"Let's get married na, Love."
Nakakunot ang noo ko na nakatingin kay Tyler.
"Hindi ba puwedeng sa isang taon na?" tanong ko rito.
"Bakit sa isang taon pa? Kung puwede naman ngayon, bukas, sa isang linggo or next month," may pagkairita na saad niya sa akin.
Huminga ako ng malalim.
"Next year. It's final," seryosong sagot ko rito.
Napahilamos naman ito sa mukha.
"Give me a reason why you don't want to get married yet?" aniya na parang nadismaya ito.
Blangko ang mukha na tiningnan ko ito.
"My work," diretsong sagot ko kay Tyler.
"God, Grace! Kahit kasal na tayo, puwede ka pa naman bumalik sa military!"
"No. Walang kasiguraduhan kung makabalik ako. Alam mo kung ano ang trabaho ko. Ayoko paasahin kita, Ty. Kung sakali makabalik ako, saka ako magpapakasal sa'yo, then aalis na ako sa serbisyo," mahinahong paliwanag ko sa kan'ya.
"So, parang sinasabi mo, kapag hindi ka bumalik, tapos na rin ang relasyon natin, ganoon ba?"
"I don't want to fight with you, Ty. Enjoy na lang natin na magkasama pa tayo," nakangiting saad ko. Niyakap ko ito ng mahigpit.
Hindi naman ito umimik. Alam kong masama ang kan'yang loob. Halos hindi niya ako pinapansin. Tahimik lang ito at parang malalim ang iniisip.
"Puntahan ko muna si Dos. May pipirmahan lang ako na papeles," aniya sa akin ni Tyler.
" Sure, Love. Dito ka ba maghahapunan? Magluluto ako," malambing na saad ko rito.
" I'm not sure. I'll call you later na lang," aniya at tumalikod na agad ito.
Napaawang naman ang mga labi ko.
Nakalimutan niya yata ang kiss ko. O sinadya niya talaga.
Napailing-iling naman ako sa inaakto ni Tyler. Alam kong nagtatampo ito. Agad na ako naghanda papunta sa bar. Ducati na lang ang dadalhin ko para iwas traffic na rin.
Pagdating ko sa bar. Naabutan ko na may kausap ang bouncer.
Si Javi.
"What are you doing here?" Tanong ko sa binata.
"Dinadalaw kita. You know, kailangan ko ng kausap. Available ka ba?"
Naniningkit naman ang mga mata ko.
"Parang take out lang ah," sabay inirapan ko ito.
Mahina naman itong napatawa.
"Hali ka, sa office tayo," saad ko rito. Dumaan muna ako sa counter at sinabihan ang bar tender na hatiran kami ng alak.
"So, anong problema mo?" Agad-agad na tanong ko kay Javi.
"Stressed sa kompanya ko. And you know, nag-away kami ni Daddy," aniya na tumayo ito at pumunta ito sa pinto, kinuha ang alak sa bar tender.
Kumuha naman ako ng dalawang wine glass.
" Ano ba ang negosyo mo?" tanong ko at sabay simsim ng alak.
" Drugs and guns."
Napatingin naman ako sa binata. Pero nagkibitbalikat lang ito.
" Si Dos ba ang kasosyo mo?" diretsong tanong ko.
" Yeah."
" Bakit mo sinasabi ito Javi? Ganoon na ba kalaki ang tiwala mo sa akin? Alam mo naman siguro na pinaghahanap ako ng mga kaibiganmo at gusto nila akong patayin," nakangising saad ko rito.
" Of course may tiwala ako sa'yo. At alam ko na hindi mo ako kaya ipahamak."
" Whatever, Javier!"
"Grace?"
" Yes?" Napaangat naman ang ulo ko. Abala kasi ako sa pagpirma ng mga papeles na pinadala ni Andy sa akin. Habang si Javi naman, nanunuod ito ng telebisyon. Nagtataka rin ako kung bakit hindi pa ito umuuwi.
"Can you tell me about your childhood? I mean, noong bata pa kayo ni..ni Gretta," aniya na nakatitig sa akin.
"Walang good memories noong bata ako. Actually, hindi naman totoong tatay namin si Mr. Chua. So, dahil kasal sila ni Mommy, sinunod ang apelyido namin sa kan'ya."
"Si Gretta. Na-Naging mabait ba siya?" tanong niya ulit.
"Sunod-sunuran siya kay Mr.Chua," Napabuntonghininga naman ako.
I missed her. Malaki rin ang naging kasalanan ng kambal ko sa lahat. Maraming buhay ang sinira niya, pati na rin ang buhay ko. Nagpadala siya sa pera at kasakiman.
Lumapit naman ang binata sa akin. Napasulyap naman ako sa kanang kamay ni Javi. Nakakunot ang noo ko na nakatingin sa maliit na tattoo sa kan'yang kamay.
We have the same tattoo?!
"Is it just a coincidence that we have the same type of tattoo?" Natatawang tanong ko rito.
Yeah. It's letter L and S. Si Gretta mayroon din. At si Javi ganoon din. Katulad din sa amin ni Gretta, parehong-pareho kung saan parte ng kanang kamay na nakalagay.
"Oh. Noong baby pa ako. Kayo din ba?" Tanong ni Javi.
Mariin kong tiningnan si Javi. "Sino ka ba talaga, Javi? Anong kailangan mo sa akin?"
"Relax, Grace. Hindi ako kaaway. Baka nga nagkataon lang na pareho tayo ng tattoo."
" Really? So nagkataon din ba na parehong tattoo artist ang naglagay sa ating tatlo?"
Bata pa kami, sinabi ni Mommy ang tattoo namin ang palatandaan ni Daddy. Namatay ang Daddy namin dahil sa ambush.
"Maybe. Oh, come on, Grace. Hindi porke nagkapreho tayo ng tattoo, may ibig sabihin agad," nakangising saad niya.
Inirapan ko naman ito. "Umuwi ka na nga! Aalis ako. Pupunta ako sa market."
"Puwede sumama?" Aniya.
Masama ko naman itong tiningnan. " Parang kang aso na panay ang buntot sa akin."
"Aso na poprotektahan ka," matamis na ngiting sagot ng binata.
" May gusto ka ba sa akin, Javier?" Nakangising tanong ko.
"f**k! Hindi tayo talo, Gracia!"
" Grace ang pangalan ko, Gag0!" Binato ko ito ng ballpen. Tawa naman ng tawa ito.
Kinuha ko naman ang susi ng Ducati ko at tinalikuran ko na ito.
"Lock the door, bastard!" Sigaw ko.
Well. Magaan ang loob ko kay Javi. Pero palaisipan talaga sa akin ang tattoo niya.
Parehong-pareho talaga! Iyong size. Iyong kulay. Then ang puwesto ng tattoo sa kamay.
Baka nga nagkataon lang talaga.
Sa supermarket na ako dumaan. Bumili na lang ako ng mga gulay, karne at isda. Habang abala ako sa pagpili ng gulay nang may bumangga sa aking cart.
"Oh, I'm sorry, hija!" saad ng napakagandang ginang.
Ngumiti naman ako. "It's okay lang po."
Ngumiti naman ito. "I'm Liana Salvacion. And you?"
Nakipaagkamay ito sa akin.
"Grace Chua po," biglang naglaho ang ngiti ko dahil sa aking napansin.
What the hell!
" Are you okay, Grace?" Nagtatakang tanong niya.
Nakatingin lang ako sa kanang kamay ni Liana.
L.S?
What?
Si Javi at ang ginang na ito. Magkapareho ang tattoo nila sa amin ni Gretta!
Liana Salvacion?
"I-I'm okay. Kaano-ano niyo po si Caden Salvacion? Na curious lang po ako. You know, kilala sa business world ang pangalan niya," patay malisyang tanong ko rito.
"He is my husband. Ah, Grace, mauna na ako, hija. Naghihintay na sa akin sa parking lot ang anak ko," nakangiting saad niya. Humalik pa ito sa aking pisngi.
Napatingin naman ako rito habang palayo na. Nakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib. Pero nagulat rin ako na bumalik ito.
"Kapag may time ka, puwede ba kita imbitahan kumain sa labas?" Aniya na inabot sa akin ang kan'yang cellphone.
Kinuha ko naman ito at binigay ang aking numero.
"Hindi ko alam. Pero sobrang gaan ng loob ko sa'yo. Pero ng tumalikod na ako, sobrang bigat ng pakiramdam ko," malungkot na saad niya.
Napansin ko na maluha-luhang itong nakatingin sa akin.
" N-Naalala ko lang kasi ang triplets ko," aniya na kinagulat ko.
"Ah, sige, Grace. See you next time!" Dali-daling umalis na ito.
Umigting naman ang panga ko.
Anong kinalaman niyo sa buhay ko?!