INNOCENTLY DANGEROUS 15

1225 Words
"Again, Grace?" Galit na saad ni Tyler. Napabuntonghininga naman ako. "May konting problema lang, Ty. Please, aayusin ko lang ito." "Mauna na ako babalik sa Germany. Kung susunod ka, magpapakasal agad tayo. Kung hindi naman, sabihin mo lang sa akin ng mas maaga," seryosong saad niya. Nilapitan ko ito at niyakap ng mahigpit. "Mahal kita. Susunod ako, pangako." "Hindi ko kailangan ang pangako mo, Grace. Ang kailangan ko ang isang salita mo." Kumalas naman ako sa pagyakap rito. "Of course." "Bukas na ang flight ko. I'll wait you there," aniya na bakas ang kalungkutan. Hinalikan ko ito sa labi. "I love you." "I love you too, Grace. Please, huwag mo ako paasahin." Ngumiti naman ako. Kinabukasan, hinatid ko sa airport si Tyler. Agad din ako umalis. Masakit din sa akin na humiwalay rito. Bago ako umuwi dumiretso muna ako sa condo ni Savannah. Dumaan muna ako sa market at bumili ng mga prutas. Ilang linggo rin na hindi kami nagkita. Not a week maybe, almost a month na rin. Naging busy kasi ako sa negosyo ko. Pagbukas ng pinto, si Kurt ang bumungad sa akin. " Si Van?" tanong ko rito. "Inside." Dumiretso na akong pumasok. Nakakunot ang noo ko humarap kay Kurt. "Nasaan siya?" "Sa kuwarto," mahinang sagot ni Kurt. Agad naman ako dumiretso sa silid ni Van. " Van, hindi mo si-." Nabitawan ko ang supot na dala-dala ko. Fuck! "G-G?" "D-Dammit!" hindi ko alam kung iiyak ako o magagalit. Dahan-dahan akong lumapit rito. "B-Bakit hindi mo sinabi?" "A-Ayoko na...a-ayoko…," humagulhol ito ng iyak. Pinigilan kong umiyak sa harap ni Van. Ayoko ipakita sa kan'ya na naaawa ako rito. "G-Gusto mo ba sa ibang bansa na tayo magpagamot? Sabihin mo lang, dadalhin ka namin," saad ko rito at hinaplos ang kan'yang buhok. Napatingin naman ako sa aking kamay na may buhok na natatanggal. Umigting naman ang panga mo. "B-Bakit itinago mo ito sa amin? Van, naman!" "I-I'm so sorry, G." Napahilamos naman ako sa aking mukha. Huminga ako ng malalim at hinaplos ang kan'yang mukha. "Matapang ka. Kakayanin mo ito, okay?" Tumango naman ito. Humarap naman ako kay Kurt. "Can we talk?" Tinapik ko muna sa balikat si Van bago lumabas. "Bakit ngayon mo lang nalaman ang tungkol sa sakit ni Van?! Akala ko ba matagal na kayo nagsama?!" Galit na saad sa ko kay Kurt. "I-Ilang taon din na hindi kami maayos, G. Kasalanan ko ang lahat na ito!" "Talagang kasalanan mo! Kung hindi sa ginawa mo sa kan'ya! Lahat ng hirap ni Van, tiniis niya dahil mahal ka niya!" Napahilot naman ako sa aking sentido. "Nasaan ang kapatid ni Nina?" Nasambit na dati sa akin ni Van si Cindy Sancho. Isa itong Doctor. "Nagtatrabaho siya sa hospital nila Alcantara," sagot naman ni Kurt. "May aayusin lang ako. Babalik ako dito sa isang araw," saad ko rito at tumalikod na. Dumiretso ako sa hospital na pag-aari ng mga Alcantara. "Si Doc. Cindy Alcantara?" tanong ko sa Nurse. Sinabi kasi sa akin ni Andy ang nangyari sa pagsasama ng mag-asawang, Kurt at Van. Dahil sa hitad na ito, lalo nagkakalabuan dati ang mag-asawa. Wala akong pakialam kung magkabanggaan kami ni Nina. Ang alam ko lang, magkapatid lang sila Nina at Cindy sa ama. "Sa third floor po ang clinic niya," sagot naman ng nurse. Agad na akong sumakay sa elevator. Pagdating ko sa third floor, hindi naman ako nahirapan na hanapin ang clinic ni Cindy. " Si Doc. Sancho?" tanong ko sa nurse. " Sa loob po. Pasok lang po kayo, ma'am." " Thanks," agad naman ako dumiretso sa loob. " Hi. What can I do for you?" bungad sa akin ni Cindy. Well, mas maganda pa rin ang kaibigan ko. Lumapit ako rito at dumukwang rito. " Balita ko, ikaw daw