Chapter 41

2069 Words

Leonardo "Bakit ba ginagawa sa atin ito ni Ehra? Bakit nya tayo pinapahirapan? Hindi madali ang pinapagawa nya sayo Leon." Ito ang mga nabanggit ni Tatang Mencio nang masabi ko sa kanila ni Manang Corazon ang tungkol sa mga kahilingan ni Ehra sa akin. Kapalit ng buhay nina Missy at Manang Lorna ay ang kanyang kalayaan, at ang anak naming si Joonie. Ang hirap magdesisyon. Sobrang hirap sa parte ko ang gumawa ng ganitong klaseng desisyon. Iniwanan ko sa hotel si Ehra dahil gusto kong makausap at makuha ang opinyon nina Manang Corazon at Tatang Mencio. Hindi ko ito kakayaning mag-isa. Napaupo ako sa sofa at ilang beses na napahilamos sa aking mukha. Hirap na hirap na akong mag-isip ng tama at dapat na gawin. Pero may nais na gawin ang puso ko ngunit hindi ko alam kung tama nga ba ito?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD