Jamie's pov
Luhh
Baliw ba siya?
Wag ka nang magselos,nakita mo naman yung nangyari,I swear ikaw lang ang gusto ko.
Yun ang chat ni Kent sa akin
Babaero talaga siya. Kakasabi niya lang kahapon na may jowa na siya tapos ngayon sasabihin niya na ako lang ang gusto niya.
I-block ko na nga siya para hindi na niya ako ma-chat
Callan's pov
Sigurado akong hindi na magagalit sa akin si Debbie dahil sa sinabi ko sa kanya.
Kapag nagkita kami,magko confess ako sa kanya .
Yun ang inakala ko . Pagkatapos kong magchat sa kanya ay sineen niya lang ako.
Ngayon naman ay hindi ko na siya ma-chat. Sa tingin ko ay blinock niya ako.
Kasalanan to ng babaeng yon.
Gumawa ako ng bagong acc pero hindi ko makita yung acc niya.
Naalala ko ang sinabi niya na idedeactivate niya ang acc niya.
Third person's pov
Nagmamadali si Callan na puntahan ang mga kaibigan niya para humingi ng tulong .
Isa sa mga kaibigan niya ay si Steven. Isa siya sa mga hunk at mga magulang niya ang nagmamay ari ng school.
Ipinaliwanag ni Callan kay Steven ang nangyari at dapat niyang gawin at saka siya umalis kasama ang iba pang hunks para puntahan at kausapin si Jamie.
Steven's pov
Its the first time na nanghingi ng tulong sa akin si Callan.
Kahit na ako ang anak ng may ari nitong school ay mahirap parin para sa akin ang pinapagawa niya.
Yun ang sinabi ko kay Callan kahit hindi naman totoo kaya wala siyang magagawa kundi ang magkautang sa akin.
I was just bluffing him pero sabi niya ay kung meron man akong gusto ay ibibigay niya sa akin.
Honestly, may itsura si Jamie . That's why siya nalang ang hihingin ko kay Callan.
Pumunta ako sa office ni dad at sinabi sa kanya na mag hire siya ng best hacker para kay Callan.
Sigurado naman akong papayag siya dahil ito ang unang pagkakataon na nakita niyang nagseryoso sa babae si Callan.
After a while , dumating na yung hacker na pinatawag ni dad.
Sabi nila siya daw ang pinakamagaling na hacker pero wala siyang magawa dahil nagkaroon daw ng virus at naka-deactivate na ang account ng iha-hack nila.
Jamie's pov
May nakilala ako friend dati.
His name is fenriss. Marunong siyang mang hack.
Naalala ko tuloy nung may nanliligaw sa akin pero binusted ko,sinubukan niyang i-hack ang acc ko. Buti nalang at nalaman yun ni Fenriss.
Nung blinock ko si Callan , alam ko na hindi yun ganon kadali dahil mayaman siya.
Kaya niyang gawin ang kahit ano kaya nagpatulong ako kay Fenriss.
Nilagyan niya ng virus ang mga gamit nilang mga devices.
Sinabihan niya din ako na i-deactivate ko ang acc ko.
Sinunod ko naman ang payo niya dahil wala na din akong pakialam sa acc na yon.
Nagpunta nalang ako sa canteen kasama si ate Rich para makakain na kami.
Maya-maya pa ay narinig kong nagtilian ang mga babae sa paligid.
Nakakarindi naman sila. Ano na naman ba ang nangyari?
Paglingon ko ay nakita ko ang mga hunks sa school.
Kinabahan ako lalo na at kasama nila si Callan.
Tatayo na sana ako para umalis sa canteen pero pinaligiran nila ako.
Ok lang yan. Sabi ko sa isip ko dahil nandito naman si ate Rich.
Maya-maya pa ay dumating si Marvin at kinausap si ate Rich.
Ngayon , binabawi ko na ang sinabi ko sa isip ko.
Ano nga ba ng aasahan ko kay ate Rich.
Mas importante pa sa kanya si Marvin kaysa sa akin.
Hindi ko maintindihan.
Sa dinami dami ng mga babae sa school na to na gusto silang makaharap at makita ng malapitan ay bakit ako pa na wala namang interes sa kanila.
Kapag ako napikon sa mga pinaggagawa nitong mga hunks na to ay magta-transfer ako ng school.
Lumapit si Callan sa akin at bumulong.
"Dahil sayo ay nag- away kami ng girlfriend ko so you should pay the price for what you did"
Ano naman ang pake ko sa kanila ng girlfriend niya at Isa pa , hindi ko kasalanan yon.
Kasalanan yon ng mga fans na umaaligid sa kanya.
Hindi ba talaga sila nag iisip?
Don't worry,wala naman kaming gagawin sa iyo.
May gagawa na non para sa akin. Dagdag pa niya.
May saltik ka ba?
Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko na lamang nasabi yon.
Siguro dahil nakasanayan ko nang sabihin iyon sa kanya kapag nagchachat kami.
Napaisip ako.
Hindi pala niya alam na acc ko yung Debbie na ka-chat niya .
So , hindi niya iisipin na nagbibiro ako.
It means , I offended him.
Luhh,patay na ako. Yun na lamang ang tanging pumasok sa isip ko lalo na at nakita ko ang mga mukha niya na para bang gusto na akong lamunin ng buo.
Nakita ko naman ang pagkamangha sa mga mukha ng ibang hunks.
Tanging ako lang kasi maliban kay Debbie ang nagsabi non sa kanya.
Napaisip tuloy ako kung sasabihin ko na ba sa kanya na ako si Debbie.
Kaysa naman ay masaktan o mapahiya pa ako sa kung ano man ang balak nilang gawin.
Hindi pa nga ako nakapagdesisyon pero dahan dahan silang naglakad papunta sa akin at nag away.
Shit. Anong ginagawa nila? Tanong ko sa sarili ko.
Bigla nilang nilakasan ang pag-uusap nila.
Dinig na dinig ang pag -aaway nila hanggang sa labas ng building.
Patay na ako. Yun nalang ang nasabi ko nung marinig ko ang pinag aawayan nila.
Para akong natuod sa kinatatayuan ko.
Ngayon alam ko na kung anong ibig sabihin ng sinabi ni Callan na may ibang gagawa ng paghihiganti niya sa akin.
Nag-aaway lang naman sila para sa akin sa harap pa ng mga fans nila.
Anong gagawin ko?
Hindi ako makapagsalita.
Anong klaseng school to? Bkit nila pinapayagan na may mangyaring ganito tsaka class time na.
Wala na akong pag-asa. Sabi ko sa sarili ko.
Isa sa mga hunk na nandito ay ang anak ng may ari nitong school.
Bigla akong nanghina .
Hindi pa pala ako nakakakain .
May hypoglycemia pa naman ako.
Balak ko sanang wag himatayin pero nakita ko ang nanggigigil na mukha ng mga fans nila.
Perfect timing naman pala.
Buti nalang at dumating sila nung hindi pa ako nakakakain.
Maya-maya pa ay bigla nalang akong nawalan ng ulirat at napahandusay sa sahig.