Ehra Hindi nagdalawang isip si Leon na magbigay ng dugo para sa anak naming si Baby Joonie. Sya pa nga mismo ang umaapura sa mga nurse at doctor na madaliin ang pagsalin ng dugo sa bata. Ramdam ko ang pagiging ama nya kay Baby Joonie. Dama ko ang labis na pagmamahal nya sa bata. Kitang-kitang ko rin ang labis na pag-aalala nya sa aming anak. Ramdam ko rin ang pangungulila nya sa kanyang anak. Biglang may kumurot sa puso ko dahil alam kong tinitiis nya lang ang lahat ng sakit nang mawalay sya sa anak namin. Nang makuhaan sya ng dugo ay nanatili sya sa tabi ng anak namin. May ilang tests pa na gagawin sa dugo na kinuha kay Leon bago tuluyang masalinan ng dugo si Baby Joonie. Nang mapadako ang tingin ko kay Paris ay mayroon syang mga nanlilisik na mga mata para kay Maranzano. Sa paraan n

