Chapter 6

2050 Words
Ehra Ilang taon ang lumipas ay nagpalagay ng maraming tattoo ang pinsan ko sa kanyang buong katawan.Ibang-iba na ang tingin sa kanya ng mga tao. Pariwara, pasaway at ang iba ay p*kpok pa nga ang tawag sa kanya. Hindi nila lubos mawari kung ano ang nangyari sa anak ng pinakasuccessful na businessman dito sa bansa. Ibang Charmaine ang hinubog ko nitong mga nakalipas na taon. Isang babaeng hindi gugustuhin ng kahit sino mang mga lalaki. Hindi ko na rin alam kung ilang lalaki na ba ang nagdaan sa kanya. Maraming lalaki na ang nakatikim sa katawan nya at wala syang pakialam dito. Pag-uwe ni Uncle galing sa Canada ay matinding galit ang ibinuhos nya kay Charmaine. Hindi nya matanggap ang naging itsura nito na tila ba wala ng patutunguhan ang buhay ng kaawa-awa nyang anak. "Ano ba ang ginawa mo sa sarili mo? Ganyan ka na ba talaga ngayon? Pakiramdam ko ay hindi na ikaw ang Charmaine na pinalaki namin ng Mommy mo!" Dinig kong sigaw ni Uncle Jaime. Nagtungo ako sa kwarto ng aking pinsan upang silipin ang kumosyon na nangyayari sa loob. Kitang-kita ko si Charmaine na halos walang pakialam sa kanyang  nagwawalang ama. Nakaupo sya sa kanyang kama habang ngumunguya ng bubble gum nya. Nakasuot sya ng black mini dress na halos labas na ang buong kaluluwa nya. Mukhang may party na naman syang pupuntahan. Ngayon ko lang din napansin ang lip piercing nya kaya lalong naging maangas ang itsura nya. Kakaiba na talaga ang utak ng pinsan ko. Nasaksihan ko ang pagtitig ng masama ni Charmaine sa kanyang ama. Puno ng galit at poot ang mga titig nyang iyon sa sarili nyang ama. "Tapos na ho ba kayo magsermon? May pupuntahan pa ho ako!" Wika ni Charmaine Tumayo sya at isinukbit ang kanyang sling bag. Ngunit pinigilan sya ni Uncle Jaime. Hinawakan nya ng mahigpit ang braso ng kanyang anak at ibinalibag muli sya sa kama. Napaupo si Charmaine sa kanyang kama. Mas tumindi ang naging galit nya sa kanyang ama sa pagkakataong ito. "Hindi ka na lalabas ngayon! Masyado mo nang binababoy ang sarili mo!" Sigaw ni Uncle Jaime Hindi ko alam, pero tila naliligayahan ang puso ko sa tuwing maririnig kong nag-aaway silang mag-ama. Ang mas ikinagulat ko ay nang tumindig muli si Charmaine at dumiretso sya ng lakad patungo sa pintuan palabas. Kaagad akong nagtago nang masilayan kong papalabas ang pinsan ko. "Charmaine!" Sigaw ni Uncle Jaime Ngunit hindi na sya nilingon pa ng kanyang anak. Padabog na naglakad pababa ng hagdan ang pinsan kong si Charmaine. Sinuway nyang muli ang utos ng kanyang ama na manatili lang sa bahay. Umarko ang kilay ko at gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Ito ang gusto kong mangyari sa buhay nila. Gusto ko silang sirain. Hindi pwedeng maging buo ang kanilang pamilya. Kailangang maranasan nila kung ano ang pakiramdam ng walang totoong pamilyang masasandalan. Mas ikinatutuwa ko ang pag-aaway-away nilang ito. Kaagad kong inayos ang aking sarili at nagtungo ako sa loob ng kwarto ng pinsan ko kung saan naroroon si Uncle Jaime. Naabutan ko syang umiiyak doon. Kaagad kong nilapitan si Uncle Jaime at niyakap ko sya ng mahigpit. Bumalik sya ng yakap sa akin dahil alam kong kailangan nya ng isang tulad ko na maaari nyang sandalan. "Huwag na po kayong umiyak Uncle. Nandito pa naman po ako. Hinding-hindi ko kayo bibiguin." Bulong ko sa kanya Pinahid ni Uncle Jaime ang luhang dumadaloy mula sa kanyang mga mata. "Salamat Ehra. Mabuti na lang talaga at hindi ka nahawa sa pinsan mo. Mabuti ka pa, alam mo ang tamang direksyon ng buhay mo..." sambit nya Umarkong muli ang mga kilay ko. Wala syang kamalay-malay na kagagawan ko ang lahat ng ito. Wala syang ideya na ako ang pilit na sumisira sa maganda nyang pamilya. --- Isang hapon... Kakatapos lang ng klase ko at pauwe na sana ako nang bigla akong harangin ni Christian Galvez. Isa sya sa pinakagwapo at mayamang estudyante sa buong Universidad. Hindi lingid sa kaalaman ko na dati ay masugid syang manliligaw ng pinsan kong si Charmaine. Nabanggit sa akin noon ni Charmaine na kung handa na syang magkaroon ng nobyo ay si Christian ang gusto nyang makatuluyan dahil sa pag-uugaling meron ito. Maganda rin ang kinabibilangan nyang pamilya kung kaya't lahat din ng mga kababaihan ay sya rin ang hinahangaan. Natigil lamang ang panliligaw nya simula ng umusbong ang video scandal ni Charmaine. Mukhang nadismaya yata sya sa pinsan ko na halos sambahin nya noon. "Oh? Bakit nakaharang ka sa daan ko?" Masungit kong wika Naiinis ako sa presensya nya dahil dati ay hindi naman nya ako pinapansin. Ang lagi nyang nakikita ay ang magaling kong pinsan. Huwag nyang sabihin na ipagpapatuloy nya ang panliigaw sa pinsan ko. Nababaliw na sya kung ganun. Wala nang lalaki ang magkakagusto pa sa pinsan kong pariwara na ang buhay. Kaagad ko syang nilagpasan at nirolyohan ng mata. Naiinis ako sa kanya! "Ehra!" Pagtawag nya Hinawakan din nya ang braso ko. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Parang may kakaibang kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan dahil sa paghawak nya sa akin. "I want to know more about you. I like you Ehra." Pagbubulgar nya sa akin. Halos manlaki ang mga mata ko sa kanya at bumilog pa ang bibig ko dahil sa mga isiniwalat nya sa akin. "What? Nagbibiro ka ba?" Wika ko Umiling sya sa akin. Nagpamalas sya ng isang napakagandang ngiti. Hindi ko pa nababanggit sa iba ang totoong nararamdaman ko, ngunit si Christian talaga ang tipo kong lalaki. Sya ang unang bumihag sa puso ko noon. Ngunit anong kahibangan ang sinasabi nya ngayon na gusto nya ako? Totoo ba ito? "Pwede ba kitang ihatid sa inyo ngayon? Gusto kong pormal na manligaw sayo." Sambit nya Tila gustong tumalon ng puso ko dahil sa sobrang ligaya na nadarama ko. Totoo ba talaga ito? Ang isang Christian Galvez na pinakasikat sa buong Universidad ay balak akong ligawan? Hindi na ako tumanggi pa dahil ang totoo ay may lihim pa rin akong pagtingin sa kanya. Sya pa rin ang unang lalaki na bumihag sa puso ko. Gusto ko ring inggitin si Charmaine dahil ang lalaking una nyang minahal ay sa akin na nahuhumaling ngayon. Pagdating sa mansyon ay kaagad ko syang pinatuloy sa sala. Hindi ko namalayan ang presensya ng pinsan kong si Charmaine na nakaupo doon. "Chris?" Sabik na sabik na wika ng pinsan ko Dali-dali syang tumayo at kaagad na yumakap sa manliligaw ko. Halos sumabog ang puso ko sa matinding poot na nararamdaman ko. Kung makayakap sya kay Christian ay para bang sa kanya pa rin nahuhumaling ang gwapong binatang ito. Kaagad namang inalis ni Christian ang pagkakayakap sa kanya ng malandi kong pinsan. Halata ko naman ang pagkairita ni Christian sa kanya. Siguro nga hanggang ngayon ay nandidiri pa rin sya sa pinsan ko. "So why have you come here?" Masaya pa ring tanong ng pinsan ko Sa nakikita ko sa kanyang mga mata ay parang umaasa pa rin sya na may isang Christian Galvez pa rin na baliw sa kanya? Ngunit nag-iba ang awra ni Christian ng makita ang malalaking tattoo ni Charmaine sa buo nyang katawan. Tila nangiwi ito habang nakatitig sa mga iyon. "Ahhm. Nandito ako para pormal na manligaw--" hindi pa nga natatapos ni Christian ang sinasabi nya ay yumakap ng mahigpit muli ang malandi kong pinsan sa kanya. "Oh my God! Christian! Binibigla mo naman ako! You mean, ipagpapatuloy mo ang panliligaw mo sa akin?" Sabik na wika pa rin nito Napailing na lang ako dahil ang buong akala nya ay sya ang liligawan ng gwapong lalaki na nasa harapan namin. Muling inalis ni Christian ang pagkakayakap sa kanya ng pinsan ko. "No! No! Charm! Hindi ikaw. S-si Ehra ang liligawan ko, ang pinsan mo." Sambit ni Christian Umarko ang kilay ko at tumitig ako kay Charmaine na ubod ng taas ng pangarap. Kitang-kita ko ang pagkapahiya sa kanyang mukha. Napahiya sya sa harapan ni Christian. Napatingin din sya sa akin. "Oh! I'm sorry. I thought--" "Hay naku Couz. Wag ka kasing feelingera. Ooops! Joke!" Wika ko Hinatak ko si Christian at inilayo ko sya sa malandi kong pinsan.  Baka masulot pa sya ng higad sa paligid. Bakas ko sa mga mata ni Charmaine ang labis na kalungkutan. Simula ng baguhin nya ang kanyang imahe ay wala ng nagseryosong lalaki sa kanya. Lahat ng lalaki ay katawan lang ang habol sa kanya. Kaya naman mas lalo syang nalungkot nang malaman nyang ako ang liligawan ni Christian Galvez. Ngayon ay alam na nya ang pakiramdam ng hindi napapansin at pinangdidirihan. Dapat nya lang maramdaman ang lahat ng ito. Ilang buwan ang lumipas ay ipinagpatuloy ni Christian ang panliligaw sa akin. Lahat ng mamahaling mga regalo at bulaklak ay naibigay na yata nya sa akin. Magaling syang kumanta at gumawa ng awitin. Kinilig ako ng gawan nya ako ng kanta at kantahin nya sa akin iyon nung magdinner kami sa isang sikat na restaurant dito sa Maynila. Wala pang nakakagawa sa akin ng mga bagay na ipinamalas nya. Pakiramdam ko ay napakaespesyal ko para sa isang Christian Galvez. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang senseridad ng kanyang pag-ibig sa akin. Ayoko nang mawala pa ang isang tulad nya. Gusto ko sya. O tamang sabihin na mahal ko na sya. Sya lang ang nakakapagpaligaya sa puso ko. "Hello Ehra? Nasaan ka ba? Nandito ako sa bahay nyo. I'm sorry kung nagpunta agad ako dito ng walang abiso. I just missed you.." wika nya "Huh? Pauwi pa lang ako Christian. May dinaanan lang ako sa mall kanina. Okay, hintayin mo ako dyan. I miss you too." Wika ko Hindi mapatid ang ngiti sa labi ko dahil naghihintay sa bahay ang lalaking lubos na nagpapatibok sa puso ko. Sasagutin ko na sya ngayon. Hindi ko na palalampasin pa ang isang tulad nya. Sya ang pinapangarap kong lalaki at kailangang mapasaakin na sya. Mga isang oras pa yata ang itinagal ng byahe ko bago ako makauwi ng bahay. Nasasabik na rin akong makita sya. Ngunit pagpasok ko sa mansyon ay hindi ko nakita ang kanyang presensya. Nagtataka ako dahil ang sabi nya ay hihintayin nya ako dito. Kinabahan akong bigla. May narinig akong mga ungol na nanggagaling sa itaas. Marahan akong umakyat upang tignan kung saan nanggagaling ang ingay. Nagmumula ito sa kwarto ng pinsan kong si Charmaine. Palakas ng palakas ang ingay na iyon. "Ohhhhhh!" Dinig kong ungol ng pinsan ko. At nang buksan ko ang kanyang kwarto ay tumambad ang isang eksena  na nagpaguho sa buong mundo ko. Nakapatong si Christian sa ibabaw ng pinsan ko at sarap na sarap sila sa kanilang ginagawa. Kitang-kita ko kung paano romansahin ng lalaking pangarap ko ang katawan ng malandi kong pinsan. Lalong namuo ang galit at poot ng puso ko para kay Charmaine! "Ehra!" Sigaw ng pinsan ko Napabalikwas sila at sabay silang napatingin sa akin. Ngunit napuno ng luha ang mga mata ko at tila hindi ko na sila maaninag dahil sa tubig na tumatabing sa mga mata ko. Tumakbo akong palayo sa kanila. Ayoko na silang makita! Kinamumuhian ko silang dalawa. Wala na nga sigurong matinong lalaki sa mundo. Lahat sila ay marupok at hindi nakakayanan ang tukso. Sumakay akong muli sa aking kotse at pinaharurot ko ito ng mabilis. Kung saan ako pupunta ay wala akong ideya. Ang mahalaga sa akin ay matakasan ko silang dalawa. Labis nilang pinasakitan ang puso ko! Napadpad ako sa isang lugar kung saan hindi ko alam kung ano ang mayroon doon. Humagulgol ako ng iyak at doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit na nadarama ng puso ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Walang kasing sakit na malaman na yung lalaking pangarap ko ay nakipagtalik sa malandi kong pinsan! "Mukhang malaki ang problema mo. Gusto mo bang sumama sa akin?" Napatingin ako sa bintana ng aking sasakyan. Nakita kong nakasilip doon ang isang matandang lalaki. Nakangisi sya sa akin at tila nagkukulay pula ang kanyang mga mata. Nakaramdam ako ng takot nang makita ko sya. Ngunit hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanya. Pakiramdam ko ay nasa ibang mundo ako nang sumama ako sa lugar na pinagdalhan nya sa akin. Hinding-hindi ko malilimutan ang gabing iyon. Ang gabi kung saan nasaktan ako ng labis. Ang gabi kung saan napadpad ako sa isang lugar na hindi kanais-nais.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD