CHAPTER 2

1135 Words
“ Dear Fairy Godmother, Nandito na naman po ako para mag sulat sa inyo pero bago ang lahat magandang umaga po! hehehe ewan ko ba bakit patuloy akong nag susulat sa inyo eeh hindi ka naman totoo pero minsan iniisip ko na sana totoo ka at tutuparin lahat ng hiling ko yung tipong ibibigay mo yung fairytale sa buhay ko hays. Alam ko pong totoo ka at kung totoo ka man po, alam kong pagod kana kakabasa ng mga sulat ko sa dami ng na-isulat ko sa inyo, pasensya na po kayo lang naman ang takbuhan ko sa tuwing nangungulila ako at sa tuwing kailangan ko ng kausap. Sana balang araw matupad lahat ng isinulat ko sa inyo, nakakapagod po kaya mag sulat ng mag sulat sa inyo pero wala naman nangyayare hehehe joke lang po never po akong mapapagod na mag sulat para sa inyo .... ” Panibagong araw na naman at heto ako ngayun sa maliit kong kuwarto na inuupahan, nag susulat na naman ako kay fgm in short fairy godmother, marami akong hiling na gustong matupad kaso hindi ko nga alam kung totoo ba ang fairytale dahil sa panahon siguro ngayun walang maniniwala na may fairytale nga maliban nalang kung gagawa ka ng sarili mong fairytale sa buhay mo. Bago ang lahat gusto ko munang mag pakilala sa inyo, Ako nga pala si Ynoeh Drein 17 years old nakatira sa #172 Maliit Street (literal na maliit dahil pati ang bahay maliliit pang mahirap po talaga hehehe) isa akong independent woman (pero may kasama pa rin ako sa aking buhay yun ay si nanay linda ) since 15 years old ako, simula noong namatay ang aking mga magulang sa isang aksidente na para sa akin ay hindi aksidente, bakit ko na sabi na ganun? ganito kasi yan.... ** Masaya kaming pamilya kahit na mahirap lang kami ang tatay ko ay nag lalako ng taho at ang nanay ko naman ay nag titinda ng isda, kahit kailan hindi ko ikinahiya ang trabaho ng aking mga magulang kahit na binubully na ako ng mga classmate ko dati sa elementary at high school hindi ako nag patalo sa mga tukso nila dahil kung mag papatalo ako kawawa lang ako tsaka wala akong dapat na ikahiya dahil marangya ang trabaho ng aking mga magulang hindi sila nag nanakaw o ano pa man para lanh mabuhay kami hanggang sa isang araw napaka tumal ng tinda ng aking tatay at nanay kaya naman minsan nag uuwi sila ng 100 pesos at ipinag kakasya namin yun sa dalawang araw minsa'y nag babaon na lamang ako ng kanin at isang pirasong nilagang itlog para lang may baon ako, masuwerte pa ako noon at may baon pa ako kaso hindi na kami nakakabayad sa inuupahan naming bahay at pati na rin ang ilaw at kuryente kaya naman nagagalit ang dragona ang may ari ng bahay laging minumura ang magulang ko ng dragona na iyon dahil sa wala kaming pambayad at pinaki-uusapan naman ng tatay ko at ang laging sinasabi lang ng dragona eeh isusumpa nya daw kami at baka sunugin niya pa ang mismong bahay niya na tinutuluyan namen dahil nga wala kaming pambyad. Dumating ang araw na kinatatakutan namen yun ay ang mapalayas pero bago pa kami palayasin ng dragona ay nag abot ang aking tatay sa pambayad ng bahay 500 pesos nga lang kaya naman nag wawala na naman siya at bigla na lang umalis akala namen ay hinayaan na niya dahil wala naman siyang magagawa hanggang sa sumapit ang gabi, mahimbing kaming natutulog at nagising na lang ako sa makapal na usok at ginising ko ang aking mga magulang hayun nasusunog na ang bahay na tinitirahan namen, sobrang kapal na ng usok at wala ng malabasan ako naman ay umiiyak na sa takot gayun din ang aking nanay pero hindi siya nag padala sa takot dahil gumawa ng paraan ang aking tatay para makalabas ako, sabahay namen may isang bintana na kasya ang tao at doon ako pinadaan ng tatay ko pag labas ko mayroon ng mga rescue at nirerescue na ako pero bago pa ma-irescue ang magulang ko bigla nalang umapoy ang daan kung saan ako lumusot at sa kasamaang palad namatay ang magulang ko, sobra ang iyak ko noon dahil bukod sa wala na akong magulang eeh wala pa ako matitirahan at malalapitan, sa gilid ng aking mata nakita ko ang dragona na naka ngiti sa aken kaya naman alam kong siya ang may pakana .... Pagkatapos ng aksidenteng iyon may mga nag bigay ng tulong sa akin, binigyan ako ng maliliit na halagang pera at doon ko sinimulan ang takbo ng buhay ko. Ang pera na na-ipon ko sa burol ng magulang ko ay nangupahan ako ng kuwarto sa halagang 300 pesos masuwerte ako at mabait ang may ari ng bahay at nag iisa lang naman kasi siya sa bahay at mayroong dalawang kuwarto, bumili din ako ng damit ko sa ukay ukay dahil nga nasunog din ang mga damit ko, sa pag kain naman ay masuwerte ako dahil si nanay linda ang nag papakain sa akin siya yung sinasabi ko na may ari ng bahay, siya ang nag papakain sa akin at tinulungan ako maka bangon sa bangungot na nangyare saken. Tinuring kong sarili kong nanay si nanay linda at sinabi ko sa kanya na balang araw makakabawi din ako sa kanya hanggang sa nag 16 years old ako tumuloy pa rin ako sa pag aaral at suma-side line sa school nag bebenta ako ng pastillas, yema, banana que at kamote que buti na nga lang at mabait ang principal at mga teacher sa school na pinapasukan ko, lagi nilang inuubos ang paninda ko kaya naman nakakabili ako ng pa konti-konting pag kain na delata, damit, mga ititinda ko pa at nakakabayad sa bahay na inupahan ko kahit na sinabi sakin ni nanay linda na huwag ng bayaran pero binayadan ko pa din. Ako ay grade 10 student sa isang pang publikong paaralan at kasalukuyang nag titinda ng meryenda sa hapon dito sa tapat ng bahay. Ngayon alam nyo na ang pait na dinaras ko noon pero ngayon laking pasalamat ko sa taong tumulong sa akin na umangat yun ay si nanay linda, si nanay linda ay 58 years old na at mag senior na sya kaya naman lagi ko siyang inaalalayan sa mga bagay-bagay at tinutulungan sa gawaing bahay total kaming dalawa lang naman dito sa bahay. hindi ako nag kukwento kay nanay ng mga daing ko at kahit pa kailangan ko ng kausap kase baka ma-stress si nanay kaya naman nag simula akong mag sulat kay fairy godmother dahil ang kuwento ni nanay linda totoo daw ang fairy godmother at sulatan mo lang sila ng sulatan tungkol sa buhay mo, kaya eto ako ngayon, nag susulat at nag aantay kay fairy godmother. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD