INNOCENTLY DANGEROUS 14

1419 Words
Dahil na rin sobrang busy ni Tyler, hindi na ito nakasama sa akin sa bahay ni Liana Salvacion. Bandang alas siyete ng gabi, umalis na ako. Pagdating ko sa mansion ng mga Salvacion, pinapasok agad ako ng guwardiya. "Thank you so much, hija. Akala ko hindi ka na pupunta dito," masayang saad ni Ginang Liana. "Hindi ko kayo bibiguin, syempre po, big opportunity na imbitahan ako ng asawa ng isang kilalang negosyante sa buong mundo," Nakangiting saad ko naman. "Ang batang ito. Hali ka na," Hinawakan pa niya ang kamay ko at pumunta sa dining. Hindi na ako nagulat kung nandito rin si Javi. Nakangisi pa ang loko sa akin. "Everyone. Si Grace pala. Nakilala ko siya sa market," humarap naman ang ginang sa akin. "Grace. Ang anak ko pala si Cassy and her husband, Ulysses. Then si Javi. And last, my husband, Caden Salvacion." Ngumiti naman ako sa kanila. Isa-isa ko silang kinamayan. Pagdating kay Javi, pinisil ko ito ng mahigpit. Napadaing naman ang binata. Huling lumapit ako kay Caden Salvacion. "Nice to meet you, Sir," Nakangiting saad ko. Ngumiti naman ito sa akin. "Nice to meet you, too," aniya at nakipagkamay ito. Napatigil pa ito ng matagal na nakatitig sa aking kamay. Nanlalaki pa ang mga mata na nakatitug sa akin. Agad ko naman hinila ang aking kamay. "Hija, sit down," aniya sa akin ng Ginang na itinuro ang upuan sa tabi ni Javi. Agad naman naghain ang mga katulong at nag-umpisa na rin kaming kumain, Samantala, nakangisi naman ang aking katabi. "Bakit nandito ka?" mahinang tanong ko rito sabay apak sa kan'yang paa. "Of course, bahay ito ng Daddy ko," halos pabulong na sagot niya. Nakatingin naman ang lahat sa amin ni Javi. Matmis naman ako ngumiti. "Ate Grace, anong trabaho mo?" tanong ni Cassy sa akin. "Ahmm.. I'm a soldier." Nakanganga naman si Cassy. "Really? Wow!" "Nice job. Are you married?" tanong ni Caden na saglit pa itong sumulyap sa akin. "Engaged," maiksing sagit ko naman. "Congratulations, hija," masayang bati ni Ginang Liana. Ngumiti lang ako. Natapos kami sa pagkain na halos tungkol ako ang pinag-uusapan. "And by the way, Grace. What is your father's name?" tanong ni Caden sa akin. Napatingin naman ako rito. Nagkasalubong ang aming paningin. "Pasensiya na kung hindi ko masagot ang tanong niyo," seryosong tiningnan ko ito. Bigla naman tumahimik ang paligid. "Ahh...Grace, kailan ka pala babalik sa Germany?" tanomng ni Javi sa akin para iwasan ang tension sa paligid. "Next month. Ahm..hindi na ako magtatagal, naghihintay kasi ang fiancee ko sa bahay." "Hija, sana bago ka aalis papuntang Germany, magbobonding tayong tatlo ni Cassy," saad naman ni Ginang Liana. Ngumiti naman ako. "Sure po," Tumayo na ako at hinalikan ang ginang sa psingi. Lumapit din ako kay Cassy at hinalikan din ito. Ramdam ko na sobrang gaan ang pakiramdam ko sa mag-inang ito. Tinapik ko naman ang balikat ni Ulysses. Palabas na ako ng gate, at bigla naman ako tinawag ni Javi. "G?" Nagngingitngit na lumingon ako rito. Napataas naman ang kilay ko na kasama ng binata si Caden. "What?!" "Kailangan natin mag-usap. Ako, ikaw at si Daddy," seryosong saad ni Javi. Nakangising nilapitan ko ang mag-ama. "And why? About what?" "A-Anak?" mangiyak-ngiyak na tawag sa akin ni Caden. Napatigil naman ako. Anak? "G, ayoko na humantong na sariling ama natin ang papatayin mo! Alam kong ikaw ang inutusan ni General na patayin si Daddy!" galit na saad ni Javi. "What the hell! Anong pinagsasabi mo, gago?!" Sigaw ko rito. Ama? Putang-ina! "I'm so sorry, anak," Umiiyak na saad ni Caden. "Shut up! Plano niyo ba itong mag-ama? f**k! Ayoko sa lahat, binibiro ako!" galit na saad ko sa dalawa. "Your tattoo, G. Ako, ikaw at si Gretta. Pareho tayo ng tattoo. Ano sa palagay mo? G, magkakambal tayo!" Umigting naman ang panga ko at kinuha ang aking baril sa aking tagiliran. Itinutok ko ito kay Caden. "Kahit kailan, hindi ko pinangarap na maging tatay ka!" diin na saad ko rito. Nagsilapitan naman ang mga tauhan ni Caden Salvacion. Napahilamos naman sa kan'yang mukha si Javier. "Damn! Ibaba mo nga iyang baril mo, Gracia!" galit na sigaw ni Javi sa akin. Aba gago ito ah! "Talagang papatayin ko kayong mag-ama! Huawag niyo akong isali sa mga putang-inang kalokohan niyo!" "Makinig ka nga, G! Bakit hindi mo