"Mr. President. I'm Grace Chua."
"Anong kailangan mo, hija?"
"Isa ako sa triplets ni Caden Salvacion."
Nanlalaki naman ang kan'yang mga mata. "W-What?!"
Naniningkit naman ang mga mata ko na lumapit rito.
"B-Buhay kayo?!" Gulat na tanong niya.
"Yes. Alive and kicking," nakangising saad ko naman.
"Can i sit down?" nakangising tanong ko rito.
Tumango naman ito at itinuro ang upuan.
"How are you, Mr. President?"
"Good," maikling sagot niya.
Mahina naman akong napatawa. "So, bakit ka nga pala nagulat nang nalaman mo na isa ako sa mga anak ni Caden Salvacion?"
Mariin naman akong tiningnan ni President Lee.
"Marami pa akong gagawin, hija. Kung puwede, umalis ka na," diin na saad niya.
Napatayo naman ako. "May sasabihin ka pa sa akin, President. Alam kong may alam ka."
"Wala akong alam. Please, marami pa akong gagawin."
Lumapit ako dito at sinalubong ang kan'yang mga mata. Kahit may edad na ang presidente, nangingibabaw pa rin ang kagwapuhan niya.
Paano kung ibunyag ko ang lahat-lahat ng baho na tinatago mo," Nakangising saad ko rito.
Napabuntonghininga naman ito. "Tahimik na ang buhay ko. Masaya ako sa pamilya ko ngayon. Alam kong babalik na babalik kayo at maniningil. Tatanggapin ko ang parusa mo," malungkot na saad niya.
Nagbabaga ang mga mata ko na tinitigan ko ito. "Yes, President. Isa lang ang gusto ko na gagawin mo. Bumaba ka sa puwesto mo at aminin mo sa buong Pilipinas, na Ikaw ay isa sa mga…..-"
" Dad?"
Napaatras ako ng kaunti nang bumukas ang pinto at pumasok ang napakagandang dalaga.
"Daddy?"
"Gabby," saad ni Mr. President sa dalaga.
"Hi. Anong pangalan mo?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"Grace," tamad na sagot ko rito.
Hindi naman mapakali si Mr. President.
"Ah, Grace, pasensiya ka na, marami na akong bodyguards, and ayaw naman ni Gabby magkaroon ng bodyguard," saad sa akin ni Mr. President.
Tinaasan ko naman ito ng kilay. Magaling talaga magpalusot!
"Pasensiya na sa abala, Mr. President. And by the way, ang kasunduan pala natin. Alam mo naman kung hindi ka susunod," matamis ang ngiting binigay ko rito.
Hindi na ako nagpaalam sa mag-ama, agad na akong lumabas ng silid.
"G?"
Napairap naman ako dahil sa lakas ng pagtawag ni Gold.
"So, nakausap mo na si Dad?"
"Yeah. Humingi lang ako ng supply ng droga sa kan'ya," nakangising sagot ko naman.
"W-What?" Nakakunot naman ang noo ni Ginto sa akin.
Nagkibitbalikat lang ako at tinalikuran ito.
"Drug Lord si Daddy?"
Narinig ko pa ang sinabi ni Ginto.
Sa hospital na ulit ako dumiretso. Pagdating ko si Javier ang nakabantay kay Caden.
"G."
''how is he?" tanong ko rito.
"He is in good condition. Nagrerespond na ang gamot sa kan'yang katawan."
"Good. Babalik na muna ako sa Germany. May aayusin lang ako."
"Hindi pa maayos ang pamilya natin, aalis ka?" saad ni Javier.
"Pamilya niyo, hindi na ako kasali diyan. Don't worry, safe na si Caden, si Andy na ang bahala sa mga taong huma-hunting sa kan'ya."
Hindi naman umiimik si Javi. Napabuntonghininga naman ako at nilapitan ito.
"Kailangan ko muna mag-isip. Marami na ang nangyari. At Ayoko na pati ang lalaking mahal ko, mawawala pa sa akin."
