INNOCENTLY DANGEROUS 16

1066 Words
"D?" Humarap naman sa akin ang babaeng kasing-tangkad ko at magkasing-katawan rin kami. Napakaganda ni D. Ang alam ko may lahing banyaga ang mga ito. Kilala ko rin ang kapatid niyang babae na asawa ito ni Damon Coloner. "Hey, G. What's up." Naka-uniporme pa ito ng pulis. Isa ring doktor si D. Pero mas pinili niya magserbisyo sa bayan. "Long no see," nakangising saad ko sa dalaga. "Yeah. Sobrang abala lang ako sa trabaho, you know, kailangan sipagan para tumaas ang ranggo," aniya na kumindat pa ito sa akin. " Can we talk?"seryosong saad ko rito. "Sure. Wait me here. Paalam lang ako sa mga kasamahan ko," aniya at pinuntahan ang mga kapwa pulis. Sumandal muna ako sa aking sasakyan habang hinihintay si D. "Let's go," aniya at sumakay na ito sa kan'yang Ducati. "Sa bar ko na lang tayo!" Sigaw ko rito. Tumango naman ito at humarurot na ang motorsiklo. Sumakay na rin ako sa aking kotse. Habang nagmamaneho, tinawagan ko rin si Javi. "Pumunta ka sa bar ko ngayon," bungad ko pagsagot ng tawag. "Busy ako today-." Hindi ko na ito pinatapos magsalita at pinatay na ang tawag. Pagdating ko sa bar, nandoon na sa counter si D at umiinom na ito ng alak. Sinenyasan ko ito na umakyat kami sa taas. Tamang-tama naman na dumating din si Javier. "Anong ginagawa mo dito, Javier?!" Sigaw ni D pagkakita rito. "Love? Bakit nandito ka? Tinawagan ako ni G, kaya pumunta ako dito," paliwanag naman ng abnoy kong kapatid. Umupo ako sa swivel chair at inutusan ang dalawa na umupo ang mga ito. "D. Gusto mo ba na tumaas agad ang ranggo mo?" Nakangising tanong ko sa kan'ya. Nakakunot naman ang noo ng dalaga. Kahit si Javi, nagdududa ang tingin sa akin. "Well. I'm currently working in Eagle Empire. Tumatanggap ako ng misyon galing sa kanila. Ako ang humuhuli o pumapatay sa mga bigating drug Lord," saad ko sa dalawa. Umigting naman ang panga ni Javi. "Diretsuhin mo na ako, G. Ano ba talaga ang pakay mo?!" Naiiritang tanong ni D sa akin. "Ibigay ko sa'yo ang paghuli kay Caden Salvacion." Napatayo naman bigla si Javi. " Nababaliw ka na na, Grace?! Tatay natin ang pinapahuli mo!" Sigaw ng binata sa akin. "Wait! M-Magkapatid kayong dalawa?!" Gulat na tanong sa akin ni D. "It's a long story. But anyway, wala akong pakialam sa kan'ya!" sagot ko naman. " Gracia?! Hindi ako papayag sa gagawin mo! Kung maaari na pigilan ko ang masamang balak niyo kay Daddy, gagawin ko!" Galit na saad sa akin ni Javi. Tumayo naman ako at nilapitan si Javi. "Bakit kinakampihan mo siya?" seryosong tanong ko sa binata. "Dahil ang lahat na ginawa ni Dad, alam kong may rason, may dahilan!" Mahina naman akong napatawa. "Hindi mo nga makuha-kuha ang impormasyon na inuutos ko sa'yo! Paano natin malalaman kung mabuti ba siyang ama! Tell me, ano ba ang sinabi niya sa'yo at kinakampihan mo siya?!" Galit na saad ko rito. "Ginawa ko na lahat. Ginamit ko na rin ang connection ko, pero may humaharang sa imbestigasyon ko, G! Hindi ko alam kung sino ang humaharang!" Napahilamos naman ako sa aking mukha. "Sino pa ba. Ang magaling mong ama! Alam niyang kasusuklaman natin siya kapag malaman natin ang buong katotohanan!" "Damn! Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan niyong dalawa!" Inis na saad ni D. Humarap naman ako sa dalaga. "Ito na ang pagkakataon mo, D. Malaking isda ang huhulihin mo. Panigurado, doble ang taas ng ranggo mo. Matagal na nilang gustong hulihin si Caden Salvacion, pero walang evidence. So, tutulungan kita na makakuha ng ebidensya." "Grace!" diin na saad ng binata sa akin. Inirapan ko lang ito. "Okay payag ako. Huwag mo lang ako dayain, G. Alam mo ang kahihinatnan kapag dinaya mo ako," diin na saad mgy dalaga sa akin. "f**k! Tumigil kayong dalawa! D, huwag ka makinig diyan sa kapatid ko!" Humarap naman ako kay Javi. "So gusto mo, kayo na lang dalawa ni Dos Geller ang hulihin? Total next mission ko kayong dalawa," nakataas ang kilay na saad ko rito. "Sige ako na lang ang hulihin mo, Grace!" Inis na sagot naman ng binata sa akin. Sa inis ko, binatukan ko ito. " Ouch! Ang hilig niyong mga babae manakit!" "Alis na ako. Usap na lang tayo sa isang araw, G," aniya ni D. " Love, I'm f*****g stress! I need-." Agad naman tinutukan ni D ng baril si Javi. "Ikaw kapag stressed ka, lunurin mo ang iyong sarili sa alak! Hindi iyong kepyas ko ang sisidin mo! Gago!" Agad lumabas ang dalaga at pabagsak sinara ang pinto. Pasimple naman akong napangiti. "What? Ang sabi ko, stressed lang ako. f**k! Bakit ang advance mag-isip naman ni D?" Aniya ni Javier na nakatingin ito sa akin. " 'Di ba nga stressed ka. So, iba ka kasi kapag stressed, ibang alak ang gusto mo," nakangising saad ko rito. "Ang gulo niyong mga babae!" Saad niya at tumayo na ito. "Kapag wala ka pang naibigay sa akin na impormasyon, Javi. Sa kulungan mo na bisitahin ang pinakamamahal mong tatay!" Saad ko rito. "Tatay mo rin! Itigil mo nga ito, G! Kung gusto mo, puntahan na lang natin ang parents natin. Sa kanila natin itanong ang lahat-lahat! Please, kahit para kay...kay Mommy L-Liana. Kahit para lang sa..sa Mommy natin." "Hindi muna sa ngayon! Hindi ko pa matatanggap ang pamilyang iyon!" Napabuntonghininga naman ang kapatid ko. Lumapit ito sa akin at hinaplos ang aking mukha. "Mag-isip-isip ka muna. Huwag ka magpadalos-dalos sa iyong desisyon. Kapag nagawa mo na ang isang bagay, hindi mo na maibabalik. Lagi sa huli ang pagsisisi, G," agad naman ito tumalikod at lumabas na. Yumuko naman ako. Huminga ako ng malalim. Nanghihinang umupo ako sa swivel chair. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Tyler. Panay ang hilot ko sa aking sentido habang hinihintay sagutin ni Ty, ang tawag ko. "Yes, hello?" Napatigil naman ako dahil boses babae ang sumagot sa kabilang linya. "Who is this? Where is my fiancee?" tanong ko sa babae. "Fiancee? Sabi kasi ni Tyler, wala na siyang girlfriend. By the way, I'm his fiancee." " W-What?!" " Yes, Miss. May sasabihin ka pa ba? Hinihintay na ako ng fiance ko." Narinig ko ang pagputol ng linya. Fiancee? What the hell! Humahangos ako sa paghinga. Fuck you, Tyler Geller! Kailangan pupuntahan ko ito sa Germany. Raratratin ko kayo ng bala! Gusto nila ng gulo, puwes, pupuntahan ko sila!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD