Chapter 7 (Ang Bulong-bulungan)

1356 Words
Araw ng Huwebe noon. Masayang naglalakad si Jhe ng hapong iyun galing sa work niya. Pagkatapos niyang makababang pampublikong sasakyan ay binaybay niya ang makitid na kalsadang papasok sa mismong bahay nila. Dala niya ang pack  bag na kulay itim na nalalagyan ng kaniyang mga gamit para sa trabaho.  Sa di kalayuan ay may limang batang naglalaro ng Jolen malapit sa gilid ng kalsada. Lahat ay nakatayo. Maingay sila habang nagsisipaglaro. Sa kasunod na kanto kung saan paliko sa kanilang bahay ay may babaeng nagtitinda ng ihaw-ihaw. Tatlo sa kanila ay numero unong tsismosa sa kanilang baranggay. Sila iyung makabagong CCTV Camera na buhay. Nagpatuloy si Jhe sa kaniyang paglalakad na maganda ang awra ng maaliwalas at bilugan niyang mukha. Nakangiti siya bawat taong makaksulubong niya sa palalakad. ang iba ay kakilala niya. Ang iba naman ay pamilyar lang sa mukha pero hindi niya kilala ang pangalan ng mga ito.  Pagtapat niya mismo sa may nagtitinda ng inihaw kung saan nandoon ang tatlong tsismosa sa kanilang nasasakupan ay napahinto si Jhe saglit sa paglalakad. Nagbubulungan ang tatlong babae na sa palagay niya`y siya mismo ang pinag-uusapan ng mga ito. Nasa gulang na kuwarenta y singko ang dalawa at ang isa naman ay humigit kumulang siguradong nasa singkuwenta y uno na ang gulang nito. "A-alam niyo ba mga kumame  aba ay mantaking ninyong iyang si Jhe daw e nakita ng anak  ni kumareng Lourdes na may kasamang lalaki  ng pumasok sa isang mamahaling hotel noong isang linggo diyan sa Crossing Calamba. Aba, ay lasing na lasing daw iyan at halos hindi makalakad papasok ng hotel," ang mahabang paliwanag ni Aling Liza na pinaarte pa nito ang tono ng pananalita. isa sa mga batikang tsismosa sa kanilang baranggay. "Aba! Ay umaalembong na! Ngayon lang nagdalaga at namukadkad na rin ang bakla!" ang pangungutyang wika ni Aling Nena na sinabayan pa nito ng malakas na pagtawa. "Hay naku mga kumare, masanay na kayo. Sa panahon ngayon uso na ang relasyong lalaki sa lalaki," Mga matong nag-eespadahan! Mga buhay pa sinusunog na ang kaluluwa nila sa impiyerno,"  singit ni Aling Susan na nagawa pa nitong lakasan talaga ang boses para ipakinig iyun kay Jhe na malapit lang ang mga ito sa kaniyang kinatatayuan. Sa narinig na iyun ni Jhe, pakiwari niya`y pinagsakluban siya ng langit at lupa. Hiyang-hiya siya sa kaniyang sarili ng makinig niya ang mga sinabing iyun ng mga tsismosang walang ibang ginawa  kundi  sirain ang buhay nang may buhay. Maluha-luha siyang hindi niya malaman ang gagawin kung tatakbo o lalakad ba siya ng mabilis papalayo para pansamantalang mawala sa paningin niya ang mga babaeng iyun na panira ng araw niya. Sa halip na usisain ni Jhe ang tatlong tsismosa ay siya na lamang itong nagpakumbaba. Taas-noo pa rin siyang naglakad palayo sa tatlong impaktong iyun. Para sa kaniya siya pa rin ang tama. Mali man sa paningin ng mga ito ang relasyon nilang dalawa ni Ynno ang mahalaga ay wala silang tinatapakang dignidad ng ibang tao. Mamatay silang may inggit na dala-dala sa kanilang mga puso. Iyun ang nabuo sa isipan ni Jhe. Masama ang loob ni Jhe ng mga sandaling iyun. Hindi niya pinansin ang dalawa niyang pamangkin na kanina pa naghihintay sa kaniyang pagdating.  "H-hi tito Jhe! Bungad agad ni MJ ng masilayan niyang nakarating na ang kanilang tito mula sa trabaho nito. Si MJ ang madalas na bumati kay Jhe kapag dumadating siya. Walang pagtugon na nagmula sa binata. Bagkus ay dumiritso siyang pumasok  sa kaniyang silid. Matamlay siyang nahiga sa kama na hindi nagawang magpalit ng kaniyang uniporme mula sa kaniyang trabaho. Mula sa pagkakahiga niya ay pansamantalang ipinaubaya niya ang patang katawan sa malambot na kama. Tumitig siya sa kisame. Saglit nag-isip ng malalim. Ilang minuto din iyun. Saka bumuntong-hininga ng malalim. Iginiya niya ang paningin sa frame na nakasabit sa tapat ng kama. Kaya sa tuwing magmumulat siya ng mga mata para gumising ay ito agad ang matutunghayan niya. Ang larawan niya na mismong siya ang nakapinta doon. Ang regalong