ang babaeng karibal ng matalik kong kaibigan, si Savannah Coloner." Napatigil naman ito. "Sino ka ba?!" galit na tanong niya. " I'm Captain Grace Chua," nakangising saad ko rito. "Wala ka ng pakialam, Captain! Ako ang nauna kay Kurt. Inagaw lang siya sa akin ng malandi mong kaibigan!" Hinawakan ko ng mahigpit ang kan'yang mukha. "Say it again, pupunuin ko ng bala ang bibig mo!" "H-Hindi ako natatakot!" balik na sigaw niya sa akin. Ngumisi naman ako. "Siguro ika-animnapu ka sa papatayin ko. You know, binibilang ko ang lahat na pinatay ko," nakangising saad ko naman. Namutla naman ito. "Isa pang panggugulo na gagawin mo sa kaibigan ko, ang Daddy mo ang una kong sisingilin." Umiiyak itong binitawan ko ang kan'yang namumulang mukha. "A-Ako ang nauna," umiiyak na saad niya. " Wala akong pakialam, Cindy. Maghanap ka na lang, okay?" Tinapik ko ang kan'yang mukha at tumalikod na. Pero saglit ako tumigil sa pinto at humarap rito. "Lahat ng galaw ng pamilya mo, nakamonitor. Huwag na huwag ka magkamali. Isang lang ang buhay natin, tandaan mo iyan," saad ko rito at kumindat. Pupuntahan ko muna si Javi at mag-uusap kami. Alam ko naman ang bahay niya. Nakatira ito sa isang mamahaling subdivision. Yeah, mayaman ang gago, pero sobrang tipid niya. Nasa gate na ako ng bahay ni Javier at kanina pa ako nag-do-doorbell. Damn! Mababaril ko talaga ito. "Damn! Natutu-," nanlalaki naman ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Nakatapi lang ito ng puting tuwalya. "We need to talk," saad ko rito at dumiretso na pumasok sa loob ng bahay niya. Napatampal naman ako sa aking noo. Kalat ang mga damit sa sala at may underwear at bra pa. "Oh. Nakalimutan ko ligpitin," napakamot pa ito sa kan'yang batok. "Akala ko ba kay D ka lang sisisid?" Mariin ko itong tiningnan. Napairap naman ito sa akin. "Galit sa akin! Siniraan ako ni Z doon." Nilapitan ko ito at binatukan. " Wala akong kapatid na tanga!" "Sumosobra ka na, Gracia!" "Makinig ka, kailangan natin malaman ang buong katotohanan. Paano kami napapunta ni Gretta kay Mommy Amy. At paano ka napahiwalay sa amin. Kung totoong triplets tayo, bakit napahiwalay tayo kay Liana?!" "Puwede ba, mamaya na 'yan, G. May one round pa kami-," Seryoso akong nagsasalita pero ang kaharap ko, iyong one round na hindi pa niya natapos! "Kapag nabuwiset ako sa'yo, Javier, babarilin na kita!" " Bakit kasi wrong timing ka dumating!" Kanina pa ako nagpipigil sa gagong ito "Makikinig ka sa akin o habang buhay na hindi mo magagamit ang mandirigma mo?!" galit na saad ko rito. "Kung hindi lang kita kapatid," aniya na umupo ito sa sofa. Buwesit na pinagsisipa ko ang underwear ng babae na pakalat-kalat. "Gamitin mo ang lahat na connection mo, Javi. Bago matapos ang buwan na ito, dapat malaman na natin ang katotohanan. Kailangan ko pa sundan si Tyler sa Germany." "Napaimbestigahan ko na ang itinuturing niyong ina. Isa siya naging babae ni Daddy. Si Amy David, ay isang Modelo at nakarelasyon ito ni Daddy," seryosong saad ni Javi. "Kunin mo ang impormasyon kung saan nanganak si Liana. Kumpletong impormasyon, Javi!" "Copy. Puwede ka na umuwi," aniya na tumayo na ito. Nagngingitngit naman ako. Sa inis ko, kinuhanan ko ng litrato ang pakalat-kalat na damit at underwear ng babae. " Kapag hindi mo magawa ang inuutos ko, ipasa ko ito kay D," nakangising saad ko at pinakita sa kan'ya ang litrato. " Damn! G!" "Tingnan lang natin, kung hindi ka ratratin ng bala ni Sargeant Maria Dianne Cole," saad ko at tinalikuran na ito. " Gracia! f**k, huwag mo ipakita iyan!" Mahina naman akong napatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD