ACE'S P.O.V UMAKTONG bata si Xenon nang biniro ni Ace sa nais malaman. Hanggang ngayon kasi ay puro laro lamang siya at walang seneryosong babae. Ang sa kanya lang sana ay kung may posibilidad ba ang kanyang mga naiisip. "Sige pagtawanan mo ako diyan, sa ilang araw mong hindi pagpapakita diyan sa mag-iina mo ay magdasal kang hindi magagalit si Lauren sayo. Natitiyak kong outside de kulambo ka na naman. Alam mo 'yong ugali no'n!" pananakot pa ni Xenon. "Hey... Tila pinagdasal mo pa yata mangyari 'yan ha!" pinandilatan ng mata ni Ace si Xenon sa seryoso nitong ganti. "Hindi ah! Sinasabi ko lang ang totoo, iisipin no'n sa tuwing kailangan ka nila ay wala ka!" Napabuntong-hininga si Ace, naisip na niya iyon ngunit umaasa siyang hindi sana ito magalit. Naisin man niyang makasama ang d

