Ehra May dumaong na eleganteng yate sa isla na syang ipinagtaka namin nina Manang Corazon at Tatang Mencio. Hindi naman ito ang yate na pagmamay-ari ni Leon. Lumabas kami ng mansyon upang makita kung sino ang sakay ng yateng ito. Nang marating namin ang dalampasigan ay bumaba ang limang babae na may kakaibang kagandahan. Sinasayaw ng hangin ang kanilang mga buhok na mistulang Diyosa ng karagatan. Nang makababa sila ay kaagad namin silang sinalubong. Ano ang pakay ng mga babaeng ito sa isla? “Magandang umaga naman mga magagandang Binibini? May maitutulong ba kami sa inyo?” bungad na pagbati ni Tatang Mencio. Ngunit ang babaeng may nakakatakot na awra ay nilibot ang paningin sa buong paligid. At biglang huminto ang kanyang mga mata sa akin. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa

