Ehra Pagpasok pa lang namin sa kwarto ng hotel ay kaagad nya akong niyakap ng mahigpit. Ang kanyang kaliwang kamay ang pilit na pinagdidikit ang aming katawan. Ngunit nagpumiglas ako sa kanya. Itinutulak ko syang palayo gamit ang aking kanang kamay. "Why? Hindi mo ba ako namimiss?" Pilyo nyang tanong sa akin Umiling ako ng ilang ulit sa kanya. Nagpakita ako ng matinding galit sa kanya upang itigil na nya ang kanyang kahibangan. Ngunit sadyang may mapaglarong utak si Leon. Hinatak nya ako palapit sa kama. Pinaupo nya ako doon. Pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos nya. Sinusian nya ang posas na nakakabit sa kanyang mga kamay. Natanggal ito. Hinablot nya ako at pinahiga sa kama. Ipinosas nya ang dalawang mga kamay ko sa headboard ng kama na may design na stainless steel kun

