"Dammit!"
Napahilot naman ako sa aking sentido.
"Well, babalik ka na ba sa Germany?" Natatawang tanong ni Andy sa akin.
" Yes. Ikaw na bahala kay Van. Aayusin ko lang ang sa amin ni Tyler."
"Okay. Kailan ang flight mo?"
" Tomorrow afternoon."
Hindi na ako magdadala ng mga damit. Marami rin akong mga gamit pa sa Germany.
Nagpaalam na rin si Andya sa akin na uuwi na ito. Hindi na muna ako mamaya pupunta sa bar.
Habang abala ako sa aking computer nang may tumawag sa aking cellphone.
"Yes. Hello?" Sagot ko rito.
"A-Anak."
Napatigil naman ako.
"Anong kailangan mo?!" galit na tanong ko kay Caden Salvacion.
"P-Puwede ba tayong mag-usap?"
Napatawa naman ako. "Waste of time!" Agad ko ito pinatayan ng tawag.
Huminga naman ako ng malalim.
Napatingin ulit ako sa aking cellphone. Panay pa rin ang tawag niya.
"Dammit! Hindi ka ba titigil?!"
"A-Anak, please. K-Kahit ngayon lang."
"Okay. Nasaan ka?!"
"Nandito ako sa resthouse ni Javi-."
Hindi ko na ito pinatapos magsalita. Alam ko naman kung saan ang resthouse ni Javier.
Agad ko kinuha ang susi ng Ducati ko at ang aking baril. Hindi naman kalayuan ang resthouse. Medyo malayo lang ito sa bayan at walang kabahayan.
Nadatnan ko ang kotse ni Caden. Himala na wala itong kasamang tauhan.
" Grace, anak."
Napairap naman ako. "Anong kailangan mo sa akin?"
"G-Gusto ko lang ayusin ang lahat, Grace. Naaawa na ako sa M-Mommy mo. Please, kausapin mo naman siya. A-Anak, patawarin mo ako."
Napabuga naman ako ng hangin. "Gusto mo bang mapatawad kita? Then, kalimutan niyo na lang na nagkita tayo..na kilala niyo ako."
" G-Grace," humagulhol ito ng iyak.
Napasinghap ako na lumuhod ito sa aking harapan.
"A-Ako ang may kasalanan ng lahat na ito! Ako!" Umiiyak na saad niya.
"Iyong lang ba ang sasabihin mo? Waste of time!" saad ko at tumalikod na.
Pasakay na ako sa aking Ducati nang may napansin akong kakaiba sa paligid.
Fuck!
Huminga ako ng malalim at lumapit kay Caden.
"May kasama ka bang mga tauhan?" mahinang tanong ko rito.
"W-Wala."
Napangisi naman ako. "May mga pusa sa paligid natin."
Napatingin ako sa aking kanan. Mabilis ang pagbunot ko ng aking baril at binaril ang lalaking nasa kanan namin.
"Hindi tayo puwede pumasok sa loob ng resthouse!" Saad ko kay Caden at hinila ito papunta sa kagubatan.
"f**k! Panigurado, mga kalaban mo ito!" Sigaw ko sa kan'ya.
"I-I'm so sorry kung nadamay ka, anak."
Masama ko naman itong tiningnan. "Mamamatay tayong dalawa kapag puro ka daldal!"
Buti na lang kabisado ko ang gubat na ito. Dati na akong dinala dito ni Van.
"Dito ka lang. Ako na bahala sa mga kalaban," saad ko rito.
Kahit papaano may concern pa rin ako rito. Matanda na si Caden. At kahit papaano, ayoko pa rin siya mapahamak. Matanda na si Caden. Protektahan ko siya, para kay Javi at syempre kay Cassy.
"Kahit anong mangyari huwag kang aalis, okay?"
"S-Saan ka pupunta?!" Natatarantang tanong niya.
Humarap naman ako rito.
"Mamamatay tayong dalawa kung tutunganga lang tayong dalawa!" Inis na saad kk rito.
"A-Anak, mag-ingat ka!"
Huminga naman ako ng malalim. "Okay."
Magaan at mabilis ang bawat galaw ko. Iniwasan ko muna ang paggamit ng baril. Buti na lang hindi ko tinanggal sa boots ko ang aking patalim na lagi ko dala-dala.
Masama man pumatay, pero kailangan para mabuhay. Inisa-isa ko silang ginilitan ng leeg.
Bullshit!
Wala rin signal kaya hindi ko matawagan si Javier.
Napatigil naman ako dahil sa sunod-sunod ng mga putok.
Punyeta!
Mabilis akong tumakbo at binalikan si Caden.
"Caden?" Nagsisigaw na saad ko.
May nagpapaulan rin sa akin na bala.
"Caden?!"
Agad akong lumapit rito.
" 'Di ba sabi ko sa'yo, hintayin mo ako sa pinagtataguan mo!" Galit na saad ko rito habang hinahaplos ang ukky niya na maraming dugo na ito.
Hindi ko naman napigilang umiyak.
"P-Paano kita mapapatawad kung mamamatay ka lang naman! D-Daddy?!"