Rich's pov
Jamie
Tawag ko sa kanya
Alam kong hindi maganda ang pakiramdam nya pero gusto ko siyang makausap
Kailangan ko ng kaibigang dadamay sa akin ngayon
Naiiyak na tuloy ako
Nagsisimula nang mamasa ang aking mga mata
Napansin naman ni Jamie na naiiyak na ako kaya nilapitan niya ako at niyakap.
Anong nangyari?
Tanong ni Jamie sa akin.
Hindi ako makapagsalita
Bigla nalang bumuhos ang aking luha
Hindi na niya ako muling tinanong pa
Hinayaan niya muna akong umiyak
Maya maya pa ay natapos na akong umiyak
Ikwinento ko sa kanya ang nangyari.
Masaya ako pero malungkot din
Sa wakas , naipagtapat ko na kay Marvin ang nararamdaman ko para sa kanya.
Kaso nga lang ay walang magandang kinalabasan.
Sa tingin ko ay hanggang magkaibigan nalang tayo.
Sagot sa akin ni Marvin.
Nagsimula na naman akong umiyak.
Marvin's pov
Nung oras na inamin sa akin ni Rich ang nararamdaman niya ay hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Alam ko na dati silang magkasintahan ni Brent
Gusto pa din sya ni Brent hanggang ngayon kaya hindi ko tinanggap ang confession niya.
Sinabi niya sa akin na hindi na nila mahal ang isat isa.
Nakita ko na naiiyak na siya kaya niyakap ko sya at sinabi na pasensya na dahil buo na ang pasya ko.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong desisyon.
Kumawala siya sa pagkakayakap ko at tumalikod para umalis.
Nakaramdam ako ng sakit nung makita ko na aalis na siya
Para bang tinutusok ng karayom ang puso ko.
Gusto ko na din ba siya?
Tanong ko sa sarili ko.
Bakit hindi muna ako nag isip bago ako sumagot.
Paninisi ko sa sarili ko.
Bakit ngayon ko lang nalaman ang nararamdaman ko para sa kanya?
Siguro naman ay hindi pa huli ang lahat.
Kung gusto ko nga siya ay kailangang gumawa muna ako ng paraan para makansela ang engagement nila ni Brent.
Brent's pov
Nakarating din ako sa wakas sa Villa
Bumungad sa akin ang napaalaki at napakagandang mansion
Bihira lang akong magtungo dito dahil na din sa pag aalitan namin ni Callan
At Isa pa , binigyan ako ni dad ng sarili kong villa.
Doon ako namamalagi
Ilang taon na din nung huli akong bumisita dito
Nakita ko si butler Mo sa may pintuan
Nakangiti siya sa akin
Matagal nang naninilbihan ang pamilya ng Mo sa pamilya namin.
Binati ko siya ng magandang araw at ganon din naman siya sa akin.
Nakita ko ang pagkabalisa sa mukha ni butler Mo
Tinanong ko siya kung anong nangyari
"Young Master, bumalik na si Miss Shayne galing US"
Sagot niya
Bigla akong natigilan sa sinabi niya
Hindi ko akalain na maririnig ko ulit ang pangalang iyon.
Labing isang taon na din ang nakalipas ng huli ko siyang nakita
Kung inaakala niyo na masaya ako na nagbalik na siya ay nagkakamali kayo
Si Shayne Valdez ay ang fiance ni Steven
Pareho sila ni Jamie na may hypoglycemia
Naalala ko tuloy nung hinimatay si Shayne
Nauntog ang ulo niya sa sahig,napaka daming dugo ang lumabas mula sa kanyang ulo.
Dinala siya sa ospital at inoperahan
Walang nagawa si Steven kundi ang mag antay lang sa labas ng operating room.
Napakasakit sa kanya na makita si Shayne sa ganung kalagayan
Makalipas ang sampung oras ay natapos na ang operasyon
Maayos naman ang kinalabasan ng operasyon ngunit ang ilan sa mga memorya ni Shayne ay nawala
Kasama na sa mga memoryang nawala sa kanya ay si Steven.
Wala siyang maalala sa kahit anong pinagsamahan nila.
Una niyang nakita sa ward si Callan kaya inakala niya na siya ang fiance niya.
Ayaw niyang mawala sa paningin niya si Callan kahit isang segundo.
Kahit na nakalabas na siya sa ospital ay palagi niya paring hinahabol si Callan
Hindi naman siya pinapansin ni Callan dahil ang gusto niya ay si Rich
Sa kasamaang palad ay nagmamahalan kami ni Rich nung mga panahong iyon.
Binalaan ako ni Callan na wag kong sasaktan si Rich.
Naiinis na si Shayne dahil kahit anong gawin niya ay hindi pa din siya pinapansin ni Callan kaya nagpatulong siya sa akin.
Tumanggi naman ako sa hinihiling niya sa akin kaya nagalit siya.
Kinausap niya si Rich at sinabi na mag relasyon kaming dalawa.
Narinig naman ni Callan ang sinabi niya kaya sinuntok niya ako sa mukha.
Simula noon ay hindi na naging maganda ang ugnayan namin ni Callan
Hindi na din ako pinansin ni Rich.
Iniwasan niya ako na para bang wala kaming pinagsamahan.
Kinabukasan ay nalaman ko nalang na lumipad na pala papuntang US si Shayne.
Simula noon ay wala na akong narinig pa tungkol sa kanya.
Young Master
Tawag sa akin ni butler Mo
Ayos ka lang ba?
Tanong niya
Bumalik ako sa aking pag iisip at nginitian ko siya
Naglakad ako papasok sa loob.
Nadatnan ko naman na nag uusap si dad at si Shayne sa may living room
Wala na akong balak na magtagal dito lalo na at nandito pa si Shayne kaya hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.
Naglakad ako papunta sa pwesto kung saan naka upo si dad at sinabi sa kanya na i-cancel ang engagement namin ni Rich.
Bigla nalang natahimik ang living room.
Tinanong naman ako ni dad kung bakit ko naisipang ikansela ang engagement, ang sinagot ko nalang ay hindi na namin mahal ang isa't isa dahil iyon naman ang totoo.
Sumabat naman si Shayne
Naaalala ko na ang lahat, ipapaliwanag ko kay Rich ang lahat
Sabi niya sa akin.
Natigilan ako sa sinabi niya pero hindi pa din magbabago ang isip ko.
Sinabi ko sa kanila na hindi na talaga namin mahal ang isa't isa.
Kung naalala niya sana ang lahat bago pa kami nag break ni Rich ay baka naayos pa namin ang lahat.
Kung iyan ang gusto mo, anak ko.
Sabi sa akin ni dad
Natuwa naman ako dahil akala ko ay mahihirapan akong kumbinsihin siya.
Tumayo si dad sa kinauupuan niya at pumunta sa labas para tawagan ang tatay ni Rich at ikansela ang engagement .
Bakit nga pala dito ka dumiretso kung naaalala mo na ang lahat?
Tanong ko kay Shayne
Nginitian niya muna ako bago sumagot.
Gusto ko sanang himingi ng tulong sa inyo, gusto kong surpresahin si Steven.