INNOCENTLY DANGEROUS 9

960 Words
"Love?" Kararating ko lang galing sa DRAGON KING BAR. Sumalubong naman sa akin si Tyler. Ngumiti naman ako rito. "Hi. Sorry kung ginabi ako. May tinapos lang ako na paper works," saad ko rito. Niyakap naman ako ni Tyler. "It's okay, Love. Can I invite you to my cousin's house? We're just going to eat dinner," malambing na saad niya. " Sure. Gusto ko rin makilala ang mga family mo," nakangiting sagot ko at hinaplos ang kan'yang mukha. Niyakap naman ako ni Tyler." Thank you. Simula dumating ka sa buhay ko, marami nagbago sa akin. You know, sa'yo na lang nakatuon ang atensyon ko." Pilit naman akong ngumiti. Ayoko magbigay ng assurance kay Tyler. Para sa akin, walang label pa rin ang pagsasama namin. Commitment is not my thing. "Sige, shower lang ako," agad na akong dumiretso sa silid namin at mabilisang naligo. Dahil family dinner naman ang pupuntahan namin, isang simpleng dress ang sinuot ko. Kita naman ang mabibilog kong mga hita. Pinarisan ko ito ng high heeled heels. "Always pretty," saad ni Tyler at hinapit ako sa baywang. "You are also very handsome," kagat-labing saad ko naman. "Puwede ba na makaisa muna?" bulong niya at kinagat pa ang aking tainga. "No. Ma-late na tayo!" Natatawang sagot ko rito. Kahit anong tanggi ko, hindi pa rin pumayag si Tyler. Umisa pa talaga ito bago kami umalis. Pumunta kami sa isang mansion. Pagpasok namin, isang napakagandang babae ang sumalubong sa amin. "Hi. I'm Kath, wife of Tristan," aniya na panay ang himas sa kan'yang malaking tiyan. "Hello. I'm Grace, nice to meet you," nakangiting saad ko rito. Mabait ang asawa ni Dos. Napataas naman ang kilay ko dahil marami pala mga anak ito. "Pasensiya ka na, Grace. Alam mo naman, mahilig ang mga punyetang Geller," saad ni Kath na napatawa naman ako. "Well, tested and proven," nakangising sagot ko naman. Napapailing naman si Tyler sa naging usapan namin ni Kath. " Halina kayo, naghihintay na sila sa dining," aya ni. Kath sa amin. Nakaakbay naman si Tyler sa akin. Rinig na namin ang ingay sa dining. Pagpasok namin, halos lahat nakatingin sa amin. "Hey, Guys! Nandito na sila Tyler at ang kasintahan niyang si Grace!" Tumayo naman ang isang batang-bata na napakagandang babae. Ang kan'yang kulay berdeng mga mata ang umagaw sa aking atensyon. "Hi, I'm Mia, younger sister nila Kuya Dos," nakangiting saad niya at inabot ang kamay sa akin. "Grace," saad ko rito. Si Dos lang ang kilala ko. Of course kilala rin ako ng binata. Mabait naman ang mga kapatid ni Dos. Ang asawa ni Mia, ay isang Alcantara. At napag-alaman kong kapatid pala ng asawa ni Mia ang kaibigan kong si Kaleb. Panay naman ang tingin sa akin ni Dos habang kumakain kami. Sumasagot lang ako kapag may tinatanong sila. "Pahangin lang ako sa garden," bulong ko kay Tyler. "Samahan kita," aniya na inakbayan agad ako. "Huwag na. Balik din ako." Pumunta ako sa likod ng mansion. Binuksan ko ang pouch ko at kumuha ng isang stick na sigarilyo. "How are you, G?" Napalingon naman ako sa lalaking nasa likuran ko. "Good. Wala naman nagbago," tamad na sagot ko kay Tristan Geller o Dos ang tawag ng lahat sa underground. "Pasensiya na kung nahusgahan din kita. Alam mo naman na marami gumagaya sa mukha mo. Hindi namin alam kung bakit ginagawa ito ng impostor para siraan ang katauhan mo sa amin," mahabang litanya ni Dos. Tamad ko lang ito tiningnan. "Ako mismo ang aalam," saad ko at tumalikod na. Niyaya ko na si Tyler umuwi. Inanyayahan din ako ni Kath at Mia na mag-bonding sa kanila if may free time ako. Kinabukasan, agad ko na inumpisahan ang pag-iimbestiga kay Caden Salvacion. Bawat lugar na pinupuntahan niya, inaalam ko. At nagkataon na kasama ito ni Javi. Nakikita kung gaano ito ka-close ni Javier. Panay ang hithit ko ng sigarilyo habang naghihintay sa labasan ng isang Hotel Empire. Nandoon sa loob si Caden Salvacion. Agad naman ako umalerto nang napansin kong palabas na ito. Tumalikod na ako at dumiretso sa parking lot. Kinasa ko ang kuwarenta'y singko kong baril. Dahan-dahan akong lumapit sa kotse ni Caden. Pasakay na ito sa kan'yang sasakyan at tinaas ko ang baril para barilin ito. "Don't." Napatigil naman ako dahil may tao sa aking likuran. Dahan-dahan akong lumingon. Si Javi! "Binayaran ka rin ba, Grace? Isa ka rin ba na gustong patayin si Daddy?!" Galit na tanong sa akin ni Javi. Hindi ako nakasagot. Napansin din kami ni Caden Salvacion at lumapit ito sa amin. Pasimple naman kinuha ni Javi ang baril sa aking kamay. "Anak, kala ko ba nakauwi ka na?" Nakangiting tanong niya kay Javi. "No, Dad. Kasama ko pa ang matalik kong kaibigan," sagot naman ni Javi at inakbayan pa ako. Nakangiti naman si Caden sa akin. Hindi ko alam, parang iba ang nararamdaman ko. " I'm Caden, Javier's Dad," pagpakilala niya sa akin. " G," saad ko naman. " G?" Nakakunot ang kan'yang noo. " Yeah." " Oh, nice to meet you, G." " Ah, Dad. Hatid ko lang si G. Umuwi ka na rin, baka mamaya gagabihin ka sa daan," aniya ni Javi. " Sige, mag-ingat din kayong dalawa," saad niya at sumakay na ito sa kan'yang sasakyan. Hinarap ko naman si Javi. " Ayoko sa lahat pinapakialaman ako, Javi!" Galit naman ang mukha ni Javi. " Hindi rin ako papayag na saktan mo si Daddy, Grace! Baka pagsisihan mo ang lahat!" Napatigil naman ako. Lagi na lang may laman ang sinasabi ni Javi sa akin. " Ayoko rin na mag-away-away tayo! Please, kung ano man ang binabalak mo kay Dad, itigil mo na." Umigting naman ang panga ko at tinalikuran ko ito. Maybe, ngayong araw suwerte lang ni Caden, pero sa susunod, hindi ko na siya bubuhayin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD