Leonardo POV Isang malaking bangungot ang nangyari sa buhay ko nang sumama si Ehra sa kanyang grupo at binalikan nya ang dati nyang buhay. May balak pa syang isama ang aming anak sa mundong ginagalawan nya dati na labis na nagpadurog sa puso ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak nya dahil ang buong akala ko ay tinalikuran na nya ang pagkatao nya bilang si Leon. Tila dinudurog ang puso ko habang nakamasid lamang ako sa puting van na sinasakyan nila paalis ng aking mansyon. She left me with tampered soul. I wish she knew how much it destroyed me when she left. Mahigpit kong niyakap ang aking anak. Hindi ko alam kung maibabalik ko pa ang kanyang ina. Hindi ko alam kung makakasama pa namin sya. Ngunit ang mas ikinatatakot ko ay tiyak na isang araw ay babalikan nya ang

