Chapter 5

2292 Words
Ehra Malaki ang naging epekto kay Charmaine ng video scandal na kinasangkutan nya. Pero sa likod ng isip ko ay lihim akong natutuwa. Ang pagkalugmok nya ang lubos na nagpapaligaya sa akin. Nasira na nga ang maganda nyang imahe sa buong Universidad. Nalaman din ito nina Uncle Jaime at Aunt Hilary. Kaagad na napabalik dito si Aunt Hilary dahil gusto nyang tulungan ang anak nyang nalugmok na sa kahihiyan. Simula ng malaking eskandalong iyon ay hindi na pumasok ang pinsan ko sa eskwela. Pakiramdam nya ay lahat ng mga tao ay hinuhusgahan sya. Nagkukulong na lamang sa kanyang kwarto maghapon ang kawawa kong pinsan. Palagi syang sinusuyo ng kanyang ama at ina ngunit wala na rin silang magawa. Lahat kami ay nakamasid kay Charmaine habang nakatalukbong ng kumot ang buo nyang katawan. "Mas maganda sigurong ilipat ka na lang namin sa ibang Universidad." Wika ni Uncle Jaime. Naupo si Aunt Hilary sa tabi ng kanyang anak at niyapos nya ito ng mahigpit. "Please anak, huwag ka nang magmukmok pa dyan. We are here for you. Nasasaktan din ako kapag nasasaktan ka." Sambit ni Aunt Hilary Nangingilabot ako sa eksenang ito. Kahit malaki ang ginawang kasalanan ng kanilang anak ay patuloy pa rin nila itong sinusuportahan. Hindi pa rin maitatanggi ang labis na pagmamahal nila para sa anak nilang si Charmaine. Samantalang ako? Naging mabuti akong anak sa mga magulang ko ngunit sa huli ay mas pinili pa rin nila akong iwan. Sa huli ay mas pinili nilang mag-isa akong mabuhay sa mundong ito at hindi man lang iniisip ang nararamdaman ko. Bahagyang nagtubig ang mga mata ko. Sa sobrang galit ng puso ko ay kinuyom ko ang aking mga palad. Dapat ay mawala ang tiwala at pagmamahal nina Uncle Jaime at Aunt Hilary sa pinsan ko. Dapat ay maramdaman nya rin kung gaano kasakit ang walang nagmamahal, walang nag-aalaga at walang may pakialam sa damdamin nya. Kailangan nya ring magdusa kagaya ko! Hindi pa rin umiimik o umaalis sa ilalim ng kumot ang magaling kong pinsan. Puro na lang iyak ang ginagawa nya maghapon. Mas mabuti na ring mag-aral sya sa ibang Universidad para ako na ang mag-reyna sa St. Mary's University. Hindi ko kailangan ng isang tulad nyang pariwara at wala ng pag-asa sa buhay. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ng mga magulang ni Charmaine. Nilapitan ako ni Uncle Jaime at marahang hinimas ang aking likuran. "Ikaw na ang bahala sa pinsan mo. Bukas na bukas din ay ieenroll sya ni Yaya sa ibang Universidad. Please Ehra. Alagaan mo ang pinsan mo. Hindi na namin sya masusubaybayan dahil sa sobrang daming trabaho. Kailangan pa naming asikasuhin ang business namin sa Canada." Wika ni Uncle Jaime Matipid namang ngumiti sa akin si Aunt Hilary. "Magagawa mo ba iyon Ehra? Kailangan nya ng tulong mo." Sambit naman ng ina ni Charmaine Marahan akong tumango. Nangiti sila dahil alam nilang tutulungan ko ang pinsan kong makabangon muli mula sa nalulugmok nyang buhay. Niyakap nila ako ng mahigpit. Ngunit nakangisi ako habang nagkukunwaring may pakialam sa pinsan ko. Ang hindi nila alam ay mas lalo kong hahatakin pababa ang pinakamamahal nilang anak. Nilisan na nina Aunt Hilary at Uncle Jaime ang mansyon dahil mas madami pa silang kailangang ayusin sa kanilang business sa Canada. Iniwan nila ang pangangalaga sa kanilang anak sa akin. Nagtiwala sila sa akin na tutulungan ko ang kanilang anak na