"Are you sure you're going to the Philippines?" my father ask.
Hinahanda ko na ang mga gamit ko patungo sa pilipinas. 22 years old naman na ako kaya alam ko na ang mamuhay na hindi kasama ang mga magulang. Hindi naman din sila pwedeng sumama sa akin dahil hindi pwede silang umalis na basta-basta dito sa greece. Marami silang ginagawa dito pero dahil ako lang ang kaisa-isa nilang anak ay sinusuportahan nila ako.
"Don't worry about me dad. Besides, I know how to speak tagalog at alam kong ikaw din. Nandon naman si Apollo alam kong hindi ako papabayaan non," nakangiting sabi ko.
"Eísai tóso athóos," sagot ni daddy para mapanguso ako. Ang sabi niya kasi ay napaka-inosente ko pa. Kasalanan ko ba?
Hindi ko naman din kasalanan kung inosente ako, ito ang unang araw na makakalabas ako sa tahanan namin. Ito ang una na masisilayan ko ang labas ng greece. Ito din ang una na makakalabas ako at tutungo agad sa pilipinas. Matagal akong naabando dito sa bahay namin, halos dito na nga ako nag-aaral. Home study. Lahat nga ng libro dito halos nabasa at kabisado ko na, pinaulit-ulit ko na nga lang dahil wala na akong ibang mabasa. Hindi iyon mga love story or romantic, dahil lahat ng iyon ay tungkol sa mga greece at sa mga nunu-nunuan namin. Pero yung iba naman doon ay tungkol sa mga medication at sa mga kagamitan ng hospital kung paano ginagamit o para saan ginagamit. Gusto ko ngang mag-doctor eh.
Perfect. I want to be a doctor.
Sa home study ko ay hindi lahat ay itinuturo niya, tinuturuan niya lang ako kung paano umakto at maging magalang sa mga bisita. Dahil sa sinabi ko sa daddy ko pati kay mommy ay gusto kong mag home school study, ayoko ng home study na about sa mga tradition dito sa greece namin. Kaya talaga ako naging inosente dahil hindi man lang ako nilang magawang dalhin sa mga malalaking school dito.
Ang dami kong hindi alam sa mga bagay-bagay. Masyado pa daw hilaw ang pag-iisip ko kaya napaisip ako, kailan pa naging hilaw ang pag-iisip ng isang tao?
"Ano naman ang alam mo sa mga bagay-bagay na nandoon sa pilipinas Amethyst?" dagdag pa ni daddy.
My father name is Amynkor Constantine Sul and my mother name is Reina Violet Sul. Dapat ang tinatawag ko kay daddy ay Megaleiótate at hindi daddy lang. Dahil nakakawalang galang daw iyon. Ganun din dapat kay mommy kaso mas gusto daw nila na tawagin ko silang mommy at daddy. Pero kapag may malalaking bisita dito galing sa mga iba't-ibang bansa ay tinatawag ko silang Megaleiótate.
"Kailan pa naging bagay-bagay ang pilipinas daddy?" Inosenteng tanong ko.
"I mean hindi mo alam ang mga lugar doon."
"Katulad nga po ng sinasabi ko ay nandoon si Apollo."
"Busy ang pinsan mo pinanghahawakan niyang company. And for sure ulila pa iyon sa kapatid niyang si Artemis."
Natigilan ako sa sinabi ni daddy. Si Artemis ay kapatid ni Apollo na namatay sa brain cancer. I was 16 that time and she was 19 when she died. Unang beses lang niya akong binisita dito when i was 10 years old, pero nagtagal din naman sila dito sa greece ng mga 1 year and months with Apollo kasama ang kanilang family. Pero wala nang sumunod pa. Sila lang ni Apollo at Artemis ang pinakaclose ko sa lahat ng mga pinsan ko. Dahil yung ibang mga cousin ko ay talagang inabuso ang kanilang katayuan. Pfft.
