INNOCENTLY DANGEROUS 11

1025 Words
Halos wala na rin ako oras na makipagkita kay Van. Si Tyler naman, hindi pa ito makabalik dahil may sakit ang kan'yang Mommy. "I missed you, love. Don't worry, next month, uuwi na ako," aniya. Nag-uusap lang kami sa video call. Yes, everyday kami nag-uusap. Lalo ko naramdaman ang pagpapahalaga sa akin ni Tyler. "Take your time, love. Mas importante ang Mommy mo." " Thank you, love." I admit. I miss him. Unti-unti pumasok na sa puso ko si Tyler. At iyon ang kinatatakutan. Habang wala pa si Tyler, ginugol ko ang aking oras sa aking bar at patagong tumatanggap ako ng trabaho galing sa isang mataas na opisyal ng kapulisan. "Our aim is not to eliminate the criminals but to clean the governments. Siya si Congressman Romualdo Perez. He's a bad politician. He's a mastermind of the biggest kidnapping cases in metro Manila. Marami na siyang pinahihirapan. He's also involved in drugs. Dapat na siyang hatulan!" Inabot naman sa akin ni Major Silva ang litrato ni Romualdo Perez. "Kailan ko gagawin ito?" tanong ko kay Major. " A soon as possible. Alam kong hindi mo ako bibiguin." Tumango naman ako.Hindi nila alam ang identity ko. Nagsuot ako ng wig at eye glasses. Basta ang trabaho ko lang ay sundin ang mga utos nila. May inabot itong attache case. Kinuha ko ito at binuksan. " Isa't kalahating milyon iyan. Kung kulang pa, sabihin mo lang." " No need. Sobra na ito. Okay, bukas nasa tabloid na ang pagmumukha ni Congressman," saad ko naman at tumayo na. Kasalukuyan. Alas otso na ng gabi ako umalis at pumunta sa isang restaurant kung saan doon sinabi ng tauhan ko na lagi naghahapunan si Congressman. Pagbaba ko sa sasakyan. Lumapit naman sa akin ang balut vendor. " Nandito na boss ang baril mo, at naka-kasa na iyan," aniya na simpleng inabot ang maliit na basket sa akin. "Thanks," halos pabulong na sagot ko. Bitbit ang maliit na basket, pumasok na ako sa loob ng restaurant. Inayos ko muna ang sumbrero ko at ang salamin sa aking mga mata. Nakayukong naglalakad patungo sa target. Tanging takong ng boots ko ang aking naririnig. Palapit na palapit ako sa lamesa kung saan nag-uumpukan sila. "Good evening, Congressman," matamis ang ngiting bati ko rito. "Nagtitinda ka ba? Hindi ako bibili kaya umalis ka na!" Pasigaw na saad niya. Lalo ko itong nginitian. "No. Papahingain lang kita. Pahingang habang buhay!" Mabilis ko kinuha ang baril at sentro sa noo ko ito pinutukan. Bulagta ito sa lamesa. Bigla naman nagsisigawan ang lahat. Nginisihan ko naman ang mga tauhan ni Congressman. " Huwag kayo magkamali na bumunot ng baril, dahil lahat tayo dito ay sasabog," agad ko ipinakita sa kanila ang remote ng bomba. "Bye," saad ko at dali-daling lumabas ng restaurant. Agad ko din ibinigay sa balut vendor ang baske. "Thanks," nginitian ko lang ito at sumakay na sa aking kotse. KINABUKASAN. Hindi nga ako nagkakamali. Laman sa telebisyon at dyaryo ang pagkamatay ni Congressman. Pero hindi na ako magtataka kung walang mukha ng killer ang lumabas, of course, hawak ng nakakataas ang identity ko. Fake Identity. Nandito ako sa bar kahit sa araw. Naghihintay na lang ulit ako ng utos ni General. "Love?" "Ty?!" Patakbo naman akong yumakap rito. "Akala ko, hindi ka pa uuwi!" Natatawang saad ko. "I really missed my fiancee. Okay na naman si Mommy. Gustong-gusto ka na niya makita," mahina pa itong tumawa. "Maybe next month, Love. May ayusin lang ako," saad ko naman. Yeah, pagbibigyan ko muna siya na makasama ito at makilala ang kanyang pamilya. Umalis din kami ni Tyler at dinala niya ako sa restaurant ng kan'yang kaibigan. " Porn Hub restaurant?" Nakakunot ang noo ko na binabasa ang pangalan ng restaurant. Natatawang tumango naman ang kasintahan ko. "Ang may-ari niyan, Asawa ni Tigre," nakangising saad naman ni Ty. "Oh," napaawang naman ang bibig ko. Yeah. Kilala ko naman si Tiger Geller. I know the he's working too sa isang organization. Pagpasok namin, sumalubong agad sa amin ang babaeng buntis. Well, she's so pretty. "Magandang gabi sa inyong magagandang nilalang!" Napataas naman ang aking kilay. She looks so energetic. "Aba-aba, Tyler, ibang babae na naman ang dinala mo!" Aniya na umirap ito kay Tyler at ngumiti naman ito sa akin. "This time totoo na ito, Gelay. By the way, meet my fiance, Grace," nakangising saad ni Tyler at inakbayan pa ako. "Hi! Jusko! Ang ganda mo. Mas maganda sa mga babaeng dinadala ni Tyler dito. Ako nga pala si Gelay." Ngumiti naman ako. "Grace. Nice to meet you, Gelay." "Umupo na kayo. Papatikimin kita ng best menu ko dito, Grace." Inalalayan naman ako ni Tyler umupo. "Masarap ang mga pagkain dito. And medyo weird lang ang pangalan ng mga foods," natatawang saad ni Tyler. "Grace, tikman mo muna ang MASABAW NA TAHONG na niluto ko pa!" Pumalakpak pa si Gelay at nilapag ang tahong. Masabaw? Wala naman ito sabaw. "Bakit masabaw?" Tanong ko kay Gelay. "Ano ka ba! 'Di ba, masabaw naman talaga ang ta-hong," aniya na kumindat pa ito sa akin. Napanganga naman ako. Humalakhak naman si Tyler. Damn! I know what she means na. "Gusto mo ba tikman ang TAM*D MILK TEA?" What the……. Napaubo naman ako. " Are you okay?" Tanong ni Ty at panay ang hagod ng aking likuran. "Y-Yeah." " Wait guys, kunin ko lang ang ibang food niyo," nakangiting saad ni Gelay. Huminga naman ako ng malalim. "Masasanay ka din diyan sa asawa ni Tigre," natatawang saad ni Tyler. Napabuga naman ako ng hangin. Now I know, kaya PORN HUB RESTAURANT, dahil daring ang name ng foods. While naghihintay kami ni Tyler ng ibang pagkain. Tiningnan ko muna ang email na kanina pa pinasa sa akin ni General. Nanlalaki naman ang mga mata ko. Si Tristan Geller. Siya ang next target ko?! Involved sa drug syndicate si Dos. Hindi lang ito mahuhuli dahil malakas ang kapit niya sa mga kaibigang pulis at sundalo, lalo na kay Captain Ziandra Athena Santiago. Of course, kasosyo si Dos. Hindi ko puwede patayin o ilaglag ang kasamahan ko sa organization. Agad naman ako nagsend ng email kay General. Kahit sino, basta huwag lang si Geller!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD