Ehra Nailipat na sa pribadong kwarto ang aking anak at may kinabit na dextrose sa kanya ang mga nurse upang hindi sya madehydrate. Halos wala kaming tulog ni Paris kakabantay sa anak kong si Joonie. Hindi maaaring tulugan ang kalagayan nya lalo na at kinukumbulsyon sya. Anu mang oras ay maaari na naman syang atakihin ng pangingisay. Naaawa talaga ako sa kalagayan ng anak ko ngayon. Nang pumasok naman ang doctor sa aming kwarto ay halos madurog ang puso ko nang malaman ko ang resulta ng mga laboratory tests ng aking anak na si Joonie. Tila nabingi ako sa mga ibinalita nya sa akin. “His dengue test result is positive. Bumaba na rin ng husto ang kanyang platelet count. Kapag nagpatuloy pa sa pagababa ang platelet count nya ay maaari nya itong ikamatay. Hindi ko kayo tinatakot. Sinasabi

