Marvin's pov
Pumunta ako sa villa ni Brent pero nadatnan ko si Steven doon.
Narinig ko ang pag - uusap nila ng guard
Nagtungo daw si Brent sa villa na tinutuluyan ng tatay niya
Kahit na mag kaibigan kami ay hindi naman kami ganoon ka close.
Hindi ko alam kung saan makikita yung villa ng dad niya kaya sinundan ko nalang yung kotse nila Steven.
Nung makarating na kami ay pinaparada ko ang kotse sa gilid ng villa para hindi mahalata.
Nakita ko naman na pumasok si Steven sa loob ng villa kaya naisipan ko na mag hintay nalang muna na makalabas siya bago ako pumasok.
Nung oras na lumabas na si Steven sa villa ay saka naman ako pumasok sa loob
Nakita ko si Shayne
Namamalik-mata ba ako?
Tanong ko sa sarili ko
Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Shayne dito
Matagal na kasi simula nung nag- punta siya sa US.
Nakita ko din ang mga luhaan niyang mata
Siguro ay umiyak siya
Inantay ko muna na maka akyat sa itaas si Shayne bago ako lumapit kay Brent.
Brent,gusto ko sanang humingi ng pabor sa iyo..
Kung pwede lang ay.....
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang sumabat si Brent
Na-cancel ko na ang engagement namin ni Rich
Wala ka nang dapat ipag-alala at Isa pa , hindi na naman namin mahal ang isa't isa.
Para nalang kaming istranghero sa isa't isa.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya patungo sa itaas.
Pinigilan ko naman siya dahil may gusto pa akong malaman.
Bakit nandito si Shyane?
Bakit siya umiiyak?
Anong nangyari?
Naalala niya na ba ang lahat?
Bumalik ba siya para kay Steven?
Anong nangyari sa pag uusap ninyong tatlo kanina?
Nakita ko si Steven na lumabas dito,ayos lang ba siya?
Sunod-sunod kong tanong kay Brent
Gusto kong malaman lahat
Kaibigan ko din naman si Steven
Matagal na kaming magka-kilala
Simula nung mga bata pa kami ay lagi na kaming magkasama.
Alam ko na naku-curious ka sa mga nakita mo pero mas mabuti kung kausapin mo muna si Steven.
Ngayong naaalala na ni Shayne ang lahat ay saka naman siya umayaw.
Kailangang maayos na nila ang hindi nila pagkakaintindihan ni Shayne.
Sagot ni Brent sa akin.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umakyat na siya patungo sa kwarto na lagi niyang tinutuluyan kapag bumubisita siya dito.
Naglakad na din ako papunta sa may pinto ng villa
Kailangan ko pang puntahan si Rich
Sa pagkaka-alala ko ay nasa ospital siya kasama si Jamie kay inutusan ko ang driver na mag maneho papuntang ospital na pinagdalhan kay Jamie.
Jamie's pov
Nakikita ko na sobrang nasaktan si ate Rich
Wala naman akong magawa dahil problema hindi ko naman kayang kontrolin ang nararamdaman nila
Ang kaya ko lang gawin ay samahan at damayan siya.
Masakit din naman sa akin na makita siyang ganyan
Ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak.
Maya-maya pa ay dumating naman si Steven
Gusto ko lang sanang makita kung ayos ka na
Sabi niya sa akin
Tumigil naman sa pag iyak si ate Rich at sinabi niya sa akin na lalabas lang siya
Nagpaalam na siya sa akin at saka lumabas sa ward
Hindi ko mawari pero pakiramdam ko ay ang ibig sabihin ng pagpapaalam niya sa akin ay huwag na kaming magkita muli.
Tatayo na sana ako para sundan siya pero pinigilan naman ako ni Steven
Hindi ka pa pwedeng tumayo
Gusto mo ba na manghina ka lalo
Pananakot niya sa akin
Wala naman akong pakialam dahil ang importante para sa akin ngayon ay ang sundan si ate Rich kaya tumayo ako sa kama ko pero nanlaki ang mga mata ko sa nangyari
Hindi ko alam ang gagawin
Itinulak ako ni Steven sa kama at hinalikan
Pinakawalan niya lang ako nung nahihirapan na akong huminga
Naghahabol pa din ako ng hininga
Sa oras na tumayo ka ulit o gumalaw ay uulitin ko ang ginawa ko
Sabi niya sa akin
Wala na akong balak pang tumayo
Mahirap na
Lahat kasi ng mga sinasabi ni Steven ay ginagawa niya
Kumbaga sa ibang salita ay "he's a man of his words"
Rich's pov
Pagkalabas ko sa ward ay nagtungo ako sa rooftop
Masaya ako dahil kahit na mawala akk ay may mag-aalaga pa din kay Jamie
Pasensiya ka na Jamie pero magpapaalam na ako sa iyo
Masaya ako na nagkakilala tayo
Ayoko lang na magpakasal kay Brent
Hindi ko naman matatakasan iyo dahil matagal nanv napagkasunduan ng pamilya namin ang engagement
Wala na akong magagawa kundi ito lang
Itinaas ko na ang paa ko at tumapak sa harang
Hindi ko akalain na magiging ganito ang takbo ng buhay ko
Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko
I-pinikit ko ang mga mata ko at naghandang tumalon
Ehh?
Nagulat ako nung naramdaman ko na may humatak sa akin galing sa likod
Nakita ko naman kung sino iyon.
Nasisiraan ka na ba?
Gusto mong mamatay?
Akala ko ba ay gusto mo ako? Bakit naisipan mong magpakamatay ?
Sunod-sunod na tanong sa akin ni Marvin
Nakita ko naman ang pag-aalala at bakas ng pagkatakot sa mukha niya
Nagsimula na naman akong umiyak
Hindi katulad kanina ay hindi na ako nagpigil pa
Natakot ako dahil akala ko ay mamamatay na ako
Hindi ko naman talaga gustong mamatay
Wala lang akong ibang choice
Sinandal ko ang sarili ko sa kanya
Niyakap niya naman ako ng mahigpit at hinalikan sa noo
Hindi na kuta papakawalan pa.
Bulong niya sa akin.
Tinanong ko naman siya kung paano niya nalaman na nandito ako pero ang sinagot niya lang ay hindi na daw importante iyon.
Anv mahalaga ag nagawa niya akong pigilan sa gagawin kong pagpapakamatay.
Marvin's pov
Pagkadating ko sa ospital ay nagtungo agad ako sa ward ni Jamie.
Hindi ko naman inaasahan ang nakita ko.
Ito ba yung sinasabi ni Brent
Si Jamie ba ang dahila kung bakit inayawan na ni Steven si Shayne?
Agad namang umupo si Jamie at sinabi na mali ang iniisip ko
Tumingin pa siya kay Steven
Iniisip niya ata na tutulungan siya ni Steven na magpaliwanag
Ngumiti lang si Steven kay Jamie
Nakita ko naman na niinis na si Jamie kaya binago ko nalang ang usapan
Tinanong ko siya kung nasaan si Rich
Bigla namang nagbago ang mukha ni Jamie
Marvin,sa tingin ko ay balak niya magpakamatay
Nagulat ako sa sinabi ni Jamie
Bakit naman iyon gagawin ni Rich?
Tanong ko
Hindi mo lang alam kung gaano siya nasaktan nung binasted mo siya.
Iyak siya ng iyak
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa
Lumabas na ako sa ward at pina-check ko ang surveillance camera
Nakita ko naman na pumunta siya sa rooftop
Nagmamadali akong tumakbo
Lahat kasi ng elevator ay puno na
Pagka-akyat ko ay hinang hina na ako
Hindi ko na nga kayang tumayo pa o gumalaw manlang
Nakita ko naman si Rich at mukhang tatalon na siya kaya pinilit ko ang sarili ko na tumayo
Mabuti nalang at nahila ko siya
Takot na takot ako na baka mawala siya sa akin.