Pero hindi pa din talaga ako makapaniwala na namatay si Artemis. Sobrang sakit din para sa akin dahil nakakabigla. Nalaman ko lang iyon kay daddy at mommy pero hindi namin magawang pumunta sa pilipinas upang makiramay dahil nga dito sa greece.
"Oh natigilan ka?"
Tumingin ako kay daddy. "Naisip ko lang po si Artemis."
"Sorry."
"Wag po kayong humingi ng pasensya daddy dahil wala naman po kayong ginawang kasalanan."
Dahil sa sinabi ko ay lumapit sa akin si daddy at niyakap ako. "Just take care of yourself my daughter. Papayagan kita na tumungo sa pilipinas."
"Thank you daddy."
"Group hugged? Can i join?"
Napatingin kami kay mommy na kasalukuyan na may nakasunod sa kanyang apat na babae. Iyon ang mga katulong niya.
"Sige po mommy," nakangiting sagot ko at nagyakap kaming tatlo.
"We will miss you my daughter."
"Thank you mom."
Dumating ang araw na pinakahihintay ko ay nakarating na ako dito sa airport. Ang sabi din ni daddy sa akin ay may susundo daw sa akin na kotse dito na may simbolo na nakalagay sa pinakaharap ng kotse. Alam ko na ang simbolo na sinasabi niya pero bakit kailangan pang gawin yon? Ayoko maging high-profile dito sa pinas.
"Kayo po ba ang susundo sa akin?" tanong ko at yuyuko sana siya upang magbigay galang ngunit pinigilan ko siya. "N-No don't. Wag na po kuya ayokong maging high-profile."
"P-Pero baka magalit sa akin ang-" pinutol ko ang sasabihin niya.
"Mabait si daddy," sabi ko sabay kindat. Nilagay ni kuya ang mga gamit ko sa compartment. Dadalhin niya na ako sa bahay na binili ni daddy para sa akin. Sabi ko nga sa condo na lang ako tutuloy pero ayaw niya. Kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag.
Iyon na lang ang pagbilog ng mata ko dahil sa malaking globo na gawa sa bakal na nandito. Hindi ko tuloy napigilan ang magtanong.
"Kuya bakit may malaking globo na nakatayo dyan?"
"Ayan po ang simbolo ng MOA."
"MOA?" kunot noong tanong ko.
"Mall Of Asia po ang ibig sabihin. Ang pinakamalaking mall sa pilipinas."
Dahil sa sagot ni kuya ay bigla akong nahumaling. Napangiti ako sa naisip ko.
"Kuya gusto kong pumasok sa loob ng MOA," nakangiting sabi ko.
"H-Ha? Pero Ms. Amethyst baka mapagalitan ako ng daddy mo."
"Hindi naman niya malalaman dahil na sa greece siya."
"Baka po may tagabantay kayo."
"Edi mas maganda. Dahil alam nila na nage-enjoy ako."
"Pero-"
"Secret lang natin," ani ko sabay kindat. Wala siyang nagawa kundi ang tumungo sa parking lot upang iparada doon ang sasakyan namin. Akma sana niya akong sasamahan pero sabi ko ay wag na. Ang sagot naman niya ay masyado daw malaki ang MOA dahil baka maligaw daw ako. Pero sa huli ay wala siyang nagawa.
Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil sa ganda nang paligid na nakikita. Sa itsura pa lang ng MOA ay para akong na sa ibang bansa.
"Ang ganda!" nakangiting sabi ko.
"Miss?" may pumigil sa aking babae.
"Bakit po?"
"Baka gusto n'yo pong bumili ng milk tea namin? Mura lang po siya dahil kakabukas pa lang ng shop namin," nakangiting sabi niya. Tinignan ko ang loob ng shop at may iba't-ibang inumin na naka-display doon. Para tuloy akong nauhaw.
"Sige po," nakangiting sagot ko. Pinili ko ang pinakamalaking inumin na milk tea. "Bubble milk tea? Ngayon lang ako nakainom ng ganito sa tanang buhay ko."
