Chapter 45

1746 Words

Ehra Nakakasiguro akong nakita ako ni Leon sa engrandeng selebrasyon na pinuntahan nilang dalawa ni Missy. At kagaya ng inaasahan ko ay natakot sya sa akin. Kagaya ng nasa utak ko ay iniwasan nya ako. At hindi ko man maamin sa puso ko ito ay talagang nasasaktan ako. Walang may alam na nagtungo ako dito. Walang ideya si Paris kung saan ako nagpunta dahil ang alam nya ay may binili lamang akong gamit ng aking anak. Wala syang kaalam-alam na nagtungo ako sa lugar na ito upang makita si Leon. Kapag nalaman nya ang bagay na ito ay tiyak na sasabog sya sa galit. Ngunit bakit nga ba ako naririto? Hindi ko rin maintindihan ang puso ko. Nais ko lang makita ang asawa ko. Asawa ko pa rin sya dahil may mga hawak akong dokumento. Nagtungo rin ako sa isang lugar kaninang tanghali upang makumpirma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD