Ehra Lumipas ang tatlong buwan ay mas lalo akong nahihirapang mag-alaga kay Baby Joonie. Marahil ay dahil hindi lang sa pag-aalaga ako nakafocus kundi sa pagiging leader ng mga sindikato. Ngunit kahit paano ay hindi matatawaran ang kaligayahang naidudulot sa akin ng aking anak. Maging si Paris na may matapang na awra at hindi sanay sa pag-aalaga ng bata ay natutunan ang bagay na ito. Isang hapon... Habang nilalaro ko ang anak ko sa kwarto ay biglang pumasok si Paris. "Alam mo na ba ang balita?" Bigla nyang banggit. Kunot noo ko syang pinagmasdan. "Anong balita?" Kyuryoso kong tanong Saka ko napansin ang hawak nyang pahayagan nang iabot nya sa akin ito. Nagtataka pa rin ako kung ano ang balitang sinasabi nya. Tanging ang pahina lamang ng diyaryong gusto nyang ipakita sa akin ang s

