Steven's pov
Pinuntahan ko si Brent sa Villa niya pero hindi daw siya umuwi kanina.
Saan siya pumunta kung hindi siya bumalik dito sa villa niya?
Tanong ko sa guard
Sa pagkakaalam ko ay pumunta siya sa villa ng tatay niya para i - cancel ang engagement nila ni Rich.
Sagot ng guard
Ano naman ang plano niya?
Bakit niya gustong i-cancel ang engagement nila ni Rich?
Akala ko ba ay may pagtingin pa din siya para kay Rich.
Naguguluhan na ako.
Tinawag ko ang driver ko at sinabi na sunduin ako dito
Pupunta ako sa villa ng tatay niya.
Hindi pwedeng magustuhan niya si Jamie.
Nawala na sa akin si Shayne , hindi ko na kaya kung pati si Jamie ay mawawala pa sa akin.
Pagkadating ng driver ay agad ko siyang inutusan na magmadali papunta sa villa ng tatay ni Brent.
Maya - maya pa ay nakarating na ako sa villa ng tatay niya.
Nakita ko si butler Mo
Nilapitan ko siya at tinanong kung nasa loob ba si Brent
Maaari ka bang maghintay muna dito sa labas?
Tanong niya sa akin
Sasabihan ko muna si Young Master na nandito ka
Dagdag pa niya
Tumango nalang ako at saka siya naglakad patungo sa loob
Hindi ako sigurado pero parang may tinatago siya sa akin
Mayroon ba silang tinatago na hindi ko pwedeng malaman?
Lumapit ako sa pinto, baka sakaling may marinig ako sa pinag uusapan nila.
Hindi naman ako tsismoso pero sigurado ako na may tinatago sila sa akin.
Gusto kong surpresahin si Steven
Nagulat ako ng marinig ko iyon.
Ka boses niya si Shayne pero napaka imposible naman na siya iyon dahil matagal nang wala sa bansang ito si Shayne
At Isa pa ay nakalimutan na niya ako
Biglang may tumapik sa batok ko
Nagulat ako pero hindi ko pinahalata
Tumalikod ako para makita kung sino iyon
Nakita ko naman ang tatay ni Brent na may hawak na phone sa kamay niya.
Sa tingin ko ay kakatawag niya lang sa mga magulang ni Rich para i-cancel ang engagement nila ni Brent.
Babatiin ko na dapat siya pero bigla nalang siyang nagsalita
Kakausapin niya daw ako
Niyaya niya akong pumunta sa garden
Doon daw kami mag usap
Brent's pov
Kung gusto mong surpresahin si Steven ay hindi mo na kakailanganin ang tulong namin.
Sigurado naman ako na matutuwa at ma susurpresa si Steven kapag nakita ka niya at nalaman niya na naaalala mo na ang lahat.
Sabi ko kay Shayne
Magsasalita na dapat siya pero bigla nalang pumasok si butler Mo at sinabing:
Young Master at Miss Shayne
Nasa labas si Steven
Nagulat kami ni Shayne sa sinabi niya
Hindi niya ako pwedeng makita
Sabi ni Shayne
Hindi ko pa nahanda ang surpresa ko para sa kanya
Dagdag pa niya
Gusto ko naman siyang tulungan kaya pinatago ko siya sa likod ng sofa dahil wala na kaming oras.
Malaki naman ang sofa kaya hindi siya makikita kung magtatago siya sa likod nun.
Nung nakatago na siya ay saka naman pumasok si Steven
Hindi pa nga siya nakakaupo ay nagsalita na siya agad
Wala akong pakialam kung hindi na ninyo gusto ni Rich ang isa't isa.
Ang akin lang ay sana wag kang magkaroon ng gusto kay Jamie
Kung meron ka mang gusto sa kanya ay sana kalimutan mo nalang iyon.
Gusto ko si Jamie....
Ano bang pinagsasabi mo?
Sabat ko
Hindi niya pwedeng ituloy ang mga sinasabi niya dahil nasa likod lang ng sofa si Shayne.
Fiance mo si Shayne at akala ko ba ay siya lang ang taong mamahalin mo habang buhay?
Dagdag ko pa
Matagal ko na siyang kinalimutan kasabay ng pag iwan niya sa akin at pagkalimot niya sa pinagsamahan namin kaya kung pwede lang ay kalimutan mo na sana ang nararamdaman mo para kay Jamie.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya.
Wala na akong nagawa pa para pigilan siyang umalis
Lumabas naman si Shayne sa pinagtataguan niya nung oras na narinig niya yung tunog ng pagsara ng pinto ng villa.
Nakita ko ang luhaan at namumula niyang mga mata.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana pala pinatago ko nalang siya sa kwarto sa itaas.
Ayos ka lang ba?
Wag mong intindihin ang sinabi niya kanina, nagbibiro lang siya
Sabi ko sa kanya.
Ayos lang ako Brent, matutulog muna ako.
Pwede bang dito muna ako magpalipas ng gabi?
Tanong niya sa akin
Pinayagan ko na dahil maggagabi na din.
Shayne's pov
Nagulat ako sa mga narinig ko kanina.
Balak ko talagang makipag ayos sa kaniya para mapalapit ako kay Callan
Himdi ko naman talaga nakalimutan ang lahat
sinabi ko lang iyon para maputol ang engagement namin ni Steven
Kahit anong mangyari ay wala pa din akong balak na magpakasal sa kaniya.
Si Callan pa din ang gusto ko.
Bago pa man kami na - enggange ni Steven ay gusto ko na talaga si Callan.
Ginamit ko lang na dahilan ang nangyari sa aking aksidente para mapalapit kay Callan.
Mabuti nalang at uto-uto si Brent
Naniwala agad siya sa pag-arte ko
Kahit na hindi ko gusto si Steven ay hindi pwedeng magkagusto siya sa iba.
Ako lang dapat ang gusto niya
Kailangan kong malaman kung sino iyang Jamie na tinutukoy niya.
Hindi pwedeng hadlangan niya ang mga plano ko.
Steven's pov
Alam ko na nandoon si Shayne sa loob ng villa dahil sinabi sa akin ng tatay ni Brent.
Sinabi din sa akin ng tatay niya na naaalala na ni Shayne ang lahat at intiresado daw si Brent kay Jamie kaya pagpasok ko sa loob ay sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin.
Wala akong balak na bumalik kay Shayne kahit na naaalala na niya ang lahat.
Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na siya natanong kung bakit siya pumunta sa ospital.
Hindi ko na din pala kailangan pang tanungin , normal lang sa kanya na bantayan si Jamie dahil nga may pagtingin siya sa kanya.
Inutusan ko ang driver na magmadali papuntang ospital.
Napansin ko naman na may kotseng naka parada sa gilid ng villa
Kung hindi ako nagkakamali ay kotse iyon ni Marvin
Kanina niya pa kami sinusundan papunta dito.
Hindi na ako nag isip pa
Tatanungin ko nalang siya kapag nasa school na kami
Ang importante ay makapunta na ako sa ospital at mabisita si Jamie.