Hinaplos naman ni Javi ang mukha ko. "Babalik ka pa dito, after maging okay na ang lahat sa Germany. Kalimutan na natin ang masalimuot na nangyari sa ating buhay. Magsimula ulit tayo. Kasama ang tunay na pamilya natin. Hindi ka magiging masaya, kapag may galit ka pa sa puso mo."
"Babalik na lang ako kapag okay na ako. For now, sarili ko muna ang uunahin ko," saad ko kay Javi at nginitiny ito. Lumapit naman ako lay Caden. Tanging ang tunog ng aparato ang naririnig namin sa loob ng silid.
"Hindi pa tayo tapos. Actually, marami ka pang kasalanan. Pero hangad ko naman na gumaling ka," mahinang saad ko rito. Hinaplos ko naman ang mukha niya. Parang hindi ito tumatanda. Napakaguwapo at matikas pa rin ito. Dahan-dahan bumaba ang ulo ko at hinalikan ito sa noo. "Babalik ako, Dad," bulong ko rito.
Humarap naman ako kay Javi. "Mag-ingat ka. Ikaw ngayon ang target ng ENFORCERS."
"Yeah, I know. Inaasikaso na ni Jenny at Z. Ikaw, ingatan mo rin ang sarili mo."
Niyakap ko ito ng mahigpit. "Kapag nagmamatigas pa rin si D. Ito ang sasabihin mo sa kan'ya," agad ko itong binulungan.
Nakangising tinitigan ko naman ang kapatid ko na nakatulala.
"T-Totoo ba?" aniya na namumutla pa ito.
"Yeah. Good luck, brother," nakangising saad ko rito at tinalikuran na ito.
Parang ang gaan ng pakiramdam ko. Pero kailangan ko muna kausapin ang babaeng nagluwal sa akin.
"Hi. Kausapin ko lang po si Liana," saad ko sa guwardiya.
"Ano po ang pangalan niyo, Ma'am?"
"Grace."
Agad naman tumawag sa telepono ang guwardiya. "Ma'am Grace, pasok na po kayo."
"Thanks."
Pangalawang beses na ako pumunta dito. Masasabi kong, sobrang yaman ng Salvacion.
"A-Anak?"
Lumapit si Liana sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Napahagulhol pa ito.
"I'm so sorry!"
Napapikit naman ako niyakap rin ito ng mahigpit. Tama si Javi. Dapat na namin kalimutan ang nangyari noon.
"M-Mom."
Lalo itong umiyak ng malakas.
"I-I'm so sorry, M-Mo-Mom," hindi ko rin napigilang humagulhol.
Halos ilang minuto kami sa ganoong posisyon. Nagyayakapan na parang wala ng bukas.
"A-Anak, k-kasalanan ko bakit napahiwalay kayo sa akin! Nagtiwala ako-."
Idinikit ko naman ang hintuturo ko sa bibig ni Mommy. "Not now, Mom. Pagbalik ko, saka natin pag-uusapan ito, kaharap si Daddy, okay?"
Tumango naman si Mommy. Hinalikan ko ito sa noo. "May aayusin lang po ako sa Germany. Babalik din po ako dito."
"A-Anong gagawin mo doon?" Nagtatakang tanong ni Mommy.
Ngumiti naman ako. "May susundan lang po ako at nandoon din po ang trabaho ko."
Malungkot naman ito nakatitig sa akin.
"Hihintayin ka namin. S-Sana babalik ka nga."
"I will."
Hindi pa ayos ang lahat, marami pa akong dapat ayusin sa pamilya namin. Inihabilin ko muna ang lahat Kay Andy. Bago ako pumunta sa Germany, binisita ko muna si Van. Nadudurog ang puso ko na nakikita ko siya nahihirapan. Kilala ko si Van, ala kong kakayanin niya ito. Nakikita ko naman, ang pag-aalaga sa kan'ya ni Kurt. Sabi ni Kurt, unti-unti bumabalik na rin ang lakas ni Van. After ko bisitahin si Van, dumaan muna ako sa puntod ng kapatid kong si Grace.
