Ehra Halos malunod ako sa kaligayahang nararamdaman ko nang masilayan ko si Baby Joonie na buhat ni Manang Corazon. Nakaposas pa rin ang mga kamay ko sa kama at nakatapis lamang ako ng kumot ng madatnan ako ni Manang. Ilang beses kong pinahid ang aking luha. "Manang please. Akin na po ang anak ko. Gusto ko na syang mayakap.." pagmamakaawa ko Ngunit nanatiling nakatindig si Manang sa may pintuan at tila nagdadalawang isip kung ibibigay nya sa akin si Baby Joonie. Ibang-iba ang kanyang awra ngayon. Tila may pag-aalinlangan syang ibigay sa akin ang aking anak. Lumapit sa akin si Leon. Tinanggal nya ang posas sa kamay ko Humihikbi ako habang tinatanggal nya ang posas na iyon. Namanhid ang aking mga kamay nang matanggal ang mahigpit na posas na nakakabit sa akin. "Magpal

