LAUREN'S P.O.V ANG lakas ng t***k ng puso ko nang magkasalubong ang aming mga mata. Nanigas ako sa kinatatayuan na hindi alam ang gagawin. Masa harapan ko siya at sa mismong araw pa ng anak namin siya nagpakita. "Lauren, siya ang kuya Ace ko," ani Allyson na walang kamuwang-muwang sa nakaraan. "Dear, paupuin mo ang iyong mga bisita," kalmadong wika ni Daddy. Nakikita ko ang pamumula ng mga mata ni Daddy. Nababasa ko ang galit niya na kinikimkim noon pa man. Kilala niya ang pamilya ni Ace matapos kong ipagtapat sa kanya noong humiling akong magpakalayo-layo. "H-Halikayo, dito tayo sa mesang nakalaan para sa inyo." Nagawa kong kalmahin ang sarili kahit nangangatog ang tuhod ko. Hindi lingid sa pamilya ko ang nakaraan ko kay Ace. Natahimik si Ace, hindi niya magawang kausapin ako dahi

