"What happened?" tanong ko kay Van.
Naglalasing ito at umiiyak.
"Si Aishi."
Nakatitig naman ako sa mukha ng kaibigan ko.
Si Aishi, ay kapatid ni Van sa ama. Ang nanay ni Aishi ay asawa ni General Fuentebella. Tanging kami lang ni Andy ang nakakaalam. Ayaw ipagsabi ni Van ang madilim na sekreto ng kanilang pamilya.
"What happened to her?" Nag-alalang tanong ko rito.
"Lalong lumala ang kan'yang sakit," humagulhol naman ito.
Napabuntonghininga naman ako. Malapit rin si Aishi sa akin. Inuwi na ito ni Van dito sa Pilipinas.
"Be strong. Ikaw lang ang inspirasyon ni Baby Aishi," saad ko naman at tinapik ito sa balikat.
Malungkot naman itong tumango.
Ako na rin naghatid kay Van sa bahay na tinitirhan niya. Napag-alaman ko rin na nakatira ito kay Kurt Fuentebella. I know him actually.
Ginabi rin akong nakauwi sa bahay. Nagtataka pa ako na patay ang mga ilaw.
Wala si Tyler. Ni hindi man lang nag-message sa akin.
Tamad akong pumunta sa kusina at maghahanda sana ng hapunan. Pagbukas ko ng ikaw, ako pa ang nagulat.
"Oh!"
"Hi," nakangiting bungad sa akin ni Tyler.
"W-awhat is this?"
"Dinner date with my beautiful girlfriend," aniya na lumapit ito sa akin at inabot ang pumpon na Lily.
"How did you know this is my favorite flower?"
"You have a tattoo on your back. A Lily flower."
Napanganga naman ako.
Damn!
Nakalimutan ko pala na nakalagay ang code name ko sa likod.
" Thank you, Ty," malambing na saad ko naman.
Inalalayan naman niya akong umupo.
" Let's eat," aniya at hinalikan ako sa labi.
Pasimple naman akong napangiti. Napansin ko lalo naging malambing si Tyler.
Huminga naman ako ng malalim.
" Grace?"
" Yes?" Napatingin ako kay Tyler. Napansin ko na balisa ito. Tumayo ito at lumapit sa akin.
Panay ang lunok niya na hindi mapakali.
Nagulat pa ako na biglang lumuhod ito.
"T-Ty?"
May inilabas itong singsong. A beautiful ring.
"Marry me," mahinang saad niya.
Napanganga naman ako.
Parang hinila paloob ang aking dila.
"T-Ty. W-Wait."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kan'ya.
Ayoko rin na masaktan siya.
"Please," paos na boses na nakikiusap ito.
Napabuntonghininga naman ako.
Ngumiti ako rito. "Yes."
Kumislap naman ang mga mata niya.
"R-Really?! Oh...fuck! I love you, Grace!" Aniya at niyakap ako ng mahigpit.
Did he say i love you?
"Mahal mo ako?" tanong ko rito.
"Yes. Mahal na kita. Ayoko na mawala ka pa sa akin," nakangiting sagot niya.
Ang bili. Kailan lang kami nagkakilala, pero ito na kami. We're engaged.
Lalo ko pa nakikita ang good side ni Tyler. Halos araw-araw, siya na lang gumagawa lahat na gawain sa bahay.
"I hope we have a child," saad niya na ikinatigil ko.
Lingid sa kaalaman niya, umiinom ako ng contraceptive. Ayoko pa magkaroon ng anak.
"Babalik pa ako sa trabaho, Ty," pagpapaintindi ko rito.
" Umalis ka na lang sa military, Grace. Kung sa pera, mayaman naman ako. Marami akong negosyo."
Mariin ko naman itong tiningnan. "Ito na Ang buhay ko, Ty. Aalis ako, kapag gusto ko."
Umigting naman ang panga niya.
Halos ito lagi ang pinag-aawayan namin. Paulit-ulit ko naman sinasabi na ayoko naman.
Kasalukuyan nasa Germany si Tyler. Nagpaalam ito na bibisitahin ang kan'yang parents. Gusto niya na sumama ako, pero tinanggihan ko ito. Hindi pa ito ang tamang panahon para kilalanin ang kan'yang pamilya. Alam kong marami pa ang magbabago sa araw-araw naming pagsasama.
"Takot yata mambabae si Tyler," natatawang saad ni Andy sa akin.
Napangiti naman ako. Yes. Lahat ng galaw ni Tyler, alam ko.
"Anong balak mo? Kailan daw kayo magpapakasal?" Tanong naman ni Van.
Huminga naman ako.
"Wala pa exact date ang kasal namin. Ako? Babalik pa rin ako sa serbisyo. Alam naman ni Tyler na ito na ang buhay ko, ang magsilbi sa bayan."
Napapailing naman ang dalawa sa akin.
Mahal ko na siya. Pero pilit ko pa rin nilalayo ang nararamdaman ko..
Ito ang kinatatakutan ko. Ang magmahal at sa huli, masasaktan din.