natanggap niya mula kay Ynno. Pansamantalang nawala sa isipan ni Jhe ang eksenang naganap kanina sa may labasan. Napukaw ang atensyon niya sa tulang nakasulat sa kaniyang larawan. Tula iyun ni Ynno para sa kaniya. Kinilig siya bigla ng muli niyang mabasa ang mga katagang nakasulat doon. Na kahit ilang ulit na niya itong basahin ay hinding-hindi siya magsasawa. Napakaganda naman talaga kasi ng mga linyang nakasulat doon. Nakakapukaw ng damdamin. Masarap namnamin kung ba ga sa pagkain ang pag-uusapan at ikumkumpara ang tula ni Ynno para dito. May ngiting dumungaw sa kaniyang mga labi. Ngiting tumatagos sa kaniyang puso at kaluluwa. Ngiting hindi na sana magmamaliw.  Ilang minuto pa ang matuling lumipas. Nagulat bigla si Jhe ng lumangitngit ang dahon ng pinto ng kaniyang silid. Bahagya iyung bumukas at umangat ng kunti ngunit walang nilalang na lumabas mula dito. "M-Mj, Ikaw ba iyan?" usisa ni Jhe. Ngunit walang sumasagot na pangalan sa tinuran niya. Katahimikan ang naganap saglit. "MJ, ikaw ba iyan?" muling tanong ni Jhe na medyo malakas ang tono ng salita nito. "Tito Jhe, galit ka po ba sa akin? malunay na tugon ni MJ na nasa likod ng pinto habang nagkukubli siya dito ng palihim. Medyo mangiyak-ngiyak ang tono ng salita ni MJ. Mukhang nagtatampo dahil hindi siya pinansin ni Jhe kanina. "Hindi ako galit. Pagod lang si tito Jhe kanina," paliwanag ni Jhe. "Talaga po ba tito," paniniyak ni MJ sa kaniyang tito. "O-oo. Mas lalo akong magagalit sa `yo kapag hindi ka nagpakita sa akin,"  pananakot ni Jhe sa kaniyang pamangkin. Pero ang totoo ay nagbibiro lamang ito para lumabas sa likod ng pinto si MJ. "O-opo tito Jhe, lalabas na po ako," agad na tugon ng bata kasabay ng pagtalima nito sa kaniyang tito Jhe. Mabilis itong tumakbong papalapit kay Jhe. Sumampa si MJ sa kama ni Jhe at yumakap ito ng mahigpit. Sa ginawang iyun ng bata ay napayakap na rin si Jhe sa kaniyang pamangkin. Mahigpit. Katahimikan ang naganap sa kanilang pagitan bilang mag-tito. Si Jhe na ang kusang kumalas sa pagkakayakap niya kay MJ. Naupo naman sa tabi niya ang batang pamangkin niya.  "Gusto mo ba ng pasalubong?" tanong ni Jhe na ini-fucus ang paningin sa bata. "Opo naman po tito Jhe," agad at masiglang tugon ni MJ. "Sige, kung ganun kunin mo ang itim kong bag,"  utos ni Jhe. "Iyung bag na nakapatong sa bangko na kulay itim, MJ" muling utos niya. "Yes po tito ko," si MJ na mabilis na sumunod siya sa kaniyang tito Jhe. Excited na iniabot ni MJ ang itim na bag sa kaniyang tito Jhe. Nagawa pa nitong lumundag-lundag sa kama ni Jhe dala ng kasabikan dahil sa ibibigay sa kaniyang pasalubong ng tito Jhe niya. "Charraaaannnn!" sabay labas ni Jhe ng kaniyang pasalubong sa dalawa niyang pamangkin. "W-wooow!!! Nanlaki ang mga mata ni MJ dahil sa kaniyang nakita. Dalawang pirasong chocolate iyun na katamtaman ang laki. Muling naglulundag sa kama ni Jhe ang tuwang-tuwang si MJ habang sabay nito hawak-hawak ang dalawang piraso ng chocolate. "Yeheey! Yeheey! Yeheeey! ang paulit-ulit na bulalas na MJ habang nasa kaniya pa ring mga kamay ang naturang chocolate. Lundag dito. Lundag doon. Iyun ang ginawa ni MJ sanhi ng labis niyang kasiyahan bilang bata. "MJ, stop na," saway ni Jhe kay MJ. "Yes po tito Jhe ko. Salamat po sa pasalubong mo sa amin ni EJ," wika ni MJ na nagawa nitong gawaran ng isang matamis na halik sa pisngi ang tito Jhe niya. Sa ginawang iyun ng bata ay hindi na nagtataka pa si Jhe. Sanay na siyang palaging hinahalikan sa pisngi ng kaniyang mahal na pamangkin. "Sige na MJ, paghatian na ninyo ni EJ ang dala kong chocolate, hah? Huwag kayong mag-aaway tig-isa kayo diyan ng kapatid mo," paalala ni Jhe sa bibo niyang pamangkin. "Yes! Yes! Tito Jhe," biglang sagot ni MJ. At patakbo na itong lumabas ng kuwarto ni Jhe para ibigay sa nakababata niyang kapatid ang pasalubong nila na mula sa kanilang tito Jhe. "Ang mga bata talaga," iyun na lamang ang tanging nasambit ni Jhe ng mga sandaling Iyun. Sabay iling sa sarili na sinabayan pa niya ng isang matamis na pagngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD