"Kahit anong mangyari huwag kang aalis, okay?"
"S-Saan ka pupunta?!" Natatarantang tanong niya.
Humarap naman ako rito.
"Mamamatay tayong dalawa kung tutunganga lang tayo!" Inis na saad ko.
"A-Anak, mag-ingat ka!"
Huminga naman ako ng malalim. "Okay."
Magaan at mabilis ang bawat galaw ko. Iniwasan ko muna ang paggamit ng baril. Buti na lang hindi ko tinanggal sa boots ko ang aking patalim na lagi ko dala-dala.
Masama man pumatay, pero kailangan para mabuhay. Inisa-isa ko silang ginilitan sa leeg.
Bullshit!
Wala rin signal kaya hindi ko matawagan si Javier.
Napatigil naman ako dahil sa sunod-sunod ng mga putok.
Punyeta!
Mabilis akong tumakbo at binalikan si Caden.
"Caden?" Nagsisigaw na saad ko.
May nagpapaulan rin sa akin ng bala.
"Caden?!"
Agad akong lumapit rito na humahangos.
" 'Di ba sabi ko sa'yo, hintayin mo ako sa pinagtataguan mo!" Galit na saad ko rito habang hinahaplos ang ulo niya na maraming dugo na ito.
Hindi ko naman napigilang umiyak.
"P-Paano kita mapapatawad kung mamamatay ka lang naman! D-Daddy?!"
Panay naman ang yugyog ko sa kan'yang balikat. " D-Dad?!"
Kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinawagan si Javi. Laking pasasalamat ko at tumunog ito.
"G?" bungad agad ng kapatid ko.
"H-Help us! Nandito kami sa resthouse mo!"
" What? Anong nangyari?!"
" Putang-ina! Pumunta ka na lang dito!" agad ko naman pinatay ang tawag.
Sinipat ko naman ang ulo ni Caden.
"Dammit! Huwag ka muna mamamatay!" Nagsisigaw na saad ko. Dahan-dahan ko itong sinandal sa puno. "I'll be back, D-Dad."
Kinuha ko muna ang baril na iniwan ko kay Daddy kanina. Hindi naman marami ang kalaban.
"One bullet per head!" saad ko habang iniisa-isa silang binaril.
Hindi ako nag-aaksaya ng bala!
Narinig ko ang tunog ng chopper. Kampante naman ako, si Javi na ang dumating.
Huminga naman ako ng malalim at bumalik kung saan ko iniwan si Daddy.
"G?!
Humahangos naman palapit si Javi at Dos sa akin.
"May kalaban pa ba?" tanong ni Dos sa akin.
" Si Da-....si Caden?" tanong ko kay Javi. Hindi ko naman pinapansin ang tanong ni Geller.
"Nasa chopper na. Dadalhin na siya sa hospital."
Napabuntonghininga naman ako. "May kalaban ba siya?"
"Definitely. Yes. Hindi lang sa negosyo. Kundi sa mga organization na kinakalaban niya noon pa. Well, inaayos ko na ito," saad naman ng kapatid ko.
Tumatango-tango naman ako.
"G, may kalaban pa ba?" tanong ulit ni Dos sa akin.
Tumingin naman ako rito. Tinaasan ko naman ito ng kilay. May pasa ito sa mukha.
"Kalaban ba ang hanap mo, Geller? Eh, under ka nga sa asawa mo. Mamaril na lang kayo ni Javier ng mga ibon dito sa gubat," saad ko rito at tumalikod na.
"Under daw ako bro?! Si Kath? Halos nagmamakaawa nga iyon sa akin kapag binubugbklog ko!" Rinig kong saad ni Dos.
Napaismid naman ako. Puro kayabangan! Matapang lang kapag hindi kaharap ang asawa!
Umuuwi muna ako sa condo ko at naligo. Pupuntahan ko sa hospital si Caden. Tumawag na rin sa akin si Andy at sinabi kung saang hospital ito dinala. Pagdating ko, nandoon na si Liana at ang mag-asawang, Cassy at Ulysses.
"G-Grace, anak?" Umiiyak na sambit ni Liana.
Nakatitig lang ako rito. Hindi pa ako handa. Sa ngayon, gusto ko lang alamin ang kaligtasan ni Caden.
"A-Ate Grace?" tawag sa akin ni Cassy. Hilam din ng luha ang kan'yang mga mata.
Pilit naman akong ngumiti at tinalikuran na ang mga ito. Pumunta ako sa ICU. Agad ko naman napansin si Gaia Walton.
"P-Pinagsisihan na po ni Daddy ang lahat ate. Isa lang ang pangarap niya, ang makasama niya tayong lahat. Ikaw, at si Kuya Javi," umiiyak na saad ni Cassy nasa likuran ko.
Nagsalubong naman ang mga mata namin ni Gaia. Maya maya lang lumabas na ito.
"Kailangan masalinan ng dugo si Mr.Salvacion."
"H-Hindi po namin ka-match si Daddy. Kahit si Kuya Javi, hindi rin po," Umiiyak na saad ni Cassy.
Napatingin naman si Gaia sa akin. "G, baka ikaw."
Napatingin ako kay Liana. Ang mga mata niya, parang nagmamakaawa ito. Nakaramdam naman ako ng kirot sa aking d*bdib. Parang nasasaktan ako kapag nakikita kong nasasaktan ito.
"Do it," saad ko kay Gaia.
Saglit lang ako kinuhanan ng dugo. Hindi na ako nagpakita sa kanila. Palabas na ako ng hospital at nakasalubong ko naman ang dalawang tukmol. Sina Dos at Javier.
"G?" tawag ng kapatid ko. Hindi ko ito pinansin. Sumakay na ako sa Ducati ko at nagmamadaling umalis. Napatingin naman ako sa side mirror ko. Nakabuntot na naman ang dalawa sa akin.
Dumiretso na lang ako sa aking bar. Sinenyasan ko ang isang tauhan ko na dalhan ko ng alak sa aking opisina. Napailing naman ako nakatingin sa dalawa.
Pagkapasok ko sa aking opisina, nauna pa umupo sa swivel chair si Javi. Umupo naman ako sa sofa, samantala si Dos nasa ibabaw ng table nakaupo.
"G, gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi talaga ako binugbog ni Ka-."
Agad ko naman pinutol ang himutok ni Geller.
"Masyado kang pahalata, Geller. Huwag ka mag-alala, isa ka sa kilala ko na tauhan ni Andres."
Napanganga naman ito. Si Javi naman, nagpipigil ito ng tawa. Tiningnan ko ito at tinaasan ng kilay. Maya maya lang hinatid na ang alak namin. Hinintay muna ni Javi makalabas ang tauhan ko na naghatid ng alak, bago ito nagsalita.
"G, tulungan mo muna ako, ayusin ang gulong ito. Kailangan natin malaman kung sino ang nagbabanta sa buhay ni Daddy," seryosong saad ni Javi sa akin.
Tumayo naman ako at nagsalin ng alak sa baso. Inisang lagok ko agad ito. Napapikit pa ako dahil sa init na dumaloy sa aking lalamunan.
"Sobrang dami ng organization, Javier. Hindi natin malalaman agad-agad," diin na saad ko naman.
"What do you think, bro? It's an ENFORCERS?" Nakangising tanong ni Dos.
Napatigil naman ako.
"ENFORCERS? ' Di ba hawak iyan ng grupo ni Caden?" Nagtatakang tanong ko sa dalawa.
"Nope. Ang ENFORCERS, ay isang sekretong organisasyon na binubuo ng mga otoridad. Like Militaries, police, and agents. Or puwede rin ang sumalakay sa Daddy niyo, ay mismong organization nila na tinatawag na BLACK EAGLE ORGANIZATION," mahabang litanya ni Geller.
Naningkit naman ang mga mata ko.
"Baka isa sa mga kaibigan niyo ang miyembro ng ENFORCERS," Nakangising saad ko naman.
Napatingin naman ang dalawa sa akin. Nagkibitbalikat lang ako.
"I don't have time, para tulungan ka, Javi. Kailangan ko na bumalik sa Germany. Naghintay na si Tyler sa akin," saad ko naman.
"H-Hindi ka ba nag-alala kay, Daddy? G, naman! Pasintabi mo muna ang galit mo! Paano kung ang pangalawang pagsalakay nila, ay katapusan na ni Daddy!" Galit na saad ni Javier sa akin.
Lumapit naman ako rito. Lalo pa ako na badtrip sa mukha ni Geller.
"Siya ang gumawa ng gulo, kaya siya rin ang lulutas!" sagot ko naman rito.
Bigla naman tumayo si Javi. "You're f*****g selfish!" aniya at lumabas na ito.
Nakatingin naman ako kay Geller. Hindi pa ito sumunod kay Javi.
" Why?" Pagtataray na tanong ko rito.
"S-Sana huwag mo isipin na inaapi ako ng asa-."
Tumigil ito sa pagsasalita dahil binatukan ko ito sa sobrang inis.
"Lumayas ka na dito! Hindi mo lang matanggap na under ka!"
Nakasimangot naman ito sa akin. Agad din itong tumalikod pero nang nasa pinto na siya, tinawag ko ito.
"Dos?!"
Lumingon ito na nakakunot ang noo.
"Gusto mo kasuhan natin ang asawa mo?" Nakangising tanong ko rito.
"Eh ' di lalo ako aawayin!" aniya at pabagsak isinara ang pinto.
"Gago!" inis na sigaw ko sa rito.
Umupo ako sa swivel chair at kinuha ang telepono. Tinawagan ko si Andy.
"Kailangan ko malaman kung sino-sino ang miyembro ng ENFORCERS at BLACK EAGLE ORGANIZATION. Kung maaari, ipasok mo ako, Andy. Gusto ko madaliin ito at...at hinihintay na ako ni T-Tyler."
"Okay. Don't worry, asikasuhin ko agad ito," sagot naman ni Andy.
"Salamat."
Napahilot naman ako sa aking sentido.
Si Andy, siya ang may maraming connection sa mga organization. Why not. Dahil, miyembro ng Assassin's World Organization ang dalaga. Lahat malulusutan niya hangga't malakas ang kapit niya sa nakakataas ng organization.
Ako na ang nagtatrabaho ng palihim. Actually, ayoko sa lahat may asungot na kasama sa misyon. Mas magaan ang trabaho kapag nag-iisa. Si Javi kasi, maingay at reklamador. Pero lingid sa kaalaman ni Javier, ako rin ang protektor niya. Sinabi ko kay Z, na bitawan na niya ang kapatid ko at ako na papalit rito para protektahan ang lahat na mga negosyo niya at syempre ang kan'yang kaligtasan.
Kahit anong gawin ko na lumayo sa pamilyang Salvacion, parang hinihila pa rin ako pabalik.
Sana nga pagkatapos ang nangyaring gulong ito, mahihintay pa rin ako ni Tyler.