PROLOGUE
"Manang, ako na ang maghahatid ng pagkain sa kaniya." Rinig ko ang baritono niyang boses mula sa labas ng kwartong pinagkukulungan sa akin.
Niyakap ko ang sarili sa gilid ng kama at nanatiling tahimik. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok siya.
He was still wearing his business attire, a blue long sleeve folded up to his elbows and black pants that emphasized his long legs. Mukhang kakauwi niya lang galing sa trabaho.
Fiel was handsome and had a well-built body. Ang magaganda niyang mata ang minsan kong kinahumalingan sa kaniya.
"Lena..." malambing niyang tawag sa pangalan ko.
Inilapag niya sa bedside table ang tray na may lamang pagkain bago umupo sa kama. "Kumain ka na."
Umiling ako at lalo pang sumiksik sa gilid. "Ayaw ko."
Bumuga siya ng malalim na buntong-hininga at gumapang palapit sa akin. "Kumain ka na," pag-uulit niya.
"Fiel, parang awa mo na, palabasin mo na ako rito. Gusto ko nang umuwi sa amin-"
"No." Matigas ang pagtutol niya.
Umayos siya ng upo at marahas akong hinila palapit sa kaniya. "Hindi ka makakalabas ng kwartong ito, Lena. Dito ka lang."
Napaigik ako nang mas higpitan niya ang hawak sa braso ko. "N-nasasaktan ako," daing ko.
Natauhan siya at bumaba ang tingin sa namumulang braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Agad niya akong binitawan. "I'm sorry."
"Kumain ka na. Sabi ni Manang, hindi mo rin kinain ang pagkaing dinala niya kanina." Mabilis na napalitan ng pag-aalala ang galit sa boses niya.
"Please, palabasin mo na ako." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.
"Saan ka pupunta?" malamig niyang tanong. "Babalikan mo ang lalaking iyon, huh, Lena?"
"Please-"
"No. Dito ang bahay mo at ako ang asawa mo, kaya dito ka lang sa tabi ko."
Binaon niya ang mukha sa leeg ko at nag-iwan ng mumunting halik na nagpanginig sa dugo ko habang ang kamay niya ay gumagala pataas hanggang sa makapasok sa pang-itaas ko.
Marahan niyang hinaplos ang dibdib ko.
"Hmmm..." kinagat ko ang ibabang labi nang may mahinang ungol na kumawala sa bibig ko.
Hindi siya huminto. Sa halip, lalo pang naging agresibo ang paghimas ng kamay niya. Ang kaninang maliliit na halik ay isa-isang nag-iiwan ng marka sa leeg ko.
"You moan," bulong niya, kasabay ng mainit niyang hininga sa tenga ko.
He knows where my weak spot is.
"F-Fiel... please..."
"What?"
Hindi ako sumagot. Kailangan kong mag-isip nang maayos at huwag magpadala sa init ng katawan.
Kailangan kong makauwi.
Kailangan ko nang umuwi dahil siguradong hinahanap na nila ako.
Marahan kong inilayo ang katawan ko sa kaniya. "A-ano ba ang dapat kong gawin para hayaan mo akong umalis? I-I'll do everything... Hayaan mo lang akong umuwi sa amin."
Sandali siyang napatitig sa akin. "You're so desperate to leave me."
Napaiwas ako ng tingin.
"I'll do everything..." pagmamakaawa ko.
"Really?"
Tumango ako.
"Be with me." Napalunok ako.
"Be my wife again, Lena."