"You know what, kasama sana kita kung hindi ka lang naligaw ng landas. Siguro nga, nabulag ka sa pera," mahinang saad ko habang inaayos ang kandila na sinindihan ko.
Hindi ko lang alam kung alam ni Dad Caden na patay na si Gretta.
"Siguro masaya ka na diyan. Kasama mo na si Mommy Amy," pilit akong ngumiti.
Naging mabuting ina naman si Mommy Amy sa amin. Mahal na mahal niya kami ni Gretta.
Huminga naman ako ng malalim. "I missed you, Gretta. And I'm sorry kung may pagkukulang man ako."
Naglinis muna ako sa palibot ng lapida ng kapatid ko bago ako umalis. Pagdating ko sa bahay agad na ako gumayak. Mamaya na ang flight ko.
Sa tagal-tagal ng oras ng biyahe ko, halos hindi ko na maigalaw ang katawan ko sa sobrang pagod. Hindi muna ako pumunta kay Tyler. Sa condo ko muna ako dumiretso. Bukas na lang ako pupunta sa fiance ko at kailangan ko muna magpahinga.
KINABUKASAN, maaga akong gumising at gumayak papunta sa bahay nila Tyler. Buti na lang, iniwan ni Van ang kotse ko dito. Medyo malayo ang subdivision nila Tyler sa akin.
Masasabi kong napakayaman ng mga Geller sa Germany. Of course, ang Daddy nila Dos, ay tanyag na negosyante dito. Itinigil ko mismo ang kotse ko sa tapat ng mansion ni Tyler.
Bumaba ako at lumapit sa guwardiya.
"Hallo," bati ko sa guwardiya.
Tumango lang ito sa akin.
"Call your boss that Grace Chua is here," utos ko rito.
Nakakunot naman ang noo ng guwardiya.
Maya maya lang may kausap na ito sa telepono.
"Come with me, Ma'am," saad ng guwardiya sa akin.
Sumunod naman ako rito. Pagkapasok namin sa loob ng mansion, nakatayo ang boyfriend ko at nakakunot ang kan'yang noo.
"Love," agad ako lumapit rito at niyakap ito ng mahigpit. "I'm so sorry kung ngayon lang ako. May inayos lang a-."
Hindi ko pa natapos ang sinasabi ko agad naman kinalas ni Tyler ang kamay ko na nakapulupot sa kan'yang katawan.
"It's over," aniya na ikinagulat ko.
"What?" Natatawang saad ko naman.
"Ayoko na.I Told you before na ayoko na maghintay ng matagal, and you promise me too na susunod ka."
Napanganga naman ako. Diretsong tiningnan ko ito sa mga mata.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Walang kasal na magaganap," aniya na parang bomba na sumabog sa aking pandinig.
"S-Seriously, Tyler?!" Galit na saad ko rito.
" Yes, I'm serious. Puwede ka na bumalik sa Military, at wala ng pipigil sa'yo, Grace. Masaya na ako ngayon."
" Honey?"
Napatingin naman ako sa likuran ng fiance ko. Kilala ko ang babaeng ito. Isa itong international model na kasamahan ni Rhenz Bright.
"Siya ba?" tanong ko kay Tyler.
"Yes."
Tumango naman ako. Mapakla naman akong tumawa.
"Alam mo. You're f*****g asshole! Sana hindi ka na pumasok sa buhay ko. Eh 'di sana ang putang-ina mo, hindi ako nasaktan ng ganito. But anyway, salamat sa lahat," agad ko na itong tinalikuran.
"G-Grace?"
Humarap ulit ako rito.
"Go to hell, bastard!" Nakangising saad ko naman.
I don't beg.
Kung ayaw niya sa akin. I don't care!