INNOCENTLY DANGEROUS 19

695 Words
"HERE," nakangising inabot ni Andy sa akin ang folder. "Nandiyan lahat ang mga miyembro ng BLACK EAGLE at ENFORCERS." Agad ko naman binuksan ang folder. Bawat pangalan nila ay may litrato ito nakalagay. "New generation?" seryosong tanong ko kay Andy. "Yeah. Mga uhaw sa kapangyarihan." Ang ibang miyembro ng BLACK EAGLE ay mga anak ng matataas na opisyal. Ang iba naman ay mga kilalang negosyante. Sa organisasyon naman ng ENFORCERS, halos mga opisyal at matataas na ranggo ang mga miyembro. Napasandal naman ako habang nakatitig sa litrato ni President Gabriel Lee. Dati pa lang itong kapitan sa military. Founder of the ENFORCERS ORGANIZATION. "Nagulat ka rin ba?" Natatawang tanong sa akin ni Andy. Napahilot naman ako sa aking batok. Kung miyembro ng ENFORCERS si President Lee noon, kalaban niya si Caden noon? Founder ng BLACK EAGLE si Caden Salvacion. "Isang katanungan sa isipan ko, bakit hanggang ngayon, hindi mahuli-huli ni President Lee si Caden Salvacion? And I heard that, hawak na ni Caden ang ENFORCERS," saad ko kay Andy. Umupo si Andya sa harap ko. Kahit ito nag-iisip rin. "Ibig sabihin, hindi ang organization na ito ang huma-hunting sa kan'ya," diin na saad ko. Napatingin naman si Andy sa akin. "Anong ibig mong sabihin?" aniya na nakakunot ang noo. "Maraming gustong pumatay at hulihin si Caden. Pero, walang ginawang aksyon si President Lee. Tanging nagpupursige na hulihin siya ay mga matataas na opisyal ng military at kapulisan. Kahit anong gawin nila, at kahit sino-sinong hitman o assassin's ang inuutusan na patayin, still buhay pa rin ito. May taong nagpoprotekta rito." "Bilib din ako sa mga katauhan nila. Imagine, kahit ang presidente, may baho rin," nakangising saad ni Andy. Tumayo naman ako at nagpaalam kay Andy na uuwi na. " Salamat, Andy." " Welcome." Hindi muna ako umuwi sa condo ko. Dumiretso ako sa mansion ni President Lee. Bumaba ako sa kotse ko at lumapit sa guwardiya. Full of securities ang bahay ni President. "Kaibigan po ako ni Gold Lee," nakangiting saad ko sa guwardiya. "Saglit lang, Ma'am. Tatawagan ko lang si Sir Ginto. Ano po ang pangalan niyo?" tanong ng isang guwardiya. "G." " Po?" Nakakunot ang kan'yang noo. Ngumiti naman ako. "Sabihin niyo na lang po na nandito ang kaibigan niyang si G. As in letter G." " Ah, sige po." Ilang minuto din ako naghintay at maya maya lang, lumabas si Gold na nakangisi ito. "Hey, my lady!" Aniya na kumindat pa ito sa akin. Inirapan ko naman ito. Lingid sa kaalaman ng lahat, si Gold ang isa sa mga doktor ko sa Germany noong na coma ako. Pero nilihim ni Gold sa lahat na buhay ako at itinago sa mga kaibigan niya ang tunay na pagkatao ko at ang tunay na Grace na hina-hunting nila noon ni Z. "Pasok ka. Anong atin? Kamusta ka na? Virgin ka pa rin ba? Sino nakauna sa'yo? Sana ako na lang," mga tanong niya na walang kuwenta. Sa inis ko, binatukan ko ito. "Ouch! Hoy, G! Anak ng presidente ang sinasaktan mo!" Tamad na tiningnan ko lang ito. "Nandiyan ba si President Lee?" "May appointment ka ba sa Daddy ko? You know, kailangan mo muna-." Agad ko naman ito tinutukan ng baril. " Wala akong panahon na makipagbiruan sa'yo, Ginto." " Holy Molly! Ibaba mo 'yan, G!" Nagkibitbalikat lang ako at tinago ulit ang baril sa aking baywang. "Kailangan ko makausap si President Lee," saad ko kay Gold. "Kung hindi lang kita…," aniya na kumindat na naman. "Miyembro ka pa rin ba ng NPA?" seryosong tanong ko kay Gold. Agad naman niya tinakpan ang aking bibig. "Damn! Ang bibig mo!" Gigil na saad niya sa akin. Napailing naman ako. Hindi ko alam kung bakit napasali si Ginto sa grupong iyon. "Dad? May naghahanap sa'yo," saad ni Gold at tinapik ako sa balikat at umalis din ito. Nakakunot naman ang noo ni President Lee. "Mr. President. I'm Grace Chua." "Anong kailangan mo, hija?" "Isa ako sa triplets ni Caden Salvacion." Nanlalaki naman ang kan'yang mga mata. "W-What?!" Naniningkit naman ang mga mata ko na lumapit rito. "B-Buhay kayo?!" Gulat na tanong niya. "Yes. Alive ang kicking!" Nakangising sagot ko naman. Ngayon malalaman ko na ang buong katotohanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD