INNOCENTLY DANGEROUS 13

1556 Words
"f**k, Savannah! Anong nangyari sa'yo?!" Nandito ako sa condo ni Van. Naabutan ko ito na lunod sa alak. "Wasted," aniya na tumatawa ito. Napabuntonghininga naman ako. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kan'ya. May sinabi lang sa si Andy tungkol kay Kurt Fuentebella. "Tama na, Van. Ikaw lang din sumisira sa buhay mo!" Sigaw ko rito "M-Matagal ng sira, G! Umpisa pa lang sirang-sira na ako!" Umiiyak na saad niya. Malungkot naman ako na nakatingin sa matalik kong kaibigan ko. "Ikaw ang pinakamatapang sa atin," mahinang saad ko naman. Nabalitaan ko kay Andy ang nangyari kay Tanya. Unti-unti, nawawatak na kami. Naging malapit na rin sa akin si Tanya. Pero, kung hanggang diyan lang ang buhay na binigay sa atin, siguro nga may katapusan din ang lahat. "Get up!" maawtoridad na utos ko rito. Namamaga na ang mga mata niya na nakatingin sa akin. "P-Pinatay ko si...si General Fuentebella! P-Pinatay ko!" Huminga naman ako ng malalim. "Hindi Ikaw ang pumatay. Kahit kailan, hind ka pumapatay ng mga taong mabait at tapat sa gobyerno, lalo na ang katulad ni General Fuentebella," mahinang saad ko at niyakap ito ng mahigpit. "S-Salamat, G!" Napangiti naman ako. G na ang tawag niya sa akin. Always, Grace kasi ang tawag niya. "Napadalaw lang ako, dahil babalik na ako sa Germany," nakangiting saad ko sa kan'ya. "Ingat ka. Alam mo naman nakakabit lagi ang panganib sa klase ng trabaho mo." Ngumiti naman ako. " Same with you." Sinamahan ko ito maghapon uminom. Kuwentuhan na kung ano-ano. At mag-alas sais na akong nagpaalam na umuwi na. Pagdating ko sa bahay, naabutan kong bukas ang mga ilaw. Baka dumating na ito. Kagabi, halos hating-gabi na itong dumating. Halos dalawang araw na hindi ako iniimikan ni Tyler. Medyo nanibago lang ako sa kan'ya. Pagpasok ko sa bahay, naabutan ko ito nakaupo sa sofa at may hawak-hawak ng alak. "Love," tawag ko rito. Lumingon naman ito. Tumayo ito at sinalubong ako. "Hey," mahinang saad niya at mariin akong hinalikan sa labi. "How is your friend?" aniya na hinaplos ang aking mukha. Ngumiti naman ako. Sinabi ko kasi kanina na pupuntahan ko ang kaibigan ko dahil may malaking problema ito. Hindi ko sinabi si Van ito. Alam kong kilala ni Tyler si Savannah. "She's fine. Konting problema lang sa asawa niya." "Have you eaten dinner yet?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko at pumunta sa kusina. "Not yet, Love. Alam kong hihintayin mo pa ako kumain ng hapunan," natatawang sagot ko rito. Mahina naman itong napatawa. Napansin ko ang kabilang mukha ni Tyler na may pasa ito. Lumapit ako rito at hinaplos ito. Halatang bago lang ito at sigurado ako na sinuntok ito. "what happened to your face?" seryosong tanong ko rito. "H-Ha..ahm..n-nabunggo lang. Nalasing kasi ako k-kanina," sabay iwas niya ng tingin. "Really, Ty? Hindi ako isinilang kahapon. Sino ang may gawa nito?!" Diin na tanong ko sa kan'ya. " Love, n-napaaway lang ako." "With whom?" Naiiritang tanong ko. Huminga ito ng malalim. "Si Javi." Napatigil naman ako. Si Javi? "Bakit?" "Hindi lang kami nagkakaintindihan. Don't worry, away kaibigan lang ito," Nakangiting sagot niya. Napailing naman ako. " Let's eat na, at may gagawin pa tayo," aniya at kumindat pa ito. Napatawa naman ako. " Ty, I love you," Nakangiting saad ko. Napatigil ito sa paglalagay ng kanin sa aking plato. "A-Again?" Tumawa naman ako. Ilang gabi rin na pinag-iisipan ko ito. Siguro this time, pagbigyan ko na ang aking sarili na sumaya. " I love you, Ty. Payag na ako magpakasal sa'yo. Give me time na ayusin ko ang lahat. Aalis na ako sa serbisyo." Maluha-luhang niyakap niya ako ng mahigpit. "God! Sobrang saya ko, Love. Thank you. I love you so much!" Sobrang saya ko rin. Ganito pala ang pakiramdam kapag tama ang pinili mo. Yes. Si Tyler ang bumubuo sa pagkatao ko. I don't regret everything. Si Tyler na ang pamilya ko ngayon. "Ty, handa na ako magkapamilya. Ikaw, ako at ang magiging anak natin, soon." " Yes, Love. Magsisimula tayo. Malayo sa gulo." Napag-usapan namin ni Tyler, sa Germany na kami magpapakasal. Naging abala rin ito dahil inaayos ang mga negosyo niya bago kami uuwi sa Germany. Ako naman, inaayos ko na rin ang KING DRAGON BAR. Iiwan ko muna ito kay Andy or Savannah. Tungkol naman sa mga kaibigan ni Z, Wala na akong pakialam. Sabi ni Van, siya na daw bahala. Pero tungkol naman sa impostor na gumagaya sa akin, I'm of working of it. Hindi ko na kailangan hintayin si Van para lutasin ang mga ito. Kasalukuyan, nasa bar ako at mamaya, dadaanan ako ni Tyler dito. Napahilot naman ako sa aking batok habang nakaupo sa swivel chair. Tumayo muna ako at bumaba para kumuha ng alak. Ganitong weekend, mas marami ang pumupunta dito sa bar ko. Pumunta ako sa counter at humingi ng alak sa bartender. "Whiskey," saad ko sa bartender. Itong KING DRAGON BAR, ito ang pinakamalaki at sikat na bar sa Pilipinas. Ang CASA BAR naman na pag-aari ng mga Geller, malaki at kilala din ito. "Impostor?" Bigla ako napatingin sa aking katabi. Damn! Sina Jenny Rivas at Z. Nakangisi ang dalawa sa akin. Nakangising tiningnan ko rin ang mga ito. Ayoko aksayahin ang oras ko sa kanila. "Come with me," saad ko sa dalawa at mariin silang tiningnan. Tumayo na ako at umakyat sa taas. Nakasunod naman ang dalawa sa akin. Pagkapasok namin sa loob ng opisina, agad naman ni-lock ni Rivas ang pinto. Narinig ko rin ang pagkasa ng baril. Humarap ako sa dalawa at tinaasan ng kilay. "Hindi ko alam kung bakit naging isang pulis ka, Rivas," nakangising saad ko rito. "Oh, muntik na nga maging isang dakilang Madre, Chua," kagat-labing sagot niya. "How are you, Chua?" tanong ni Z. "Still alive. Hindi ko lang alam, kung bakit panay ang hunting niyo sa akin. Nagulat nga lang ako, nakatulog lang ako ng pitong taon, at pagkagising ko, buong grupo niyo, hinahabol ako para patayin," mahabang litanya ko sa dalawa. "Hindi mo kami masisisi. Marami ang gumagaya sa mukha mo. At ang katauhan mo ang ginagamit para linlangin kami lahat," diin na sagot ni Z. Tumawa naman ako. "Gaano kagaling ang Grace na hinuhuli niyo? Umpisa pa lang, noong nagkasama tayo dati, may nakita ba kayo na palatandaan na ako iyon?" "Tattoo," nakangising sagot naman ni Jenny. Mapakla naman akong tumawa. Hinubad ko ang aking jacket at sando. Naka-sport bra lang ako. "Magkapareho ba kami ng tattoo?" Napanganga naman ang dalawa. " Akala ko pa naman kayo ang pinakamagaling na assassin's. Ang Grace na impostor na hinahabol niyo ay nagtatrabho sa ENFORCER ORGANIZATION," saad ko sa dalawa. Sinuot ko ulit ang aking sando at jacket. "Si Caden Salvacion, ang may hawak ng ENFORCER," Nakakunot ang noo na saad ni Rivas. " Exactly! That's why, siya ang singilin niyo," nakangising saad ko sa dalawa. Let the game begin! Pasimple naman akong ngumisi. Pinaglaruan niyo ako noon, this time, sa akin naman ang alas! "Let's say that, hindi pa totally retired sa organization si Caden Salvacion alyas Leon. Baka gusto niya rin hawakan ang group mo Z," saad ko. "Hindi tatraidurin ni Caden si Daddy at ang ibang kasama niya noon. Kung balak niya tayong lahat pag-awayin, kakalabanin din siya nila Daddy, Tito Jarred, Tito Vernan at maraming pang iba!" Diin na saad ni Z. Lumapit naman si Jenny sa akin. "Dapat ba kaming magtitiwala sa'yo, Grace?" Nagkibitbalikat lang ako. "Sa inyo na iyon kung maniwala kayo sa akin. Wala na akong magagawa." Narinig ko naman ang buntonghininga ni Z. " Kapag napatunayan na may kasalanan sa lahat si Caden Salvacion, ako mismo ang sisingil!" Galit na saad ni Jenny. "That's good. Pulis ka Jenny, this is your chance na makahuli ng malaking isda. Alam namin natin na Drug Lord si Caden Salvacion," nakangising saad ko. " 'Di ba marami ka rin ng illegal na negosyo, Chua? Puwede ka rin namin hulihin," nakataas ang kilay na saad ni Z sa akin. Humalakhak naman ako ng malakas. "Pati sarili niyo, hulihin niyo rin. Magsilabasan na tayong lahat ng baho. Lahat tayo sa kulungan babagsak. Doon na rin tayong magsaya." Ngumisi naman ang dalawa. " Sure, why not. Magsama-sama tayong lahat doon," sagot naman ni Z. Napailing naman ako. " Bye, Chua. Hindi pa tayo tapos," saad ni Rivas. Tinaas ko naman ang kanang kamay ko. Sinundan ko naman ng tingin ang dalawang babae na palabas sa opisina ko. Napabuntonghininga naman ako. Nangako na ako kay Tyler na iiwas na ako sa gulo. Pero, dammit! Ang gulo ang lumalapit sa akin. Napatingin naman ako sa aking cellphone na tumutunog ito. Hindi ko kilala ang numero na tumatawag. Agad ko naman sinagot ang tawag. "Yes, hello?" "Hi, Grace. It's Liana. Remember me?" Napatigil naman ako. "Hello po. Yes, sa market po tayo nagkita." "Grace, can I invite you tomorrow? Birthday ng asawa ko. May konting handaan sa bahay namin." "Ahm. Sure po. Puwede ko po ba dalhin ang boyfriend ko?" " Yes, hija. Thank you sa pagtanggap ng imbitasyon ko." "Walang anuman po." " Sige, hija. See you tomorrow." Umupo naman ako sa aking swivel chair. Mabigat ang dugo ko kay Caden. Hindi ko maintindihan pero poot ang nararamdaman ko sa kan'ya. Basta tumatak sa isipan ko noong bata pa ako. Ang sabi ni Mommy, si Caden Salvacion, ang dahilan sa pag-ambush sa Daddy namin ni Gretta!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD