Leonardo Sakay kami ng motor boat nina Manang Corazon at Tatang Mencio at dinala namin si Ehra sa bayan ng Mabocay, kung saan may pinakamalapit na ospital doon. Halos magtriple ang kalabog ng puso ko dahil sa sobrang takot. Hindi gumigising si Ehra at kitang-kita ko ang maputla nyang labi. Nakakakilabot ang kanyang lagay habang nakahandusay sya sa mga bisig ko. Tila wala na syang buhay pero may pulso pa sya ng i-check ko ito. Panay ang dasal ko sa may kapal na sana ay walang mangyaring masama sa kanya. Walang kaalam-alam sina Missy at Charmaine sa nangyari kay Ehra. Naiwan sila sa isla na masarap at mahimbing ang tulog. Idineretso namin sa emergency room si Ehra. Kaagad naman kaming inasikaso ng mga nurse at doctor doon. Wala ako sa aking sarili habang kinakausap ako ng mga nur

