“ Ynoeh! gumising ka na diyan at may pasok ka pa! ” katok ni nanay linda sa aking kuwarto.
“ Naka bangon na po. ” sabi ko at nag ayos na ng aking higaan para maka ligo na.
Pagkatapos kong maligo ay hinanda ko na ang aking bag at lumabas na ng kuwarto.
“ Anong oras ka na naman natulog ha? tignan mo pasado alasingko na tapos mag lalakad ka pa. ” sermon ni nanay sakin habang nag hahanda ng almusal ko na tinapay at gatas.
“ Gumawa po kasi ako ng takdang aralin kaya po napuyat ako, huwag na po kayong magalit. ” sabi ko ng malumanay at kumain na.
Pagkatapos mag sermon ng aking nanay ay kumain na kami at hinatid na niya ako sa labas, pinasakay na niya ako ng tricycle dahil mahuhuli na ako sa klase.
“ Ano ba yan! mahuhuli na ako sa klase dapat pala hindi ako masyadong nag puyat, hindi ko tuloy nasulatan si fgm. ” sabi ko sa sarili ko habang nandito sa tricycle.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nandito na rin ako sa paaralan at sakto malapit na mag simula ang flag ceremony kaya agad-agad akong tumakbo papunta sa pila namin at nakita ko ang aking not-so-friend na si Rhokia.
Si Rhokia ay isa sa mga una kong nakilala noong tumungtong ako ng high school kaya naman naging medyo malapit ang loob ko sa kaniya dahil parehong kinuha ang pangalan namin sa bleach na palabas, parang anime siya ganun kaya ko siya tinawag na not-so-friend ay dahil minsan kapag wala sa mood yan hindi niya ako kilala at kapag nasa mood naman siya para siyang tuko kung makakapit sa akin, may sapak kasi yang babae na yan.
“ Hoy Ynoeh! bakit late ka? ” bungad na tanong niya sa akin.
“ Napuyat lang naman ako sa takdang aralin naten, haynako nakaka stress. ” sabi ko sa kaniya.
“ Buti naka-abot ka dahil kung hindi malalagot ka kay bakla, alam mo naman yun bakla sa paningin mo pero kung maka sigaw lalaking-lalaki. ” sabi niya sa akin.
“ Alam ko buti na nga lang at pinag tricycle na ako ni nanay dahil kung hindi malamang sobrang late ko na sa paglalakad pa lang. ” sabi ko at nag simula na ang flag ceremony.
Nandito na kami ngayun sa aming classroom at nag a-attendance na ang aming president sa klase habang kami ni Rhokia ay nag kukwentuhan tungkol kay fgm.
“ Kamusta naman si fgm? may balita na ba? ” tanong niya sa akin.
“ Haynako kia, ewan ko ba bakit naniniwala pa tayo kay nanay mukhang hindi naman totoo yang si fgm. ” sabi ko sa kaniya.
“ Hindi totoo pero sinusulatan mo pa rin, alam mo ikaw ang ewan sa atin. ” sabi niya at tinarayan ako, oh diba napaka maldita.
Habang nag tuturo ang teacher namen sa harapan kinuha ko yung notebook ko kung saan nag susulat ako kay fgm dahil nakaka boring mag turo ang math teacher namin mag susulat nalang muna ako kay fgm para mamaya hindi na ako mag sulat dahil marami pa akong gagawin pag ka-uwian.
“ Dear Fairy Godmother,
Sorry po kung medyo napa aga ang pag susulat ko sa inyo, nakaka boring po kasi mag turo yung math teacher namin hays kasi naman na-ituro na niya iyon kahapon tapos ngayun ay inuulit ulit para daw sa mga absent, so paano naman kaming mga present kahapon? kami ang mag a-adjust?!
So anyways, fgm dalawang taon higit nalang po ay mag kokolehiyo na ako at hanggang ngayun hindi pa sapat ang kinikita kong pera para makapag kolehiyo bakit naman kasi may tuiton pa ang pag kokolehiyo na-istress tuloy ako, sana matulungan niyo ako sa kolehiyo at sa parating na taon pa dahil habang tumatagal eeh tumataas naman ang demanding ng mga teacher sa mga proyekto at mga kailangan bilhin , nasasagad na po ang perang naipon ko at baka wala na po akong pang tustos sa sarili ko. Ang choosy nyo naman po kasi eeh hindi pa po kayo nag papakita kung totoo man kayo pero kahit choosy ka po di ako mag sasawa na mag sulat sa inyo. bye! ”
Saktong pagkatapos ko mag sulat kay fgm ay natapos na rin ang klase namin sa math kaya naman ay paparating na ang sunod naming teacher habang itong si rhokia nakikipag daldalan sa katabi niyang lalaki at mukhang nag haharutan pa.
“ Hoy kia! kapag ikaw nakita na naman ng jowa niyan lagot ka na naman ” sabi ko sa kaniya dahil noong isang araw ay nakita siya ng jowa nung katabi niya at sinugod siya pero dahil mataray at matapang itong si kia eeh lumaban hayun nag sambunutan sila at dahil mababait kaming estudyante walang umawat tsaka lang may umawat noong may parating ng teacher ohh diba? mahirap kasi kapag umawat ka dahil madadamay ka sa away nila, madami pa namang alipores yung babaeng sumugod kay kia.
” Hayaan mo siya! maingit siya. ” sabi niya at pinag patuloy niya lang ang pakikipag harutan eti namang lalaki kahit may jowa na eeh nakikipag harutan pa rin sa iba hindi nalang umiwas.
Natapos na ang mahabang pag tuturo at nakikinig lang ako hindi ko na pinansin si kia, pagkatapos ng lesson ay bumaba na kaming lahat para makapag recess at habang pababa kami ni kia ay nakasalubong namin ang jowa noong si clark at ang kaniyang alipores haynako away na naman.
“Haynako kia eto na naman tayo, oh siya pano ba yan? una na ako babye! ” paalam ko sa kaniya at umiwas na sa away. Tuwing mag aaway sila eeh umaalis agad ako dahil sabi ni kia kapag ganun daw ay umalis nalang ako para hindi ako madamay kaya ayan sinunod ko lang siya.
Pumunta na ako ng canteen para kumain at nang maaga maka uwi dahil pag tapos namin mag recess ay uwian na namin, habang kumakain ako nakita ko si kia na palapit na dito sa lamesang kinakainan ko at take note naka taas noo pa siyang nag lalakad.
“ Kamusta naman ang pakikipag away mo? ” tanong ko sa kaniya at inalok ang upuan na katabi ko.
“ Hayun napagod na ata kaya nakipag hiwalay na rin sa jowa niya. ” sabi niya at kumain na siya.
“ Ngayung hiwalay na sila ano na ang gagawin mo kay clark? ” tanong ko sa kaniya.
“ Edi hindi ko na siya kakausapin at haharutin ganun lang yun. ” simpleng sagot niya, hindi ko pa pala nasasabi na kapag nakikipag harutan yan sa may jowa eh tatantanan niya lang yan kapag hiwalay na yung mag jowa diba? napaka bait niya sobra buti nalang at hindi niya ako nahahawaan sa ugali niya.
“ Nga pala noeh, pupunta ako mamaya sa inyo bibili ako ng meryenda, ano pala ang lulutuin mong meryenda pag uwi? ” tanong niya sa akin.
“ Ginataang mais tapos mag luluto din ako ng banana que, kamote que at mga tinapay. ” sabi ko sa kaniya.
“ Hindi ka mag susulat kay fgm? ” tanong niya sa akin.
“Busy ka kasi makipag landian kaya naman hindi mo nakita na nag susulat na ako kay fgm. ” sabi ko sa kaniya.
Nag lakad na kami pa uwi at humiwalay na siya sa akin dahil magka-iba kami ng street.
Pagka-uwi ko ay nag bihis agad ako pang bahay at sinimulan ko na mag luto, tinulungan ako ni nanay na mag balat ng saging dahil wala naman daw siyang gagawin.
“Ynoeh! isang ginataang mais nga pati dalawang banana que. ” sigaw ni kia kaya agad akong lumabas bitbit ang huling niluluto ko.
“ Sandali lang ” sabi ko sa kaniya at pinag balot ko na siya.
“ Sabihan mo ang mama mo may ginataang mais ngayun. ” sabi ko sa kaniya at inabot ang binili niya.
“ Sige. mag kano ito? ” tanong niya at nag bibilang ng pera.
“ sampung piso sa ginataan at banna que bale trenta lahat. ” sabi ko sa kaniya at inabot sakin ang saktong bayad.
Naging busy ako sa pag titinda dahil marami ang nabili, madali din naubos ang ginataang mais pati na ang banana que kaya naman ay nag liligpit na ako at makapag hugas na.
“ Ubos na paninda mo? ” tanong sa akin ni nanay.
“ Oho, ito po ginataang mais para sa inyo. ” sabi ko at nilagay sa lalagyan ang ginataang mais.
“ Salamat, mag hugas ka na at mag pahinga. ” sabi niya sa akin at kumain na ng meryenda.
Pagkatapos ng mahabang araw ay natulog na ako ng maaga para gumising bukas dahil mag lalaba pa ako ng damit namin ni nanay at mag titinda ako ng almusal bukas..
Goodnight everyone!