maging normal muli ang kanyang buhay. Lumipas ang ilang araw ay parang unti-unting bumangon si Charmaine mula sa kalungkutang nadarama nya nitong mga nakalipas na araw. Ngunit hindi ako papayag. Kailangang maging miserable ang buhay nya. Ayokong makadama sya ng kahit kaunting kaligayahan. Gusto kong maramdaman nya na wala ng kwenta ang buhay nya. "Couz, mabuti naman at okay ka na? Papasok ka na ba? Sana maging okay ang bago mong school." Wika ko Pinaupo ko sya sa silya upang sabay na kaming kumain. Bakas ko sa mga mata nya na gusto nyang lumaban sa buhay. Pero pipigilan ko iyon. "Kailangan kong magpatuloy sa buhay Ehra. Kailangan ako nina Mommy at Daddy. Malulungkot sila kung lalo akong magmumukmok sa kwarto ko." Wika ng magaling kong pinsan. Nagsandok sya ng fried rice with egg sa kanyang plato. Humigop muna sya ng gatas bago sya sumubo ng pagkain. Hindi sya pwedeng bumalik sa normal. Kailangang masira ang buhay nya. Umarko ang kaliwa kong kilay habang pinagmamasdan ko sya. "Alam mo couz. Buti hindi ka nagtatampo sa mga magulang mo." Wika ko Bakas ko ang pagtataka sa kanyang mukha dahil sa mga sinabi ko. Ngumisi ako sa kanya. "Huwag kang maingay kina Uncle at Auntie. Pero parang sumuko na sila sayo eh. Mas importante ang business nila kaysa sayo." Wika ko Nasaksihan ko ang pagyuko ni Charmaine at alam kong unti-unting nabalot ng kalungkutan ang puso nya. Ngumisi ako nang makita ko ang kanyang reaksyon. "Si Uncle Jaime ay katulad lang din ng papa ko. Wala din syang pakialam sayo. Iniwan ka lang din nya, kagaya ng pag-iwan sa akin ni papa. Magkapatid nga sila." Wika ko Nagsimulang magtubig ang kanyang mga mata. Unti-unting lumiwanag ang puso ko dahil ito ang nais ko. Ang makaramdam sya ng matinding kalungkutan. "Ang sabi pa sa akin ni Uncle Jaime, bahala ka na raw sa buhay mo kung ano ang gusto mong gawin. Tama ba iyon?" Dagdag ko pa Napailing ako sa kanyang harapan. Ngunit tumayo ako at niyakap ko ang pinsan ko. "Don't worry couz, ako na ang makakasama mo ngayon. Pareho tayo ng sinapit mula sa mga magulang natin. Pareho nila tayong iniwanan at pinabayaan." Sambit ko Hindi mawala ang matalim kong ngiti dahil mukhang nabibilog ko na naman ang ulo ng pinsan kong tanga. "Kung ano ang magpapasaya sayo Couz gawin mo lang. Gusto mo ba mamayang gabi mag-bar  tayo? Magpakasaya tayo. We deserve to be happy Couz." Sabi ko sa kanya May patigilid akong ngiti sa kanya. Gusto kong bumigay sya sa mga hinain kong patibong. Uunti-untiin kong sirain ang buhay nya. "Okay Ehra.. I want to be happy. Please samahan mo ako." Wika nya Hinimas ko pa ang kanyang likuran upang lalo nyang maramdaman na kasama nya ako. Wala syang ideya na ako ang taong gusto syang malugmok sa kalungkutan. --- Pagdating ng alas syete ng gabi ay nagpunta kami ng pinsan ko sa isang bar sa Quezon City. Tinakasan namin ang mga tao sa mansyon. Walang nakapigil sa ginawa naming pagtakas. At ayoko rin namang may humadlang sa gagawin namin ngayon. Sa labas pa lang ng bar na iyon ay samu't saring mga tao ang nakapila at nag-uunahang makapasok doon. Magpapanggap kaming bente uno anyos upang madali kaming makapasok sa loob. Sinabihan ko rin ang aking pinsan na magsuot ng mga sexy  na damit upang mas kapani-paniwala ang mga edad na sasabihin namin. Sinunod naman nya ako dahil nagsuot sya ng crop top  at mini skirt na nagpalabas sa kanyang alindog at magandang hubog ng katawan. Pagtapat namin sa guard ay kaagad nya kaming ineksamin. "Ilang taon na kayo?" Tanong nito Napatingin sa akin ang pinsan ko at tila kinabahan sa tanong ng guard. I cleared my throat bago ako magsimulang magsalita. "Kuya, we are already twenty one years old. Papayagan ba kami ng mga magulang naming lumabas kung mga menor de edad kami?" Masungit na wika ko sa guard. Napakamot lang sa kanyang ulo ang guard at mukha namang napaniwala namin sya. Napangiti ako nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng bar. Pagpasok namin ay umiindak-indak na ang maharot kong pinsan. Wala pa ngang alak ang utak nya ay parang gusto na naman nyang magwala. Pag-kaupo pa lang namin sa couch ay may lumapit kaagad sa amin na tatlong naggagwapuhang mga lalaki. Sa tingin ko ay nasa edad bente tres pataas na ang mga ito. Halata ko sa kanilang ikinikilos ang maduming balak nila sa amin. Pero nagkakamali sila, dahil ang pinsan ko lang ang maaari nilang makuha ngayong gabi. "Hi there Beautiful ladies." Pagbati ng isa na may chinitong mga mata Kaagad nyang inakbayan ang pinsan kong si Charmaine at agad namang yumakap ang pinsan ko sa kanya. Ikinagulat ko ang ginawang iyon ng pinsan ko. Nag-iba ang ugali nya simula ng pagsamantalahan sya nina Nathan at Prince. At lalo na ng kumalat ang s*x video scandal nya. Parang naging agresibo sya sa lahat ng bagay. At ang ikinagulat ko pa ay nang halikan sya ng lalaking ngayon lang namin nakilala. Hindi pumalag ang pinsan ko bagkus ay tinugunan pa nya ang halik ng lalaking iyon sa kanya. Lumapit din ang isa pang lalaki sa pinsan  ko at sya naman ang yumakap at humalik sa kanya. Nakakadiri sila! Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nasasaksihan kong paghahalikan nilang dalawa. Nagulat na lamang ako ng bigla akong akbayan ng lalaking kasama nila at himasin ang maselang bahagi ng katawan ko. Dahil sa inis ay sinampal ko sya ng malakas. Buong pwersa  yata ang naibigay ko sa kanya. "Ah! What the heck! Ang lakas nun huh!" Sigaw nya sa akin Natigil sa paghahalikan ang pinsan ko at ang lalaking kasama nya. "Couz? What happened? Just enjoy the night okay?" Wika ni Charmaine Nang lingunin ko ang lalaking humawak sa akin ay nakadapo ang kanyang palad sa pisngi nyang sinampal ko. Nangingilabot ako sa kanila. Hindi ko kaya ang mga kalaswaang ginagawa nila. Umurong ako sa pinakadulong bahagi ng couch at hindi ko hinayaang may makalapit sa akin. Habang ang pinsan ko naman ay kung kani-kanino na nakikipaghalikan. Umorder sila ng napakaraming alak at pagkain. Nilasing nila ang aking pinsan. Ilang beses nila akong inalok ng alak ngunit tinanggihan ko sila. Ilang beses nilang pinagtangkaang makalapit sa akin ngunit iniwasan ko sila. "I thought you were just a bit.ch like your cousin. Tignan mo sya, dapat ganyan ka din ka-wild Miss." Bulong sa akin ng lalaking kanina pa gustong dumikit sa akin. Lalo akong lumayo sa kanya at hindi ko hinayaang masayaran nya ang kahit anong parte ng katawan ko. "Hindi ako kagaya ng pinsan ko. Kung sya nahahakikan at nahahawakan nyo kahit saan nyo gustuhin, pwes ibahin nyo ako!" Madiing wika ko sa kanya Napapikit ang isa nyang mata at tila natamaan sya sa lahat ng mga sinabi ko. Ang buong akala nya siguro ay madali nya rin akong makukuha kagaya ng pinsan ko. "Ooohh! I like that attitude! Sobrang tapang, pero alam