Ehra Ilang araw pa ang lumipas ay nagpatuloy ang magandang pakikitungo sa akin ni Leon. Inalagaan nya ako kagaya ng huling pangako nya sa akin. Hindi nya hinayaang masaktan ang damdamin ko kung kaya’t pinagpalit nya muna sina Manang Corazon at Manang Lorna. Bumyahe papunta sa Cebu si Manang Lorna upang sya ang mamahala sa mansyong iniwanan ni manang Corazon doon. Hindi hinayaan ni Leon na magsama kami ni Manang Lorna dahil alam nya ang ugali ng matanda. Alam nyang hindi mapigilan ni Manang Lorna na hindi ako pagsalitaan ng hindi maganda kung kaya inilayo nya kami sa isa't-isa. Mas naging maayos ang buhay ko sa islang ito kasama sina Manang Corazon at Tatang Mencio na una pa lang ay ramdam ko na ang pagmamalasakit sa akin. Si Manang Corazon ang laging karamay ko at ni minsan ay

