Natalie's pov
Tinawagan ako ni Shayne at sinabing samahan ko daw siya na mamili ng mga damit na isusuot niya para bukas.
Nakuwento niya nga sa akin na may lalaki siyang gustong gusto.
Nag aalala naman ako dahil baka magkita kami ng ex ko.
Napakaliit lang ng mundo
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nagkita kami ulit.
At isa pa, ginawa niya lang naman akong panakip butas dahil hindi siya mahal ng mahal niya.
Hayst
Bakit ba naisip ko pa iyon
Matagal ko na dapat kinalimutan ang nakaraan
Sabi nga nila "past is past and should never be discussed "
Tinawag ko naman ang driver at sinabing ihanda na niya ang kotse dahil pupunta kami sa mall.
Nagbihis muna ako ng pang-alis na damit bago lumabas.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa mall
Nakita ko naman si Shayne na naghihintay sa akin.
Napakabait niya talaga
Tinulungan niya din ako na kalimutan ang nakaraan ko at mag focus sa kasalukuyan
Naalala ko tuloy si Debbie
Siya yung best friend ko na nakilala ko sa face book
Alam kong hindi iyon ang real name niya dahil pareho kaming nasa rpw
(Rpw means role play world)
Ibig sabihin ay hindi namin ginagamit ang real account namin
Ang saya siguro kapag nagkita kami
Anong iniisip mo? Mukhang malalim ang pinag iisipan mo ah
Tungkol saan ba yan.?
Nabulabog ang aking pag iisip nang marinig ko ang boses ni Shayne
Ahh,wala lang iyon
May naalala lang ako
Tugon ko sa kanya
Sinabi niya naman sa akin na kung naaalala ko na naman ang ex ay wag na akong malungkot dahil nandito lang daw siya palagi sa likod ko at dadamayan ako.
Ako lang sa mga naging kaibigan niya ang nakaka alam na may sp.....
Bigla nalang akong hinila ni Shayne
Pumasok na kami sa mall
Napaka dami niyang biniling mga damit
Hindi ko nga alam kung masusuot niya ba lahat ng iyon.
Bumili din siya ng napaka daming mga accessories
May mga sandals , boots , stockings ,earrings and make ups
Umabot kami ng limang oras kaka pamili ng kung ano ano
Mabuti nalang at may kasama kaming taga bitbit dahil kung hindi ay baka abutin kami ng siyam siyam bago makauwi.
Pinauna na namin yung driver na umuwi at dalhin ang mga pinamili namin
Kaya naman namin mag commute
Natutuwa nga ako dahil kahit mayaman siya ay hindi siya masungit at mayabang katulad ng iba.
Kumain muna kami sa isang restaurant dahil nagutom na kami kaka bili ng mga damit at kung ano ano pa.
Ngapala, hindi mo pa sinasabi sa akin kung sino yung ex mo
Siguro ay napaka gwapo niya kaya hindi mo siya makalimutan
Ano bang pangalan niya?
Tanong ni Shayne sa akin
Hindi naman ako makapag salita dahil ayaw ko nang balikan pa ang nakaraan.
Ayos lang naman kung ayaw mong sabihin
Ok na din kung kakalimutan mo nalang siya
Asta para sa akin ay wala pa ding tatalo sa kagwapuhan ni ...
Ahem ahem
Nabulunan ata siya
Binigyan ko naman siya agad ng tubig
Pagkatapos niyang uminom ay inuubo pa di siya ng kaunti
Tama na kasi yang pagsasalita mo
Sabi ko sa kanya
Ang sarap pala ng pagkain nila dito
Pagbabago niya usapan
Napahagikgik nalang ako
Napansin niya ata na hindi ko na gustong maalala pa ang mga nangyari noon kaya sinabi niya iyon kanina.
Napaka saya ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na katulad niya.
May napili ka na bang school na mapapasukan?
Kung wala pa ay pwede ka naman sa school na papasukan ko
Kilala ko naman ang may ari ng school kaya pwede ka nang pumasok bukas
Ok , sabi ko sa kanya
Nung matapos na kaming kumain ay naglakad lakad muna kami para matunaw yung kinain namin.
After thirty minutes ay naghanap na kami ng jeep na masasakyan
First time niya ata na sumakay sa jeep dahil nga mayaman siya
Napakatagal na namin dito pero hindi pa din kami gumagalaw
Napaka traffic kasi
Tinawagan nalang namin ang mga driver namin at sinabi sa kanila kung saan nila kami pwede sunduin
Pumara na kami sa jeep at bumaba
Mas mabuti na kung nasa kotse kami kahit ma traffic
Atleast makakatulog pa kami
Maya maya pa ay dumating na ang mga susundo sa amin
Nagpaalam na kami ni Shayne sa isat isa.
Rich's pov
Napaka ingay naman nila
Sabi ko kay Jamie
Nandito kasi kami sa court
Narinig ko ang pinag uusapan nila
Hindi naman ako tismosa pero malakas lang talaga pandinig ko
Hindi din malaki yung tenga ko
Wag kayo masyadong judgemental
Jamie
Tawag ko sa kanya
Kanina pa kasi siya nakatulala
Hmm?
Sagot niya sa akin pero ni hindi niya man lang ako sinulyapan
Binatukan ko na siya dahil naiinis na ako
Kanina pa siya ganyan
Kung hindi ko pa nga siya pinuntahan sa dorm niya ay baka tulog pa din siya hanggang ngayon
Ano bang problema mo?
Tanong ko sa kanya
Ate Rich,nakita mo naman na inaantok pa ako
Bakit mo kasi ako ginising kanina?
Tanong niya sa akin
Ginising kita dahil baka ma-late ka kapag tinanghali ka na ng gising
Nagmamagandang loob na nga ako eh
Pagkatapos kong sabihin ang mga iyon ay tiningnan niya lang ako
Dahan dahan naman pumipikit ang mga mata niya
Hindi ko alam kung inaantok ba siya o hindi naniniwala sa sinasabi ko
Kinurot ko nalang siya sa pisngi at sinabing itigil niya na ang ginagawa niya
Tinanggal niya naman ang kamay ko sa pisngi niya at sinabing
Ate Rich, makinig ka ah
Alam mo ba na ginising mo ako ng alas tres ng umaga.
Napaka aga pa non
Paano naman tayo ma-lelate ?
Ito pa, naalala mo ba na wala tayong klase ngayong umaga dahil kinasela ng teacher
Ibig sabihin ay mamaya pang 1 ang simula ng klase natin
Nakikita mo ba kung anong oras pa lang?
Tanong niya sa akin sabay pakita sa relo niya
Nakita ko naman na 11 palang
Ehh...
Yun nalang ang nasabi ko
Siguro ay maaga lang talaga akong nagigising
Nasanay na din ako dahil nung nasa elementary pa ako ay laging sinasabi sa akin nila mom at dad na ma-lelate na ako sa klase kaya inaagahan ko na ang paggising.