Pasado alas kuwatro y medya ng tuluyang makauwi si Jherone sa kanilang bahay. At dahil gabi pa ng mga sandaling iyun ay nagpasiya muna siyang umidlip kahit saglit. May sarili naman siyang susi ng mismong kanilang bahay kaya kahit anong oras ay makakapasok siya dito. Alas diyes pa naman ng tanghali ang kanyang pasok kaya makakapagpahinga pa siya ng ilang oras.
Matapos siyang makapasok sa sarili niyang kuwarto ay pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama.
May ngiti sa kaniyang mga labi ang sumilay dito. Kakaibang ngiti na ngayon lamang niya naramdaman simula ng maging sila Ynno. Mga ngiting nagbibigay sa kanya ng inspirasyon sa bawat araw na nakikibaka siya sa hamon ng buhay.
Ilang saglit na nanatiling nakahiga si Jhe sa kama niya habang tulalang nakatitig siya sa kisame ng kanyang silid. Ilang minuto siyang nasa ganung tagpo. Hanggang sa napagpasiyahan niyang busisiin ang regalong bigay sa kanya ni Ynno. Mula sa pagkakahiga niya sa kama ay bahagya siyang bumangon para abutin ang pulang gift wrap na nakapatong sa table lamp na malapit sa may gilid ng kanyang higaan. Medyo may kabigatan ang regalong kaniyang kinuha mula sa kinalalagyan nito. Nang masalat niya ang nasa loob nito pakiwari niya`y nakalagay pa ito sa box bago tuluyang ibinalot sa gift wrap.
Excited niyang binaklas ang balot ng regalong iyun sa kaniya ni Ynno. Tama ang kaniyang hinala nakalagay pa nga sa box na kulay brown.
Laking gulat ni Jhe ng mismong tumambad sa kanyang mga mata ang laman ng kahon. Isang malaking larawan na siya mismo ang nakapinta doon. Sa kanang bahagi ng kaniyang larawan ay nakasulat doon ang anim na stanza ng tula na nakasulat sa wikang tagalog. Ang tula ay may pamagat na "Kasalanan Bang Ibigin Ka? Sinimulan niyang basahin ang nilalaman ng tula ni Ynno para sa kanya. Habang binabasa iyun ni Jhe ay masayang-masaya siya. Dahil ang bawat katagang nakasulat doon ay ramdan na ramdam niya ang nais ipabatid ng makatang si Ynno. Mga katagang kahit sinuman ang pag-alayan nito ay talaga namang mabibighani dahil sa kariktan ng mga salitang ginamit upang makabuo ng isang obra-maestrang tula. Tagos sa kaibuturan ng puso niya ang talinghaga at haraya ng likhang sining ni Ynno. Para kay Jhe ay napaka-special niya ng mga panahong iyun. Sino ba naman siya para pag-alayan ng ganung uri ng tula. Dinaig pa niya ang babaeng bida sa isang telenobela.. Pakiramdam niya`y ang haba-haba ng buhok niya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na iyun. Isang napakahalagang regalo ang natanggap niya para sa taong itinatangi ng kaniyang puso. Kung gaano ang pag-iingat niya para sa puso ni Ynno ay ganun ding pag-iingat at pagpapahalaga ang iaalay niya para sa ginawa nitong tula para sa kaniya.
Ikinulong ni Jhe sa pamamagita ng kaniyang mga braso ang hawak niyang photo frame. Mahigpit ang iginawad niyang pagkakayakap dito. Yakap na sana ay si Ynno na ang nasa mga bisig niya ngayon.
Mula sa bulsa ng pantalon na suot niya kanina ay kinuha doon ang kanyang cellphone. Nagsimula siyang mag-type ng mensahe para ipadala sa kanyang asawa, kay Ynno.
"Asawang Ynno ko,
Sobrang saya ko ng mga sandaling ito. Maraming salamat sa effort mo. Nakakataba naman ng puso. Salamat at dumating ka sa buhay ko. Hinding-hindi ko pagsisisihan iyun. Salamat sa pagtanggap mo sa akin bilang ako. Napakaganda naman ng iyung tula. First time kong makatanggap ng ganito. IIngatan ko ito tulad ng pag-iingat ko sa puso mo. Mahal na mahal kita hanggang sa huling hibla ng buhay ko. Mananatili kang bahagi ng pang araw-araw kong buhay . Ingat ka palagi, asawa ko.
-Jhe Ramirez
Ito ang mga mensaheng ipinadala niya para kay Ynno. Matapos siyang makapag-chat dito ay bumallik siya pansamantala sa kanyang pagkakahiga sa kama na nagawa niya muling yakapin ang photo frame ng tula na gawa ng taong minamahal niya. Pumikit siya sandali. Dinama niyang muli ang photo frame na nagkakanlong sa kaniyang mga braso. Saka buong lakas niyang pinakawalan ang isang bugtong hininga. Inisip niya na sana`y wala ng katapusan ang kanilang pagsasama. Na kahit lingid pa iyun sa kaalaman ng kanilang pamilya`y hindi sila mapaghihiwalay ng mga ito. Na kahit anong mangyari ay ipaglalaban nila ang kanilang karapatan bilang kasapi ng l***q+ Communuty. Tuluyan ng nakatulog si Jhe pasado na alas singko ng umaga. Nakatulog siyang may bibit na di maipaliwanag na galak sa kaibuturan ng kanyang puso. Walang mas sasaya pa para kay Jhe dahil natagpuan na niya ang totoong taong magmamahal ng lubos sa kaniya dahil tanggap nila pareho ang tunay nilang mga pagkatao. Tanging sila lang ni Ynno ang magkakampi dahil sila lang ang nakakaunawa sa kanilang tunay na nararamdaman para sa isa`t-isa. Sila ang higit na dapat nagdadamayan sa lahat ng pagkakataon.
Mumukat-mukat si Ynno na hinarap niya ang kanyang cellphone habang patuloy parin siyang nakahiga sa kanyang kama. Sumilay sa matatamis nitong mga labi ang ngiting naging dahilan kung bakit naging maganda ang gising niya bandang alas nuwebe ng umaga ng araw na iyun kinabukasan. Paano ba naman ay ang mensahe ni Jhe ang bumungad sa kanya matapos niyang tingnan kung kaninong mensahe ang natanggap niya. Buong detalye niyang binasa ang mensaheng nagmula kay Jhe. May galak din sa kanyang puso ang nabuo ng mga sandalin iyun. Galak na dulot iyun ng kanilang pinagsaluhan dulot ng kanilang wagas na pag-ibig para sa isa`t-isa ng nagdaang gabi mula sa hotel kung saan sila parehong nagpalipas ng buong magdamag. Ang naganap sa kanilang dalawa ay hindi rin pinagsisihan ni Ynno. Mahal na mahal niya si Jhe ng buong puso. Ito na ang kanyang inspirasyon sa pagsusulat at kung bakit nakagawa din siya ng tula na iniregalo niya para kay Jhe. Mula sa hawak niyang cellphone ay nag response siya sa mensahe ni Jhe. Sa haba ng ipinadala nito sa kanya ay emoji lang na heart ang inisend ni Ynno na may kasamang mwuuaahhh...mwuaahhh..tsup..tsup!!! Saka niya ito inisend kay Jhe bilang tugon sa mensahe nito sa kanya. Hindi na niya kailangan pang habaan ang mensahe dito. Ang naganap sa kanila kagabi ay sapat ng batayan para ipadama niya kay Jhe ang sobra-sobrang pagmamahal para dito. Ang mahalaga ay kung ano ang isinisigaw ng kanilang mga puso. Iyun ay ang di matatawarang pagmamahal na di matutumbasan ng kahit na anong materyal na bagay.
Habang nakahiga siya`y naisipan niyang buksan ang regalong ibinigay sa kanya ni Jhe dahil sa nagdaang monthary nila kahapon. Maingat niya itong kinuha sa pagitan ng kanyang mga unan sa may bandang kaliwang ng hinihigaan niyang kama kung saan ito nakapatong. Nakangiti niyang binuksan ang nasa loob ng box. Isang kulay navy blue na polo shirt ang nasabing regalo sa kanya ni Jhe. Inamoy-amoy niya ang regalong t-shirt sa kanya ni Jhe. Saka niya inalis sa tapat ng kanyang ilong ang polo shirt. Amoy niya ang bangong nagmumula sa damit. May ngiting nabuo sa mga labi ni Ynno. Mga ngting hindi niy batid kung saan bahagi ng kanyang puso ito nagmumula. Ang mahalaga ay masaya silang nagmamahal ng kanyang asawang si Jhe. Iyun ang patuloy at patuloy nilang panghahawakan habang sila`y nabubuhay sa mundong lipos ng mapanghusgang lipunan. Kapit-bisig silang lalaban upang panindigan nila ang kanilang kasarian at karapatan bilang isang indibiduwal na mamamayan. Ito ang kanilang kalasag sa lahat ng pagkakataon.