kaibigan ni Shayne ay yung ex ni Callan….
Mukang magkakaroon ng magandang show
Kung siya nga si Nathalie Ramirez ay mukang mag aaway sila ng barest friend niya dahil kay Callan.
Tsk
Ano kayang gagawin ni Callan kapag nangyari iyon?
Hmmm
Makatulog na nga
Kailangan ko pang gumising ng maaga bukas
Brent’s pov
Natutuwa ako tuwing nakikita kong namumula ang mukha ni Jamie.
Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya.
Nakita ko naman na humarap siya sa ibang direksyon
Naiilang ata siya.
Napansin ko na nanlaki ang mga mata niya kaga tumingin din ako kung saan siya nakatingin
Sa kabilang mesa ay mag isang babae,nag aaral din siya sa school namin base sa damit na suot niya.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kutsilyo na nasa mesa at akmang ihahagis ito
Agad naman akong lumapit kay Jamie
Tinakpan ko siya ng likod ko
Anong ginagawa mo?
Tanong ni Jamie sa akin
Wag kang malikot
Nakita mo naman na may hawak na kutsilyo yung babae
Sigurado naman ako na hindi niya ako sasaktan
Pagpapaliwanag ko
Nakita ko naman na nag aalala siya sa akin
Napangiti nalang ako
Binuhat ko siya at naglakad na ako palabas sa restaurant
Pagbalik namin sa school ay magsisimula na ang afternoon class ni Jamie kaya binaba ko na siya
Jamie’s pov
Nung makita ko yung babae na hinawakan yung kutsilyo at akamang ihahagis sa akin ay natakot ako.
Hindi ko alam na dahil sa pagseselos ay ayos lang sa kanila na pumatay.
Magpapaliwanag na sana ako pero bigla nalang akong niyakap ni Brent
Tinakpan niya ako
Nag alala naman ako para sa kanya dahil baka siya naman yung matamaan.
Sinabi niya sa akin na hindi naman daw siya gagawan ng masama ng iba kaya hinayaan ko nalang siya.
Binuhat niya ako palabas ng restaurant ay bumalik na kami sa school.
Hindi ko na nakita si ate Rich sa court
Siguro ay pumunta na siya sa room niya dahil magsisimula na din ang afternoon class
Naglakad na din ako papunta sa classroom
Maya-maya pa ay tumunog na ang bell
Mabuti nalang at umabot pa ako
Umupo na ako sa upuan ko
Pumasok na ang professor namin at may kasamang dalawang student
Bagong transfer siguro sila
Sabi ko sa isip ko
Maya-maya pa ay nagpakilala na sila
Hi , good morning sa inyo
Pagbati ng isa
My name is Nathalie Ramirez, nanggaling ako sa US
Sana ay maging magkaibigan tayong lahat for the rest of the year
Mukang mabait naman siya
Pinaupo siya ng professor sa tabi ko
Nginitian ko naman siya at nagpakilala
Yung isang babae naman ay nasa harapan padin
Yung professor na namin ang nagpakilala sa kanya
Siguro napakayaman niya para maging magalang sa kanya ang professor namin.
Class, siya si Shayne Valdez
Pareho sila ni Nathalie na galing US
Fiance siya ni Steven,one of our school hunks
Sana maging maayos ang pakikitungo niyo sa kanilang dalawa
Pagkatapos siyang ipakilala ng professor ay umupo na siya sa harapan.
Fiancée ni Steven?
May Fiancée na pala siya
Hindi ako makapaniwala