Ehra Ilang oras din akong iniwanan ni Leon sa hotel na ito. Nakatulog ako dahil sa sobrang pag-iyak ko at dala na rin ng sobrang pagod. Naalimpungatan lang ako ng maramdaman ko ang nakakakiliting himas sa aking pisngi. Pagmulat pa lang ng mga mata ko ay nasilayan ko agad ang mukha ng aking asawa. Nakaramdam ako ng tila kuryenteng gumapang sa kaliwa kong braso dahil sa naging posisyon ko sa pagkakahiga. At dahil na rin nakaposas ang kamay kong ito kung kaya’t hindi maayos ang naging paghiga ko. “Dinner is ready, Babe.” Malumanay nyang wika. Nang mapagawi ang aking tingin sa kaliwang bahagi ng kwarto ay nakita kong nakalagay sa lamesa ang masasarap na pagkain. Bago sya tumindig ay hinalikan nya muna ang aking labi. Hindi sya nagsasawang ipadama sa akin kung gaano ako kaimportan

