Jamie's pov
Hmm
Ang lambot naman.
Hindi ko maimulat ang aking mata dahil wala na talaga akong energy.
Hinang Hina na ako.
Nagtataka ako kung bakit ang lambot ng hinihigaan ko.
Sa pagkakaalala ko ay hinimatay ako sa sahig.
Brrrr. Tunog ng tyan ko
Hindi pa pala ako nakakakain
Hindi ko din naman magawang magsalita dahil wala na akong lakas.
Naisip ko nga na kagatin yung labi ko kaso baka lalo lang akong mawalan ng lakas.
Gusto kong imulat ang mga mata ko pero sumasakit lang lalo ang ulo ko kaya ibinuka ko na lamang ang aking bibig at kinagat ang kung ano man ang makakagat ko.
Nagulat na lamang ako nung may nakagat ako na malambot pero medyo basa.
Hindi ko alam kung ano yon pero in faireness , masarap at medyo matamis naman.
Sa sobrang sarap ay diniinan ko ang pagkagat at sinipsip ito.
Nagulat nalang ako nang maramdaman ko na gumalaw ito.
Naramdaman ko na may pumasok sa bibig ko na tila ba nakikipaglaro sa aking dila.
Maya maya pa ay may kumagat sa labi ko. Hindi naman masakit pero may nalasahan akong dugo.
Bigla nalang akong nanghina. Pakiramdam ko ay mawawalan na naman ako ng ulirat.
Knock knock
Katok ng nurse sabay sabi na oras na daw para kumain.
Nagising ako sa narinig kong ingay.
Bakit ako nasa ospital?
Yun ang unang pumasok sa isip ko.
Tinanong ko yung nurse kung sino yung nagdala sa akin dito.
Ang sabi sa akin ng nurse ay may dalawang lalaki daw na nagpunta dito.
Yung isa ay yung nagdala sa akin at yung isa naman ang nagbantay sa akin habang wala pa akong malay.
Si Steven pala yung nagdala sa akin dito.
Naalala ko tuloy yung nangyari kanina.
Panaginip lang ba yun?
Naramdaman ko talaga yun pero sabi ng nurse ay mahimbing daw ang pagkakatulog ko kanina.
Hindi ko na masyadong inisip ang nangari at kinain nalang ang pagkaing dala ng nurse.
Pagkatapos kong kumain ay saka naman dumating si ate Rich,kasama si Marvin at Steve.
Sabi ng nurse ay may isang lalaki daw na nagbantay sa akin habang natutulog ako.
Siguro si Marvin yon.
Kaya siguro siya nagustuhan ni ate Rich dahil generous siya at mabait.
Steven , pwede ba tayong mag-usap?
Tanong ko sa kanya
Gusto ko sanang magpasalamat sa pagdala njya sa akin dito sa ospital .
Sure,sagot niya sa akin.
Lumabas sila ate Rich at Marvin sa ward.
Nagpasalamat ako kay Steven sa pagdala niya sa akin dito.
Saka ko siya tinanong kung anong nangyari.
Akala ko ay makakakuha ako ng sagot pero sabi niya ay wag ko na daw intindihin iyon.
Ngapala, sino yung nagbantay sa akin habang wala akong malay?
Nagbantay? Tanong niya sa akin.
Bakas sa mukha niya ang pagtataka.
Oo, sabi ng nurse ay may nagbantay daw sa akin.
Sasagot palang sana siya pero biglang pumasok si ate Rich.
Tama na yang pag-uusap nyo. Baka ma-stress ka pa
Sigaw ni ate Rich
Napaka lively naman niya.
Sandali lang , sabi ko kay ate Rich dahil gusto ko talagang malaman kung sino yung nagbantay sa akin pero sabi ni Steven ay may gagawin pa daw siya kaya mauna na siya.
Steven's pov
Alam ko na plano nilang mag-away para kay Jamie sa harap ng mga fans namin pero hindi ko akalain na bigla nalang siyang hihimatayin.
Mabuti nalang at dumating ako sa oras.
Nasalo ko sya bago pa siya mahulog sa sahig.
Tumawag kayo ng ambulansya, sigaw ko sa kanila.
Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako mapakali nung makita kong hinimatay sya.
Mabuti nalang at dumating na agad yung ambulansya.
Hindi na ako sumunod sa kanila dahil may aasikasuhin pa ako.
Nung makita kong maayos na nakaalis yung ambulansya ay napalagay na ako.
Pinuntahan ko si Callan.
Pinaalala ko sa kanya ang sinabi niya na ibibigay niya daw ang gusto ko.
Kahit na hindi naging matagumapay ang pinapagawa niya sa akin ay ginawa ko parin ang makakaya ko.
Pagkatapos ko siyang kausapin tungkol sa napagkasunduan namin ay agad akong pumunta sa ospital para bisitahin si Jamie.
Nagtaka ako kung sino yung sinasabi niya na nagbantay sa kanya habang wala siyang malay.
Sa pagkakaalam ko ay wala namang sumama sa ambulansya dahil kasama ni Rich si Marvin.
Pagkalabas ko ng ward ay kinausap ko ang director nitong ospital para i-check ang surveillance camera.
Gusto kong malamankung sino yung sinasabi niya na nagbantay sa kanya.
Pagkatapos kong makita ang surveillance camera ay nalaman ko na pumunta pala dito si Brent.
Naalala ko na hindi siya sumama sa plano nila na mag-away sa harap ng fans nila.
Brent's pov
Hindi ako pumayag sa plano nila dahil nakita ko si Jamie kahapon na gamit ang phone niya.
Nakita ko na ang gamit niyang acc ay Debbie
Wala akong balak na sabihin kay Callan ang totoo dahil sigurado ako na katulad ng ibang mga babae ay sasaktan niya lang din si Jamie.
Isa pa, kahit kaylan ay hindi niya ako iginagalang bilang nakatatandang kapatid niya.
Nung makita kong hinimatay si Jamie ay agad akong sumunod sa ospital.
Naaawa ako sa kanya dahil ginagago lang siya ng kapatid ko.
Binantayan ko siya habang natutulog.
Nakita ko na gumalaw siya , tatawagin ko na sana yung mga doctor para sabihin na giving na siya pero bigla niya nalang kinagat yung labi ko.
Hindi ko alam kung sadya ba yun o wala siya sa katinuan.
Lalaki rin ako. Nung oras na hinalikan niya ako ay hindi na ako nakapagpigil.
Gumanti ako ng halik.
Maya-maya pa ay nawalan na naman siya ng malay.
Tumayo agad ako sa kama at tinawag ang doctor at nurse para i-check kung ayos lang ba siya.
Nakahinga naman ako ng maluwag nung sinabi ng doctor na kailangan niya lang ng pahinga.
Umalis na agad ako sa ward dahil baka magising pa sya.
Sa labas ng ward ay nakita ko si Steven kasama sina Rich at Marvin.
Nagtago ako para hindi nila ako makita.
Nung nakapasok na sila sa ward ay saka ako umalis sa pinagtataguan ko.
Inutusan ko yung driver na magmaneho papuntang villa
Gusto kong hilingin kay dad na i-cancel ang engagement namin ni Rich.
Alam ko naman na ang gusto niya ay si Marvin.