ko namang bibigay ka din sa akin." Bulong pa nya Sa sobrang pagka-irita ko sa kanya ay naitulak ko syang palayo sa akin. Tumayo ako at pinakatitigan ko sya ng masama. At binigyan ko sya ng isang matinding sampal na hinding-hindi nya malilimutan! "Shi.t! Nakakadalawa ka na sa aking babae ka!" Sigaw nya Ngunit bago pa man sya tumayo ay tumakbo na akong palayo sa lugar na iyon. Hindi ko hahayaang makaganti pa sya sa akin. Malalaki ang mga hakbang ko habang palayo ako sa kanila. Iniwanan ko si Charmaine kasama ang tatlong lalaking iyon. Wala na akong pakialam kung ano ang gagawin nila sa pinsan ko. Ang mahalaga sa akin ay matakasan ko ang nakakasuklam na lugar na iyon. Hinding-hindi ko sisirain ang buhay ko kagaya ng ginawa ng pinsan ko sa buhay nya. Marunong akong mag-isip. Hindi ako kagaya ng pinsan ko na padalos-dalos sa kanyang mga desisyon. -- Simula noon ay naging pariwara na nga ang buhay ng pinsan ko. Lagi syang laman ng mga bar at kung sino-sinong mga lalaki ang kasama nya gabi-gabi. Sinira na nya ng tuluyan ang buhay nya kagaya ng nakasaad sa aking mga plano. Samantalang ako, natupad ko ang pangarap kong mag-reyna sa buong Universidad. Ako ang pumalit sa trono ng pinsan ko noon na pinakamaganda at pinakamatalinong estudyante ng St. Mary's University. Marami akong manliligaw at tagahanga na hindi ko naman pinapansin dahil mas prayoridad ko ang aking pag-aaral. "Very good Ehra. Nag-top ka na naman sa klase nyo. Mabuti ka pa at hindi sakit sa ulo namin ng Auntie Hilary mo." Pagbati sa akin ni Uncle Jaime habang kausap nya ako sa telepono. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Uncle Jaime. "Samantalang si Charmaine ay tuluyan nang pinabayaan ang sarili nya." Malungkot ang tinig nya Malawak ang naging ngiti ko nang marinig ko iyon sa kanya. "Uncle, sya ang may kasalanan kung bakit nagkaganyan ang buhay nya. Ilang beses ko syang pinigilan na huwag ng umalis sa gabi. Pero mapilit po sya. Mas masaya raw po sya kasama ang mga kaibigan nya." Wika ko Sandaling nanahimik ang kabilang linya. "Sige na hija. Magpahinga ka na. Kami na ng Aunt Hilary mo ang gagawa ang paraan upang tumino ang buhay ni Charmaine." Wika nya Tumalim ang mga ngiti ko. Kahit anong paraan ay wala na silang magagawa pa sa walang kwentang buhay ng kanilang anak na si Charmaine. Pagkatapos kong makipag-usap kay Uncle Jaime ay nagtungo ako sa kwarto ng pinsan ko. "Couz.." pagtawag ko sa kanya Napatingin sa akin si Charmaine na nuo'y abala sa kanyang cellphone. "Parang bagay sayo magpalagay ng tattoo. Bakit kaya di mo subukan? Ganti mo na rin yan kina Uncle at Aunt Hilary na masyadong abala sa mga business nila." Wika ko Napatingin sa akin si Charmaine. "Sa tingin mo bagay sa akin ang magkaroon ng tattoo?" Tanong nya "Oo naman. Magiging mas astig ka kapag mayroon ka nito." Sagot ko Sandaling napatitig sa kawalan ang pinsan ko habang iniisip ang mga sinabi ko. Alam kong bibigay din sya. Gusto kong mapuno ng tattoo ang buong katawan nya upang lalong madismaya sa kanya ang kanyang mga magulang. "Okay Couz! Bukas samahan mo ako. I want to have a tattoo. Matagal ko nang gustong gawin ito. Wala lang akong lakas ng loob." Sabi nya "Then go! Susuportahan kita dyan." Wika ko Hindi alam ng pinsan ko kung gaano kaligaya ang puso ko dahil sa mga padalos-dalos nyang desisyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD