PROLOGUE
Dali-dali akong bumangon dahil sa parang hinahalukay ang sikmura ko paakyat sa aking lalamunan. Nakarating ako sa banyo at agad na sumuka sa sink. Wala naman akong sakit pero bakit ako nakakaramdam ng ganito?
"A-Ah! Argh!" dahil sa malakas na ingay ang ginawa ng aking boses ay rinig ko ang boses ng mga katulong.
"Megaleiótita eísai kalá?!" ani ng babae na tinatawag na Lady-in-waiting.
"A-Ayos lang ako," utal na anas ko.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Sa itsura pa lang ng mukha ko ay para akong sobrang na-stressed kahit wala naman akong gaanong ginagawa. Bumuga ako ng hangin sabay napapikit. Alam ko na ang dahilan.
"Buntis ako, Desha."
"A-Anong sinabi mo, Mahal na Reyna?"
"Buntis ako," pag-uulit ko at tinignan siya sa salamin.
"P-Pero paano?" nagugulat pa niyang tanong kaya napapikit ako ulit.
"Paano ba ginagawa ng dalawang tao para mabuntis ang isa, Desha?"
"A-Ang ibig kong—"
"Magpatawag ka ng doctor. Kailangan ko malaman ang kalagayan ng anak ko at kung kailan pa ako nagdadalang tao," utos ko at tinalikuran siya upang lumabas ng banyo.
Buntis ako at si Yuhence ang ama.
Lumipas ang bawat buwan ng paglaki ng tiyan ko ay mabilis na kumalat ang balita dito sa buong Greece na nagdadalang tao ako. Laman sa diyaryo na buntis ako pero wala silang ideya kung sino ang ama na dinadala kong anak. Ultimo pati ang Royal Council na nagtatanong sa akin ay wala silang nalalaman na sagot. Dahil alam ko na ang nananahimik na Yuhence na may pamilya na ay dadayuhin ng mga tauhan ko para tumungo sa pilipinas upang makasagap lang ng balita.
"Poios se ékane énkyo, Megaleiótitá sou," tanong ulit ng Royal Council kung sino ang nakabuntis sa akin. "Kailangan niyang panagutan ang dinadala mong anak sa iyong sinapupunan. Dahil malaking kasiraan yan sa iyong imahe kung wala kang ibinibigay na sagot kung sino ang ama ng bata na iyong dinadala."
Nandito kami ngayon sa sala ng Interior kung saan mas pinili ko na dito mag-usap. Hindi naman din ako ganon kabastos kaya nakaupo siya habang kasama ang nilalayon. Intendant, a title given to a high-ranking official or administrator.
"Kailangan pa ba ng ama para lang mabuhay ang aking anak?" seryoso kong tanong sa kanila. "O kailangan nandito ang ama ng dinadala kong bata upang hindi masira ang aking imahe sa mga mata ng tao sa Greece?"
"I megaleiótitá sou den eínai étsi," magalang na sabi ng isang Intendant na sinasabing hindi ganon ang punto.
"Ngunit iyon ang dating sa akin. Katulad ng ipinangako ko sa Royal Court at sa harap na nagtataasang tao sa iba't-ibang bansa kagaya ko. Nasa oras na magkaanak ako sa kanya ang trono, kaya hindi n'yo na kailangan makilala ang ama ng anak ko dahil hindi naman siya ang papalit sa trono ko," sabi ko na ikinatahimik nila. "Kung nangangamba kayo sa aking imahe ay hindi ko na yan poproblemahin pa. Dahil wala na akong pakialam kung ano pa ang kumalat na balita tungkol sa akin. Ang mahalaga, mailabas ko lang ng ayos ang anak ko sapat na sa akin para magkaroon ng kasiyahan ang malungkot na buhay ko."
Lumipas pa ang ilang buwan ay maayos kong nailabas ang aking anak na lalaki. Parang isang bituin ang aking anak dahil sa kanyang mata. Sandali ko lang nasilayahan ang kislap ng mata ng aking anak dahil umatungal na siya ng iyak. Kaya doon ko na din biglang nabanggit ang kanyang pangalan. Lua Amaris Sul. The moon of child.
"Alam mo ba na maraming hinanakit ako naramdaman sa mga dumaan sa buhay ko, Lua. Ngunit dumating ka lang parang naglaho lahat, dahil sa mga ngiti mo ay nawawala ang sakit na nararamdaman ko," sabi ko habang kinakausap ang anak ko na mahimbing na natutulog.
Nakatapat ang kanyang kuna sa bintana na makikita ang kaliwanagan ng gabi pati ang bilog na buwan. Naaaninag nang liwanag ng buwan ang mukha ni Lua kaya napapangiti ako.
"Ngayon pa lang anak ko ay hihingi ako ng paumanhin sayo dahil nang lumabas ka ay walang ama na sa tabi mo para pakinggan ang matinis mong boses na umiiyak. Ang ama mo kasi ay masaya na sa kanyang sariling pamilya," nakangiti kong sabi pero nandon ang luhang tumulo sa dalawang mata ko. "Your father is happy with someone else, Lua. Masaya na siya sa ibang pamilya na binuo niya. M-Masaya naman ako dahil meron akong ikaw, pero napapaisip ako na baka balang araw ay maghahanap ka ng ama."
Hinaplos ko ang makinis na pisngi ni Lua habang natulo ang aking luha. Hindi ko maiwasan na hindi maisip si Yuhence kung bawat segundo ay lagi siyang napasok sa utak ko.
"Sana pag-dumating ang araw na maghanap ka ng ama Lua sana hindi ka magalit sa ama mo. Dahil ako naman din ang may kasalanan kung bakit siya naghanap ng iba dahil iniwan ko siya na walang paalam," dagdag na anas ko pa sa aking natutulog na anak. "Sana anak pag alam mong umalis ang mahal mo ay matuto kang hintayin siya. Dahil ganon ang pagmamahal. Ganon ang pagmamahal."