Marvin's pov
Hmmm....
Dahan dahan kong binuksan ang mata ko
Bigla nalang sumakit ang ulo ko
Nakita ko naman na iba ang itsura nito sa kwarto ko
Bakit parang nasa ward ako?
Tanong ko sa sarili ko
Naalala ko naman ang sinabi ni Jamie na magpapakamatay daw si Rich
Nasaan na si Rich?
Naligtas ko siya,hindi ba?
Agad naman akong tumayo sa kama ko at naglakad papuntang pintuan.
Kailangan kong makita si Rich
Nung binuksan ko ang pintuan ay bumungad naman sa akin ang doktor
Pinagbawalan nila akong tumayo at lumabas sa ward
Naglaban naman ako dahil gusto kong malaman kung anong nangyari kay Rich
Hindi pwedeng mawala siya sa akin
Maya - maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Rich
Agad naman akong kumawala sa pagkakahawak nila sa akin at naglakad papunta kay Rich
Niyakap ko siya ng mahigpit
Akala ko ay mawawala ka na sa akin
Bulong ko sa kanya
Naramdaman ko naman na pasimple siyang kumakawala sa yakap ko
Ehh?
Ayaw mo bang yakapin kita?
Ayaw mo na ba sa akin?
Tanong ko sa kanya
Habang sinasabi ko ang mga tanong na iyon ay para bang nahihirapan akong huminga
Wag kang OA
Hindi lang ako makahinga dahil sobrang higpit ng pagkakayakap mo arsaka baka manghina ka lalo
Sabi niya sa akin.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ko iyon.
Inalalayan niya ako pabalik sa kama.
Pagkatapos akong i-check ng mga doktor at nurse ay umalis na sila.
Kami nalang dalawa ni Rich ang naiwan sa ward
Nagtataka ako kung bakit nandito ako
Sa pagkakaalala ko ay nasa rooftop kami
Tinanong ko si Rich kung anong nangyari at kung bakit ako nandito sa ward
Ang sabi niya sa akin ay nawalan daw ako ng malay
Naalala ko na may asthma pala ako
Mabuti nalang at nasa ospital kami
Gusto mo bang mamatay?
Tanong niya sa akin
Nagulat naman ako dahil hindi ko inaasahan na magtatanong siya sa akin ng ganyan.
Natutuwa ako dahil nag-aalala siya sa akin
Kung hindi ko ginawa iyon ay baka ikaw naman ang mamatay
Sagot ko sabay yakap sa kanya
Rich Mendoza , pwede ba kitang maging girlfriend?
Tanong ko sa kanya
Matagal ko na ding hinihintay itong araw na to
Ang araw kung kailan maipagtatapat ko na sa kanya ang nararamdaman ko.
I'm sorry pero , ayaw ko
Nagulat ako sa sagot niya
Hindi ako makapaniwala na hindi siya pumayag
Bakit naman ayaw mo?
Tanong ko
Nung araw na nag confess ako sa iyo ay hindi mo din naman tinanggap at sinabi mo pa na hanggang magkaibigan lang tayo.
Kaya ngayon , iyon din ang sagot ko sa iyo
Napangiti naman ako sabay sabi na ...
Wala ka na din namang magagawa, nakansela na ang engagement ninyo ni Brent
Sa akin ka din babagsak
Sabi ko sa kanya
Akala mo lang iyon
Hindi ko pa pala nasabi sa iyo na ngayong na-cancel na ang engagement namin ni Brent ay kailangan kong pumunta sa mga blind dates na inayos ni dad para sa akin.
Sabi niya sa akin
Hindi ako makapag salita nung marinig ko ang mga sinabi niya
Ngayon ko lang din napansin na nakasuot siya ng skinny jeans at crop top
Naka make-up din siya at nakatali ng maayos na bihira niya lang ginagawa
Biglang pumasok sa isip ko na magpanggap na nanghihina ako para hindi na niya ituloy ang blind date niya.
Hinawakan ko ang ulo ko at nagpanggap na nahihilo
Inalalayan niya naman ako pahiga at nagtanong kung ayos lang ba ako
Sabi na nga ba at gagana ang plano kong ito
Sabi ko sa isip ko
Sinabi ko naman sa kanya na nahihilo ako at nanghihina
Wtf
Sabi ko
Hindi ko inaasahan na tatawagin niya ang mga doktor
Ang akala ko pa naman ay babantayan niya ako
Nagulat nalang ako nung makita ko na napaka dami nang doktor sa loob ng ward
Nanghihina daw po siya at nahihilo
Pwede niyo po bang i-check siya ulit?
Tanong niya sa doktor
Humarap naman siya sa akin at sinabing ...
Ngapala, nag hire na din ako ng mga body guards
Nasa labas lang sila ng ward mo
Kapag nalaman ko na lumabas ka ay hindi na ako magpapakita pa sa iyo
Male late na ako sa blind date ko
Mauna na ako
Hindi ako makapaniwala na mas inuna niya pa ang nlind date niya kaysa sa akin.
Rich's pov
Gusto ko siyang pahirapan
Hindi naman pwedeng sagutin ko nalang siya agad
Ipaparanas ko sa kanya yung sakit na naramdaman ko nung binasted niya ako
Gusto kong mahalin niya pa ako lalo bago ko siya sagutin para naman maging maayos ang pagsasama namin.
Hindi ko akalain na gagawin niya iyon para lang pigilan ako sa gagawin kong pagpapakamatay.
Napakasaya ko ngayong araw na ito.
Dumiretso muna ako sa ward ni Jamie
Sumilip lang ako sa pinto
Nakita ko naman na hindi na dapat ako pumasok dahil nandoon naman si Steven
Sa tingin ko ay bagay silang dalawa pero...
Paano kung bumalik si Shayne at maalala na niya na si Steven ang gusto niya
Kawawa naman si Jamie kapag nangyari iyon
Hinayaan ko nalang muna sila
Shayne's pov
Ngayon na nakabalik na ako , pupunta ako sa magulang ni Steven para sabihin na naaalala ko na ang lahat.
Sigurado naman ako na tuloy pa din ang engagement namin
Pumasok ako sa villa at sinabi sa kanila ang lahat
Humingi na din ako ng tulong para makapasok sa school nila
Kung hindi ako nagkakamali ay sila ang nagmamay - ari ng school
Madali lang sa kanilang ayusin ang mga papeles.
Ang sabi naman nila sa akin ay makakapasok na daw ako bukas
Hindi ko inaasahan na ganon lang iyon kabilis pero mabuti na din dahil makikita ko na si Callan
Ano kaya ang magandang isuot?
Tanong ko sa sarili ko
Magpapatulong nalang ako mag shopping kay Nathalie
Nakilala ko siya sa states at naging magkaibigan kami
Sabay din kaming umuwi dito
Sinabi niya sa akin na nakipag break siya sa boyfriend niya dahil may babae daw iyon.
Matagal na din naman iyon
Hindi ko na naitanong kung anong pangalan ng lalaki.
Tinawagan ko si Nathalie at sinabi sa kanya na magkita kami sa mall