Ehra
Ilang araw ko ring hindi kinausap ang pinsan kong si Charmaine dahil sa mga nasaksihan ko sa kanyang kwarto.
Kaagad ko ring pinatigil ang panliligaw ni Christian sa akin. Hindi ko kailangan ng isang tulad nyang hindi makuntento sa isa. Hindi ko pa nga sya nobyo ay nagawa na nya akong lokohin.
Siguro nga ay kagaya rin sya ng ibang mga lalaki, hindi sya makakatanggi sa alindog ng pinsan kong walang kasing landi kaya hindi na nya natiis ang init ng katawan nya.
Hindi sya karapat-dapat sa pag-ibig ko. Ang mga kagaya nyang lalaki ay hindi dapat binibigyan ng pagkakataon. Kahit ilang beses syang lumuhod sa akin ay hinding-hindi ko sya mapapatawad.
“C-couz, sabay na tayong kumain. I prepared our dinner today.” Masayang bungad sa akin ni Charmaine nang pumasok ako ng mansyon.
Halata sa kanyang boses ang labis na panginginig. Tila kinakabahan sya nang makita nya akong pumasok sa loob ng sala.
Ngunit inarkuhan ko lang sya ng aking mga kilay dahil iritang-irita ako sa presensya nya.
Naglakad akong patungo sa aking kwarto at nilagpasan ko lang sya. Hanggang ngayon ay nanginginig ang aking mga kalamnan sa tuwing makikita ko sya
Ngunit ikinabigla ko nang hablutin nya ang braso ko. Talagang nagulat ako sa ginawa nyang iyon.
Lalo na ng yakapin nya ako ng mahigpit. Parang huminto ang oras nang maramdaman ko ang mahigpit nyang mga yakap.
“Couz, please.. patawarin mo na ako. Ikaw na lang ang meron ako..ayokong lumayo ka sa akin.. I’m sorry..” sambit nya sa akin
Umiiyak na rin sya sa harapan ko habang nagsusumamo sya sa kapatawaran ko.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naluha rin ako ng makita ko syang umiiyak sa aking harapan. Marahil hanggang ngayon ay nasa puso ko pa rin ang matinding sakit na ibinigay nila sa akin ni Christian.
Mas ikinagulat ko nang lumuhod sya sa harapan ko at mas lalo nyang niyakap ang buo kong katawan habang nasa ganung posisyon sya. Bahagya akong nairita sa ginagawa nya.
“Tumayo ka nga dyan Charmaine. Mas naiinis ako sa ginagawa mong yan.” Sigaw ko
Kaagad naman nyang sinunod ang mga sinabi ko. Tumindig sya sa harapan ko at hindi pa rin nya inaalis ang kanyang mga kamay sa aking mga palad. Nakatitig lang din sya sa aking mga mata at kitang-kita ko kung gaano sya kaseryoso na makuha ang kapatawaran ko.
Napabuntong hininga ako sa kanya.
Mugto ang mga mata ng pinsan ko. Halatang pinagsisishan nya ang ginawa nya sa akin. Halos mapaos na rin ang kanyang boses dahil sa pag-iyak na ginagawa nya.
“Huwag mo nang isipin iyon Couz. Okay na ako. Lalaki lang iyon. Hindi natin dapat pinag-aawayan.” Wika ko
Niyakap nya akong muli dahil sa sobrang kaligayahang naramdaman nya. Ang hindi nya alam ay mas naiirita ako kapag ganito sya kalambing sa akin.
“Natakot talaga ako Couz, hindi mo kasi ako pinapansin. Mawala na sa akin ang lahat huwag lang ikaw…” wika nya
Tila may tumusok sa kaibuturan ng puso ko dahil sa mga sinabi nya. Tila ba naantig ang matigas kong damdamin dahil sa mga binanggit nya.
Hanggang ngayon ay pinagkakatiwalaan nya ako. Hanggang ngayon ay nabilog ko ang ulo nya na kakampi nya ako at kasama nya ako sa lahat ng laban nya sa buhay. Ang hindi nya alam ay ako ang nais na sumira sa kanya. Hindi ko hahayaan na maging maligaya sya.
Ngunit ayokong maniwala sa nararamdaman ko. Dapat ay palagi ko syang kamuhian. Dapat ay lagi kong isipin kung paano sya malulugmok sa kalungkutan.
“Okay na Couz, please lang, wag ka ng magdrama dyan. Nakakakakilabot eh! Ano bang niluto mo for dinner?” tanong ko
At para na rin mailihis na ang kadramahang nangyayari sa aming dalawa.
Lumiwanag ang mukha nya. Tila nagningning pa nga ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko.
“Umorder lang ako ng Sweet and Sour fish. Sabay na tayong kumain.” Sambit nya
Para syang linta na nakadikit sa akin na syang kinaiinisan ko talaga.
Hindi pa rin nya ako mabisto na binibilog ko lang ang ulo nya. Tama lang na ako ang mas panigan nya kasya sa mga magulang nya dahil iyon naman ang nais ko, ang magkawatak-watak ang pamilya nya.
