ACE'S P.O.V "Ahm, Dad, ako na lang ang bahala sa problema ko. Itutoy ko na lang ang pagpapakasal sa kanya total mayroon namang divorce kapag hindi kami magkasundo. Ayaw ko lang maapektuhan ang pangalan ng pamilya natin. At ayaw ko na madamay kayo sa gulo ko kaya ang mas mabuti ay pagbigyan sila alang-alang sa ating reputasyon," pinal niya saad. Marahas na napabuga ng malalim na hininga ang kanyang ina. Kahit na pinaliwanag na ni Ace ay labag pa rin sa kanyang loob ang pagpapakasal dito. "Hindi ba kayo natutuwang magkaapo? Hindi ba't iyon naman ang gusto niyo?" Tila may pabawing salita si Ace at tinutukso ang ina sa darating na apo. Matagal na nilang inaasam na magkaapo at naitiyak niyang matuwa ang mga ito na sa wakas ay may apo na sila. Natahimik ang mag-asawa na nagpapalitan ng ti

