Ehra Halos isang buwan ko nang hindi nakakasama ang anak ko at para akong pinapatay dahil sa nararamdaman kong kalungkutan. Nakabalik na ako sa hideout ng BuLeAg gang ngunit ang puso ko ay naiwan pa rin sa aking anak. Sya pa rin ang dahilan kung bakit tumitibok ang puso ko, ngunit paano na ngayong hindi ko na sya nakakasama? Pakiramdam ko ay kulang na ang itinitibok ng puso ko. Hanggang ngayon ay iniisip ko ang kalagayan nya. Umiiyak sya kapag hindi ko sya nayayakap at nabubuhat noon. Ano kaya ang ginagawa nina Leon at Manang Corazon ngayon sa tuwing hahanapin ako ng anak ko? Parang pinupunit ng pinong-pino ang puso ko sa tuwing maiisip ko na wala ako sa tabi ng anak ko para patahanin sya. Ilang araw kaya syang umiyak dahil hindi na nya ako nakakasama? Sa murang edad ng anak ko