tingnan ang tattoo nating dalawa na magkapareho. Gusto mo ba another evidence? Gusto mo ipakita ko sa'yo ang match ng DNA test natin?" Nakakunot naman ang noo ko na nakatitig kay Javi. "Remember sa bar mo? Sa office. Pasimple akong kumuha ng isang piraso ng iyong buhok," aniya na dahan-dahang lumapit sa akin. "Don't come near me! Baka maiputok ko ito sa'yo!" blangko ang mukha ko na tiningnan si Javi. "G-G?" "Wala akong pakialam kung kapatid kita. Kung ama ko ang Drug Lord na iyan! Kung ina ko rin si Liana Salvacionna parehong may tattoo sa atin !" mariing saad ko kay Javi. Napatigil naman ang binata. "What did youy say?!" tanong ni Javi. "Hindi ko naman bingi para ulitin ko," nakangising saad ko sa binata. "About Tita Liana?!" Hindi alam ni Javi? Galit na nilapitan ko si Caden. "Pinaglalaruan mo ba kami?!" siagw ko rito. Nasa likuran ko naman si Javier. "Patawarin niyo ako! Kasalanan ko ang lahat!" Humagulhol ito sa aming harapan. "What happen?" biglang sumulpot naman si Liana. Lumapit naman si Javi at kinuha ang kanang kamay ng ginang. "Damn! Damn!" pagmumujra ng binata na umiiyak na ito. Yumuko naman ako at hindi ko rin napigilang umiyak. "What is this, Daddy?!" Nagsisigaw na tanong ni Javi. "Caden, ano ba ang nangyayari?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Liana. Kahit si Cassy umiiyak din ito. Kung totoo man ito. Ibig sabihin, mama ko si Liana! Kapatid ko si Javi at Cassy. Umangat ang ulo ko at galit na hinarap si Caden. "Noon at hanggang ngayon, hindi ka pa rin nagbabago! Isa ka pa ring mapaglinlang at manloloko!" Akmang tatalikod na ako nang may humawak sa aking braso. Si Caden. "G-Grace, anak, p-patawad." Nanlalaki naman ang mga mata ni Liana sa narinig. "Nalilito ako! Ano ba ang nangyayari?!" Puwersang hinila ko naman ang aking braso sa mahigpit na paghawak niya. "Kill yoursef. Maybe I can forgive you," seryosong saad ko. Hinila ko naman si Javi. "Hindi iniiyakan ang taong katulad niya!" diin na saad ko rito. "Let's go!" Hinila ko palabas ng gate si Javi. "Ma'am, ayaw pa kayo pauwiin ni Boss-." Naudlot ang pagsasalita ng tauhan ni Caden dahil sa umalingawngaw na putok ng baril. I shot him. Nagsisigaw naman sina Liana at Cassy dahil sa ginawa ko. "Ayoko sa lahat minamanduhan. Don't do that again," saad ko sa lalaking binaril ko. Buti na lang sa balikat lang ito natamaan. Agad naman akong pumasok sa aking sasakyan. Sumakay na rin si Javi. Hindi ito umiimik. Pinaharurot ko naman ang sasakyan paalis. "Nagsinungaling siya," mahinang saad ng binata. "Hindi na bago sa akin," sagot ko naman. "S-Sabi niya kasi....a-anak niya tayong tatlo sa ibang babae!" Umiiyak na saad ni Javi. Nakaramdam naman ako ng pagkairita kay Javi. "Huwag ka nga umiyak! Putang-ina, babarilin kita!" Sigaw ko rito. Parang bata naman itong biglang tumahan. "Gusto ko ng hard s*x," aniya na sinabunutan ang sarili. Napapreno naman ako bigla. "Seriously, Javier?!" inis na saad ko rito. "Stressed ako, kaya kailangan kong bumaon," supladong saad niya. Nakakunot naman ang noo ko. Ang iba kapag stressed, nagpapakalasing. Samantala ang abnoy na ito, s*x ang gusto. Babaero talaga! "Saan kita ihatid?" tamad na tanong ko sa binata. "Sa bahay ni D. Sa kan'ya ako sisisid," nakangising sagot niya. "Gago!" Sigaw ko na humalakhak naman ito. Kanina may paiyak-iyak pa ito. Abnormal talaga. Hindi lang naman si D ang sinisisid niya, kundi marami pa! "G. Kambal pala tayo," aniya na nakangiti ito. "Ayoko!" sagot ko naman. Sumulyap ako rito. Nakasimangot naman ito. Pasimple naman akong ngumiti. Medyo may kalayuan pa naman ang bahay ni D. Kaya hating-gabi na rin naihatid ko si Javier. "Ingat ka, kambal," nakangiting saad ni Javi. "Hindi tayo magkambal. Hindi tayo magkapatid!" saad ko at umalis na. Isa lang ang katanungan sa isip ko. Paano kami naiwalay kay Liana kung anak niya talaga kami?! Si Javi. Bakit sa ibang pamilya siya lumaki? Kami naman ni Gretta ang nagkasama. Madiin ang paghawak ko sa manibela. Bakit ngayon lang nilabas ni Caden ang lahat? Bakit hindi sinabi kay Liana na nakita na niya kami? Damn! Maraming katanungan ang nasa isip ko. Pero lalo lang ako naguguluhan! Ako mismo ang mag-imbestiga! Isa-isahin ko ang lahat-lahat. Kung bakit napahiwalay kami!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD