"Saan ka na naman ba galing at mukhang madaling araw ka na umuwi? puna ni Aling Rose kay Jhe habang ito ay abalang nagluluto sa kanilang kusina ng tanghaling iyun.
"Nagkayayaan lang po ang tropa kagabi, napatagay ng kunti kaya madaling araw na po ako nakauwi," kaila ni Jhe habang nakaupo at nakaharap siya sa lamesang kinakainan nila sa kusina. Kapagdaka`y humigop siya ng mainit na kape. Ito na ang routin niya kapag madalas siyang napapainom sa kanyang mga tropa. Pero ang totoo ay hindi naman talaga ang kanya mismong tropa ang kainuman niya kagabi kundi si Ynno na kanyang nobyo.
"Naku Jhe, tropa ka nang tropa Inum nang inum. Mas mabuting ang atupagin mo iyang trabaho mo.
Ang kaiinum mong na iyan walang maidudulot na mabuti sa katawan mo," ang mahabang talak ng kanyang ina.
Sa panig ni Jhe ay wala siyang naging tugon sa sinabing iyun ng kanyang nanay. Nanatili siyang nakaupo habang ninanamnam niyang ubusin ang kanyang tinimplang kape. Iyun naman ang nakaugalian na ni Jhe hindi na siya nakikipagsabayan pa sa kanyang nanay kapag nagsesermon ito. Hinahaayan na lamang niya itong pakinggan. Kung anuman ang sinasabi nito na hindi maganda sa kanyang pandinig pasok sa kabilang tainga labas sa kabila. Mai-stress lamang siya kung papatulan pa niya ito. Saka mabait siyang anak. Hindi niya nakasanayan na sumagot ng pabalagbag kapag pinagsasabihan siya lalo na kung ito naman ay para sa kanyang ikabubuti.
"M-mamaya nga pala bago ka umalis mag-iwan ka ng pambayad ng kuryente. Alam mo naman siguro na duedate na iyun ngayon. Mahirap ng maputulan ng kuryente dahil iyang dalawa mong pamangkin hindi makatulog sa gabi kapag walang electricfan na nakatutok sa tuwing matutulog," si Aling Rose ulit habang abala sa paghuhugas ng kaniyang mga pinaglutuan na nakatambak sa lababo.
"Sige ho nanay iiwan ko nalang mamaya bago ako pumasok sa trabaho. Ipapatong ko sa may kalapit ng tv sa sala," malumanay na tugon ni Jhe. Siya lang naman kasi ang inaasahan ng kanyang nanay sa mga bayarin nila buwan-buwan. Ang tubig at kuryente. Madalas din siyang nakakapag-abot sa kaniyang nanay ng pera pagdagdag para sa pang araw-araw nilang gastusin dito sa bahay. Hindi naman ganoon kalakihan ang kaniyang tinatanggap na suweldo mula sa isang supermaket kung saan siya dito nagtatrabaho bilang supervisor. Kaya sapat lang at kung minsan ay kulang na kulang para kay Jhe. Minsan na lamang siyang makagala dahil kung gagala pa siya ng madalas, ibibigay nalang niya ang perang kaniyang gagasutusin sa kaniyang nanay. Ang kapatid kasi niyang babae na may dalawang anak na lalaki sa pakadalaga ay hindi niya maobligang magbigay sa kanilang nanay ng pera kahit papaano. Mas inuuna kasi nito ang luho. Mahilig gumala kasama ang mga kaibigan at katrabaho lalo na kung araw ng weekend. Lahat ng perang suweldo nito mula sa isang manufacturing Company ay sa kung saang walang kapararakang bagay lamang napupunta ito. Kapag naman kinakusap niya ang kaniyang ate Jessie tungkol sa bagay na iyun ay madalas lamang silang nagtatalo nito. Mataas din kasi ang pride nito. Matigas ang ulo at hindi nakikinig sa payo ng kanilang nanay at tatay. Kaya sa halip na mag-away sila nito hinahayaan na lamang ito ni Jhe.
"T-tito Jhe! Tito Jhe! Pahingi akong bente pesos bibili lang ako ng ice-cream mamaya," ang malakas na sigaw ni MJ. Na nasa limang taong gulang habang patakbong papasok ng kanilang bahay mula sa labas galing ito sa pakikipaglaro.
"A-ako din! Ako din! Tito Jhe! Pahigi din akong bente pesos," ang malakas na sigaw din ni EJ. Apat na taong gulang. Mas bunso ito kay MJ. Kasunod din itong pumasok ng kanilang bahay. Parehong tagaktak ang pawis ng dalawang bata. Bakas iyun sa kanilang ulo na butil-bitil ang nagmumulang pawis dito. Basang-basa din ng pawis ang kanilang mga likod. Napansin iyun ni Jhe. Nag-alala siya para sa dalawa niyang pamangkin.
"S-sige, bibigyan ko kayo ng tig-bente pesos pero sa isang kondisyon," banta ni Jhe na nakatinging tinitigan ang dalawa niyang pamangkin na sina MJ at EJ.
"Ano naman po iyun, tito Jhe?" ang walang kagatul-gatol na tugon ng madaldal na si MJ.
"Bibigyan ko kayo ng tig-bente kung magpupunas kayo ng inyong mga pawis at magpapalit kayo ng inyong mga basang damit, " wika ni Jhe na seryoso ang pagtugon niya sa dalawang bata.
"Y-eheeeyyy!!! Opo tito Jhe. Sabay na sigaw nina MJ at EJ. Umakmang lumukso pa itong si MJ dahil sa sobrang tuwa at saka kumaripas ng pagtakbo papunta sa kanilang kuwarto para magpunas ng pawis at magpalit na rin ng damit. Ganun din naman ang ginagawa ni EJ. Nakipagpaunahan siya sa kaniyang kuya MJ.
Sobrang napakalapit ng loob kay Jhe ng dalawang bata. Madalas kapag dumadating siya mula sa work ay nakaabang na agad sa kaniya ang mga ito sa pintuan ng kanilang bahay. Mahal ni Jhe ang dalawa niyang pamangkin. Mahal na mahal. Isa kasi ang mga ito sa nakapagpapawala ng pagod niya. Bukod kay Ynno na kaniyang nobyo na ngayon At lingid pa iyun sa kaalaman ng kaniyang pamilya. Sana balang araw huwag siyang husgahan ng mga ito kapag nalaman nila ang katotohanang lalaki ang kaniyang karelasyon. Iyun ang madalas na ipinagdadasal ni Jhe bago siya matulog sa gabi. Sa tuwing mag-aabang ang dalawang bata sa kaniya ay hindi ito nawawalan ng pasalubong galing kay Jhe. Minsan candy at chololate. Minsan naman ay pizza at siopao. Labis ang kasiyahan ng kaniyang dalawang pamangkin kapag may pasalubong siya para sa mga ito. Itinuring na niya itong parang siya na ang ama ng dalawang bata. Dahil isang taon pa lamang noon si MJ at ipinagbubuntis ng kaniyang ate si EJ ay hinding-hindi na simula noon nagpakita sa ate Jessie niya ang dati nitong asawa. Nabalitaan nalang nila isang araw na may iba na pala itong kinakasama kaya bihirang umuwi sa kaniyang ate Jessie.
Matapos makapagligo at makapagbihis ang binatang si Jhe ay nagpasiya na siyang pumasok sa trabaho niya. Iniwan niya sa may kalapit ng tv ang hininging pambayad ng kuryente ng kaniyang nanay na si Aling Rose. Iniwanan din niya ng tig-bente pesos ang dalawa niyang pamangkin bago siya umalis sa kanilang bahay. Labis ang kasiyahan ng dalawang bata ng mapasakamay ng mga ito ang perang tig-bente pesos sina MJ at EJ. Iyun na ang kaligayahan ng dalawang bata na sa murang edad ay inabando na sila ng kanilang iresponsableng ama. Nang simulang ipanganak ng ate Jessie niya si EJ ay hindi na simula noon nagpadala ng sustento ang tatay ng dalawang bata. Kaya puro asa din ang kaniyang ate sa kaniya at sa kanilang mga magulang. Ang tatay nilang si Mang Jess na isang marangal na tricycle driver ay hindi rin naman sasapat ang kinikita nito sa pamamasada dahil sa dinami-dami ng tricycle sa buong Calamba at may kamahalan din ang pamasahe ay mas gusto ng nakararami na maglakad nalang papuntang SM at palengke dahil isang kilometro lang naman ang layo nito sa kani-kanilang mga bahay. Simula kasi ng matapos ang termino ni Mang Jess sa pagiging kagawad ng kanilang baranggay ay hindi na ito nagpasiyang tumakbo bilang kapitan sa kanilang nasasakupan. Lalo na at may edad na rin ito. Mas binigyan niya ng pansin ang pamamasada at kahit medyo matumal ang kitaan mahalaga ay may income na pumapasok kahit papaano sa loob ng isang araw. Hindi na rin kasi nagba-boundery si Mang Jess sapagkat sarili na ito ng tatay ni Jhe. Regalo ito ni Jhe sa kaniyang tatay at nanay ng mag-25th wedding Anniversary ito dalawang taon na ang nakalilipas. May ipon pa siya noon at para masorpresa ang kaniyang tatay at nanay ay napagpasiyahan niyang isang brand new tricyle ang iregalo niya sa kanilang mga magulang. Labis ang tuwa ng dalawang matanda dahil biniyayaan sila ng isang anak na katulad ni Jhe. Bukod sa mabait na ay maalalahanin pa para sa kapakanan ng kanilang pamilya.