Ehra Nakalabas na ako ng ospital at hindi pa rin nawala sa tabi ko si Leon. Mistula tuloy natatakot na ako sa ipinapakita nyang kalambingan at pag-aalaga sa akin. Takot na takot na ang puso kong umasa. Baka kung kailan masaya na naman ako ay mawala syang muli sa akin. Kahit na ibinunyag na sa akin ni Charmaine ang totoong nararamdaman ni Maranzano ay ang hirap pa ring maniwala sa pag-ibig ngayon. Sinira ni Leon ang katiting kong tiwala sa pag-ibig kaya ngayon ay hindi ko masuklian ang ginagawa nya sa akin. Iniisip ko rin na kaya lang naman nya ginagawa ang pag-aalaga sa akin ngayon ay dahil sa batang dinadala ko. Kung hindi ako buntis ngayon ay marahil na nakakulong pa rin ako sa mabaho at madilim na bodegang iyon. Dumating kami sa isla at nakaramdam ako ng pamilyar na emosyon.