Ngayon ko nga lang din ata matitikman ang mga luto ng pilipinas. Hindi na tuloy ako makapaghintay na kainin ang mga hindi ko pa nakakain dito.
"Hala? May malaking ferris wheel," humahanga na sabi ko. Hinanap ko ang daan pababa doon. At napatingin pa muli ako sa gilid, may sea side din na nandito at may mga iba't-ibang rides. "Ang ganda? Pero bakit ang kaunti lang ang mga tao na nandito?"
Nakababa na ako sa escalator at tumungo sa sea side. May mga maraming malalaking bato at may mga taong nakaupo. Gusto kong umupo din kaya pumatong din ako sa patag na bato.
Nang makatungtong na ako ay bigla na akong umupo na hindi man lang nagawang pansinin ang lalaking nakatabi ko. Ang ganda at malaki ang dagat. May maliit ba na dagat?
Napatingala ako at biglang nanlaki ang mata ko. "Hala? Ang ganda ng kalangitan."
Kulay purple iyon na nahahaluan ng orange pero mas nangingibabaw ang kulay ube ng kalangitan. "Ang ganda."
"Amethyst gives a relationship that over time, transcends the carnal union and gives way to deeper connection and a more soulful communion," hindi ko inaasahan na magsasalita ang lalaki na katabi ko.
Amethyst? Pangalan ko iyon ah. Hala? Hindi ako nag-iingat. Paano niya ako nakilala? Ayokong maging high-profile!
"Paano mo ako nakilala? Stalker ba kita? Siguro matagal mo na akong sinusundan no?" sunod-sunod na tanong ko at napatingin sa akin ang lalaki. Bakit ang gwapo niya? "Hala? Manghuhula ka ba? Paano mo nakilala ang pangalan ko? Siguro isa ka sa mga kawal namin no? Wag mo akong isusumbong kay daddy please?"
Kinakabahan ako baka magsumbong ang kawal na ito kay daddy. Waaah! No. Ayokong bumalik sa greece.
"What the f**k are you saying?"
"Hala? Ayoko ng mga bad words kaya wag mo nang uulitin yan," duro ko sa bibig niya.
"I don't know what you are f*****g saying," dahil sa sinabi niya ay malakas kong hinampas ang gilid ng braso niya. "Damn dude? What was that for?"
"Hala? Nasaktan ka ba?" gulat na anas ko at sinamaan niya ko ng tingin. "K-Kasi naman ayoko ng mga bad words."
"Mas ayoko sayo."
Nanlaki ang mata ko. "Mukha ba akong bad words para ayawan mo ako?"
Agad na kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. "What the fu-"
Agad ko naman nilagay ang hintuturo ko sa labi niya. "Hep! I said don't say bad words."
Nanatili lang ang daliri ko sa malalambot niyang labi. Idagdag mo pa yung mga titig niyang parang tumatagos sa kaluluwa ko. Nang makaramdam na ako ng kaba ay bigla kong inalis ang daliri ko sa labi niya.
Nagalit ba siya dahil nilagay ko ang daliri ko sa labi niya?
"Who the—I mean... who are you? What's your name?" hindi ko inaasahan na itatanong niya sa akin ang pangalan ko.
Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba alam mo na ang pangalan ko? Binanggit mo pa kanina."
"Which one? Yung pagmumura ko?"
Napanguso ako. "Mukha bang bad words ang Amethyst?"
"Oh. So that's your name?"
"Oo," tangong sabi ko at humigop ng milk tea. "Ikaw? Anong pangalan mo?"
"Why are you interested?"
"Para kwits na tayo dahil alam mo na ang pangalan ko," nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kaulapan. Ang ganda talaga.
"Yuhence. My name is Yuhence."
"Nice name."
Pansin ko din sa gilid ng mata ko na nakatitig siya sa akin. Hindi ko na lang pinansin pero naiilang ako. Baka may dumi ako sa mukha? Hala? Baka nga! Kaya dali-dali kong itinagilid ang mukha ko at pansimpleng hinawakan ang pisngi ko.
"What the f**k are you doing?" tanong niya para muli akong mapatingin sa kanya ng masama. "S-Sorry."
"Ano... kasi. B-Baka kasi may dumi ang mukha ko kaya mo tinititigan," nauutal na ani ko.
"No. You look so familiar."
"Hala?"
"Hala?" panggagaya niya sa sinabi ko pati sa boses ko. "Never mind."
Baka isa nga siyang kawal sa amin sa greece? Hala? Ayokong maging high-profile!
"Hoy kawal... wag mo sasabihin kung ano ako ah?"
"What the? I'm not your soldier."
"Hala? Eh ano ka?" gulat na anas ko.
"I'm your baby."
Natigilan ako sa sinabi niya. Kailan ko pa siya naging anak?
"Hindi ako ang nanay mo," iling na sabi ko sabay higop ng inumin.
"Ano ba yang mga sinasagot mo?"
"Hala? Eh totoo naman hindi mo ako nanay. Kaya paano kita naging baby?"
Napasapo siya ng kanyang noo na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Mali ba ako ng sinabi? Totoo naman kasi.
"You're such a innocent girl. Soft lady."
"Eh?"
"How old are you?" nakatingin na tanong niya sa akin.
"A-Am... 22."
"22? Same age," tango na ani niya.
Hindi ako sumagot dahil tinignan ko muli ang kaulapan na napalitan na ng dilim. Tumingin ako sa wrist watch ko. Alas-siyete na ng gabi. Pero gusto ko pa manatili dito.
"Why are you here by the way?" muling tanong sa akin ni Yuhence.
"Namamasyal lang ako."
"Sa ganyang paraan ka namamasyal?"
Naguluhan ako sa sinabi niya. Anong sa ganyan?
"Hala? Paano ba mamasyal?"
"Aissh! Namamasyal ka pero bakit nakaupo ka dito? May namamasyal bang nakaupo?"
"H-Hindi ko alam. Nasubukan mo nang mamasyal na nakaupo?"
"Damn dude?"
Sinamaan ko na naman siya ng tingin. "Bakit ba ang hilig ninyong magmura? Sa tingin mo ba cool? Hindi. Ang bastos."
"S-Sorry hindi ko lang maiwasan."
"Bakit nga pala nandito ka din?" tanong ko din sa kanya.
"Nothing... i just want to be alone."
"Ha? Bakit?" tanong ko at akma sana akong iinom ng milk tea na bigla niyang agawin yon. "Hoy! Akin yan eh."
Huli na para pigilan siya dahil bigla niya nang ininom ang milk tea ko!
"I'm thirsty."
"Edi sana bumili ka na lang hindi yung magnanakaw ka ng inumin ng tao."
"I'm not a thief," nakangising sagot niya at humigop ulit ng inumin ko.
Ang sarap pa naman niya. Para akong naaadik sa lasa.
"Bakit mo pala gusto na mapag-isa?"
"Nothing."
"Gusto mong mapag-isa? Gusto mo samahan kita? Gusto ko din mapag-isa. Pero mas cool samahan na lang din kita na mapag-isa," nakangiting sabi ko at natawa siya ng walang tunog. "Why are you smiling?"
"Nothing Ms. Innocent."
"Hindi yan ang pangalan ko," nakangusong sabi ko.
"I'm hurt," hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. "I'm hurt because of her."
"Edi saktan mo din siya," ani ko at napangisi siya.
"I-I can't hurt her."
"Bakit?"
"Because i love her."
"Wow? Sinaktan kana nga pero mahal mo pa? Hindi ka din marupok ano?"
"Marupok? Mukha ba akong kahoy?"
Ha? Kailan ba naging kahoy ang mukha niya? Hays. Ang slow naman netong lalaking ito.
"Since birth," nakangiting sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin. "Ang sama mo namang tumingin."
"Nang tumingin ka nga sa akin ng masama hindi kita sinabihan ng ganyan."