Mas gugustuhin kong kamuhian nya ang mga magulang nya at habang buhay syang maniwala na may isang ako na lubos na nag-aalala sa kanya.
Ilang taon pa ang lumipas...
Sabay kaming nakatapos ng kolehiyo ni Charmaine. Ngunit hindi maikakaila na mas marami akong natanggap na mga academic awards kaysa sa kanya. Isa talaga syang talunan.
Kaya naman labis ang kasiyahan nina Uncle Jaime at Aunt Hilary dahil sa mga natangggap kong awards sa Universidad.
Samantalang ang magaling nilang anak ay wala man lang nakuhang kahit anong awards nung tawagin sya sa entablado.
“Kahit anong gusto mo ay ibibigay ko hija, bilang gantimpala sa lahat ng pagsusumikap mo sa pag-aaral.” Sambit ni Uncle Jaime
Gumuhit ang mga ngiti sa aking labi ng marinig ko iyon kay Uncle. Samantalang ang pinsan ko ay nakayuko lamang sa isang sulok at abala sa kanyang cellphone.
Walang ibibigay na gantimpala sa kanya ang kanyang ama dahil puro kalandian at sakit ng ulo lang naman ang isinukli nya sa mga magulang nya.
“Gusto ko po sanang magkaroon ng isang malaking party. I will invite my friends and classmates, para naman po bago kami magpatuloy sa aming mga career ay magkaroon naman po kami ng isang napakagandang bonding.” Wika ko
Kaagad na napatingin si Charmaine sa akin. Panigurado akong malaki ang inggit nya dahil magkakaroon ako ng napakagarbong party para sa mga friends ko.
“Okay hija, kung iyan ang gusto mo then I will give it to you. You deserve a luxurious party for your hardwork.” Wika ni Uncle
“Thank you po Uncle!” masayang wika ko
Napayakap ako kay Uncle dahil sa labis na kaligayahang nadarama ko. Gusto kong imbitahan ang lahat ng mga classmates ko at ipapakita ko sa kanila na hinding-hindi nila maaabot ang mararating ko.
Ipapadama ko sa kanila na walang makakaagaw ng aking trono.
Bakas ko ang nag-uumapaw na inggit ni Charmaine sa akin. Kitang-kita ko sa mga kilos at galaw nya kung gaano nya rin kagustong magkaroon ng malaking party at imbitahan ang mga kaklase nya sa bulok nyang eskwelahan.
Pero sad to say, walang ibibigay sa kanya ang mga magulang nya. Hindi naman kasi sya karapat-dapat na regaluhan dahil wala naman syang silbi.
Hanggang sa dumating ang araw ng malaking party na inihanda nina Uncle Jaime at Aunt Hilary para sa akin.
Suot ko ang isang stunning crystal beaded straps backless mermaid dress habang nakatayo ako sa harapan ng isang salamin at pinagmamasdan ko ang aking kagandahan.
Kumikinang ako sa ganda. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi dahil sa kagandahang nakikita ko sa harapan ng salamin.
"Hija, are you done? Baka marami nang bisita ang naghihintay sa hotel?" Wika ni Aunt Hilary nang pumasok sya sa silid
Ngumiti ako kay Aunt Hilary.
"Yes, Auntie. I'm done." Sagot ko
Ngunit nagulat ako nang may ilabas si Aunt Hilary mula sa kanyang bag. Isang napaka-eleganteng jewelry box?
Nang buksan nya ito sa harapan ko ay nasilayan ko ang isang mamahaling diamond necklace.
Namangha ako sa napakagandang necklace na iyon. Minsan na akong naghangad na magkaroon ng diamond necklace at tutuparin ko ito sa oras na magkaroon ako ng magandang trabaho.
Ngunit mas ikinabigla ko nang lumapit sa akin si Aunt Hilary at isinuot nya sa akin ang mamahaling diamond necklace.
"Auntie? What is this?" Pagkagulat ko
Nasilayan ko ang kanyang napakagandang ngiti sa akin.
"This is my gift for you hija. You deserve something like this." Ani Aunt Hilary
Labis akong natuwa dahil sa regalo ni Aunt Hilary sa akin.
"Wow! Thank you po. Nagustuhan ko talaga ito. Sobrang bagay sa akin ang diamond necklace, di ba po Auntie?" Tanong ko
"Of course hija! Bagay na bagay saiyo ang necklace na yan."
Napatingin muli ako sa harapan ng salamin habang suot ang eleganteng kwintas. Tiyak na wala talagang makakatalo sa angkin kong kagandahan at eleganteng itsura ngayon gabi.
Lahat sila ay mamangha sa isang katulad ko. Natupad ko na ang isa sa mga pangarap ko na lahat ng kanilang atensyon ay nasa akin.
Nang makarating kami sa Hotel ay sabik na sabik ako dahil ito ang unang pagkakataon na magkakaraoon ako ng magarbong party na syang dadaluhan ng malalaking bisita.
Pagpasok ko pa lang sa event place ay nakamasid na silang lahat sa akin. Alam kong lahat sila ay namangha sa kagandahang taglay ko ngayong gabi.
Lahat ng atensyon ay nasa akin. Kagaya ng mga nasa plano ko, lahat sila ay hindi maitatanggi ang malaking paghanga sa akin.
"Hija! You look absolutely ravishing!" Wika ni Uncle Jaime nang salubungin nya ako
"Thank you so much Uncle." Wika ko
Ngunit kaagad kong napansin ang lalaking makisig na katabi nya. Napalunok ako dahil may kakaiba syang tingin sa akin. Sa tingin ko ay nasa sampung taon ang agwat ng aming mga edad ngunit hindi naman iyon halata sa kanyang napakagwapong itsura.
"By the way hija, I want you to meet my good friend, Major General Leonardo Maranzano." Pagpapakilala ni Uncle
Ikinagulat ko nang hawakan ng lalaking iyon ang kamay ko at hinalikan nya ito na walang pag-aatubili.
Hindi ko maipaliwanag ang tila kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan nang gawin nya iyon.
Malagkit din ang mga titig nya na tila ba may gusto syang ipahiwatig sa akin.
Talagang nakakaakit ang matangos nyang ilong na kay sarap titigan at tila ba may ibang lahing nananalaytay sa katawan nya. Ang mga labi nyang mapupula na tila binibihag ako ay hindi ko maiwasang tignan. Kapansin-pansin din ang bilugan nyang mata na kulay asul at mayroon syang mahabang pilik-mata na nagpadagdag sa kagwapuhan nya. Sumakto rin sa gwapo nyang imahe ang makapal nyang kilay.
Sadyang nakakaakit ang malaki at matipuno nyang katawan na parang handa kang ipaglaban sa kahit na sino.
Hindi nga maitatanggi ang kagwapuhang taglay nya.
Pero hinding-hindi nya ako mabibihag!
Natuto na ako. Kailangan kong suriing mabuti ang mga lalaking nais na mapalapit sa akin. Hindi na ako magpapadala sa pisikal na anyo at magandang katayuan sa buhay.
Kaagad kong inalis ang mga kamay kong hawak nya.
"Nice to meet you." Matipid kong wika
Iniwas ko ang mga tingin ko sa kaibigan ni Uncle. Medyo naiilang na ako sa paraan ng pagtitig nya sa akin.
Alam kong ginusto kong nasa akin ang lahat ng atensyon at mata ng mga tao ngunit hindi naman sa ganitong paraan. Pakiramdam ko ay para nya akong kakainin ng buhay dahil sa mga titig nya.
Hindi ako masyadong makagalaw dahil nasa iisang table lang kami ni Mr. Maranzano. Hindi nya pa rin inaalis ang mga tingin nya sa akin.
Nang patugtugin ang isang romantikong musika, napansin kong tumayo ang kaibigan ni Uncle Jaime
Kinakabahan ako dahil umikot sya sa mesa para puntahan ang kinaroroonan ko? Para syang isang Prince Charming habang nakikita ko syang naglalakad.
Huminto at tumindig sya sa aking harapan habang iniaabot nya ang kanyang mga kamay sa akin.
"May I have this dance?" Tanong nya
Napatitig ako sa kanyang napakagandang mga mata.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggihan ang isang tulad nya. Hindi ko mawari kung bakit ko hinawakan ang mga kamay nya at kusa akong sumama sa kanya sa gitna ng dance floor.
Bulto ng enerhiya ang gumapang sa buong katawan ko nang bigla nyang kabigin ang aking balakang palapit sa kanya.
Napayakap ako ng kusa sa kanyang matipunong katawan.
Mas lalong nagwala ang puso ko nang yakapin nya ako ng mahigpit habang isinasayaw nya ako sa gitna. Tila walang ibang mga tao ang nasa paligid. Tanging sya at ako lamang.
Bakit ganito ang nararamdaman ko sa estrangherong ito. Pakiramdam ko ay matagal na nya akong sinusubaybayan. Pakiramdam ko ay matagal na nyang gustong makilala ako.
Bigla ko na lamang naramdaman ang pagdampi ng kanyang mga labi sa aking labi.
Sya ang unang lalaking humalik sa akin. At natatakot ako sa aking sarili dahil hindi ko sya nagawang pigilan.
Nagustuhan ko ang paghalik na ginawa sa akin ng lalaking ngayon ko lang naman nakilala.
Sino kaya sya?
Bakit tila napakaespesyal ng trato nya sa akin? Ngunit hindi pa rin mawawala ang takot sa puso ko na baka katulad din sya ng ibang mga lalaki na tanging katawan lang ang habol sa aming mga babae.
Hindi ako dapat na magpa-uto sa kanya.
Nagustuhan ko man ang ginawa nyang paghalik sa labi ko, hindi naman ako papayag na mabihag nya ang puso ko.
Naitulak ko syang palayo sa akin.
Napaurong ako at bigla ko na lamang syang iniwanan. Tumakbo akong palayo sa kanya.
Ayoko ng nararamdaman ko kung kaya't habang maaga pa ay dapat na itong putulin.