"Edi sabihan mo ako para kwits na tayo."
"Nah, i can't do that. Dahil ang cute mo kapag tumitingin ka ng masama."
Natigilan ako sa sinabi niya kaya napaiwas ako ng tingin. Bakit parang nag-iinit ang pisngi ko?
"You're blushing. Hahaha," sabi niya sabay tawa.
"Hala? A-Ano... hindi naman ah."
"I swear dude... you're blushing."
Hindi ko na lang sinagot ang sinabi niya dahil binaling ko ang paningin ko sa dagat. Gabi na kaya malakas ang hampas ng alon.
"Should i move on?" hindi ko inaasahan na magsasalita ulit siya.
"If you want to disappear your feelings for her... edi mag-move on ka."
"I-I can't."
Napatingin ako kay Yuhence at nakatitig din siya sa madilim na karagatan. "Bakit naman?"
"Because—" pinutol ko ang sasabihin niya.
"Dahil mahal mo siya? Let's say na you love her. Pero hindi naman pwede na magpakatanga- hala? Bad words," gulat na anas ko at napatingin sa akin si Yuhence. "I mean hindi naman pwede na mahalin mo siya habang sinasaktan ka niya."
"Hindi niya ako kailanman sinaktan."
"Ha? Edi ano?" Inosenteng tanong ko.
"Dahil una pa lang ay pinapatigil niya na ako. Gusto niyang pigilan ko ang nararamdaman ko para sa kanya," sagot niya sabay iwas ng tingin. "Pero kahit na sinabi niya na sa akin na pigilan ko ang nararamdaman ko ay nagpatuloy pa din ako na mahalin sya kahit alam kong may mahal siyang iba."
Grabe naman? Busted ka na boy stop na.
Pero wala naman akong alam sa mga lovelife na ganyan. No boyfriend since birth ako. Mas maiging si libro ang kasintahan kaysa ang tao, dahil ang libro ay hindi ka sasaktan pero ang tao ay magagawa ka nitong saktan. Kaya mas better si libro kaysa kay person.
"Edi bahala ka sa buhay mo," iyon na lang ang sinagot ko.
"Hindi mo pa siguro nasubukan ang magmahal kaya ganyan na lang ang mga sagot mo," ani ni Yuhence at naguluhan ako.
"Ano ba dapat ang kailangan isagot sa mga ganyang sitwasyon? Wala pa naman kasi ako nagiging boyfriend sa tanang buhay ko," iling na sabi ko.
"Wow. That's nice."
Nilingon ko siya. "Ano naman nice doon?"
"Tss. Nothing," inis niyang sagot.
"Ah," tango ko.
"Ms. Amethyst?" napalingon ako sa tumawag sa akin at si kuyang driver iyon.
"Kuya? Sabi ko naman sayo na hintayin mo na lang ako sa kotse," ani ko at bumaba sa pagkakaupo sa mga bato.
"Si Mr. Sul po na pinsan n'yo ay na sa bahay mo na po."
"Si Apollo? Hala sige! Uwi na tayo," masayang sabi ko at ngumiti lang sa akin si kuya.
Akma na sana akong maglalakad na pigilan ako ni Yuhence.
"Wait... Amethyst?"
"Bakit Yuhence?"
"Pinsan mo si Apollo?"
"Ah yes. He's my cousin. So I'll go first na Yuhence kasi matagal ko siyang hindi nakita nang ilang taon. Bye-yeee!" kaway ko sa kanya at tinanguan niya lang ako.
Narinig ko pa ang sinabi niya pero hindi ko na magawang pansinin. Dahil excited na akong makita ang pinsan ko na si Apollo. Super ko siyang na-miss. Pero sayang nga lang wala na si Artemis. Tatlo sana kami magb-bonding.
"Kawawa si Yuhence brokenhearted pa naman pero iniwan ko na agad. Di bale sa susunod ay pupunta ulit ako dito," nakangiting anas ko.
Yuhence. . .
To be continued. . .